Klock Morpheus Fabricio: The Ice Prince
Amaris's POV
"Tignan nyo may babaeng tulala, mamaya nadapa to" rinig kong boses ni Klock pero hindi ko siya pinansin dahil hindi pa rin mawala wala sa isip ko iyong nakabunguan ko kanina.
Totoong hindi ko naamoy ang amoy nang isang bampira at nakaka taas din ng balahibo ang kanyang presensya.
"Kapag hindi kapa tumingin nang maayos sa dinadaanan mo madadapa ka. Siguradong walang sasalo sa'yo" agad akong nabalik sa ulirat ng nabungo ako sa isang matigas na dibdib.
Tinignan ko ito at si Klocl pala iyon. Matagal akong napatitig sa kanyang mukha nang humangin ng malakas at kusang natanggal nang ihip ng hangin ang suot niyang hood. Nililipad din ang buhok niyang kulay asul ang kalahati at puti naman ang isa pang kalahati. Sa totoo lang sinong hair stylist nang lalaking ito at ganito ang kanyang buhok. Pero masasabi ko namang bagay ito sa kanya.
Napapansin ko rin ang iilang pagkakahawig nila ni Jeiko lalo na pagdating sa mata. Pareho silang may singkit na mata at parehong matangos ang kanilang ilong. Siguro kung magpapahaba lang siya ng buhok nang kaunti at gagawing purong itim ang kanyang buhok at mas lalo mong makikita ang pagkakahawig nila ni Jeiko.
Naalala ko na naman ang kinuwento sa akin kanina ni Melody tungkol sa pagiging prinsepe niya ng Reino Devreia. Napapa isip ba ako kung tumutol ba ang hari at reyna noong panahong inampon ng Reyna ng Reino Devreia ang kanilang anak.
"Tama na baka matunaw yan." agad akong umiwas ng tingin ng marinig ko ang boses ni Melody na nangaasar. Hindi ko pala napansin na kanina pa pala ako nakatitig kay Klock. Nakita ko ang mapang asar niyang ngiti. Alam ko na ang susunod nitong sasabihin.
"Sabihin mo lang kung nagwapuhan ka sa'kin maganda ka naman kaya papatulan kita." kumindat ito sa akin kaya agad umusok ang ilong ko sa sinabi niya. Hindi nalang ako nag salita para hindi pa maging away iyon. Ayoko ring makaagaw kami ng pansin sa kalokohan ng lalaking ito lalo na at natanggal ang suot niyang hood dahil sa ihip ng hangin.
"Anong mga nakalap niyong balita?" tanong sa amin ni Laxe. Hindi ko napansin na kumpleto na pala kaming lahat at ako nalang siguro ang kanilang iniintaym Naoatingin ako kay Jeiko na nakaupo sa isang kahot na pinaglakagyan siguro nang mga gulay. Naglalaro lamang siya nang mga maliliit na bato at parang wala siyang pakielam sa kanyang paligid. Hindi niya manlang ako sinulyapan kahit isanv saglit.
"Wala masyado eh, lahat sila kapag tinatanong ko puro mga sagot nila at takot tapos iiwasan na nila ako." sagot ni Melody.
"Ako may matanda ako nakausap ang sabi niya may dumating daw ditong mga hindi kilalang tao na kakaiba ang suot at pinag kakatok isa-isa ang mga bahay at binantaan silang ibigay ang kanilang mga pagkain. Kaya napilitab silang ibigay iyon." sagot ni Klock.
"Ako din, ganoon din ang sagot noong matandang nakausap ko." sagot ni Melody.
"Me too, si Jeiko walang nakuhang sagot sa mga tao dito." sagot din ni Laxe na nakakunot ang noo. Teka matanda?
"Sandali lang puro matanda nakausap niyo?" tanong ko sa kanila. Tinaasan nila ako ng kilay na parang may mali sa sinabi ko.
"Bakit may problema ba kung matanda ang nakausap namin?" tanong ni Laxe.
"Wala pero, ako din matanda yung nakausap ko. Umiiyak siya habang nag kukwento at inaya niya akong bumili ng mga tuyong prutas at gulay na paninda niya." Umawang ang bibig nika at sabay sabay kaming nagtinginan. Napatayo na rin si Jeiko ng may pagtataka dahil sa paliwanag ko.
"Pero bakit si Jeiko, walang nakausap huwag mong sabihin—
Pinutol ni Klock ang sasabihin niya at tumingin kay Jeiko.
![](https://img.wattpad.com/cover/209092348-288-k825268.jpg)
BINABASA MO ANG
Constello High: School of Vampires
VampireAmaris, a normal vampire who lives in the village of Erobya. Meron syang kinikilalang isang ina, na nag ngangalang Cusoass, isang asul na dragon. One day Amaris woke up and Cusoass is nothing to find, at nalaman niyang mayroong isang paaralan ang m...