Chapter 5

64 5 0
                                    

The Investigator

Amaris POV

"Good morning" iyon agad ang bungad sa akin ni Klock ng makalabas ako ng sarili kong kwarto na kailanman ay hindi ko naranasang magkaroon. Napakalaki ng kwartong iyon at masasabi kong sampung tao ang maaring matulog o tumira doon. Mat sarili ding mini kitchen ang kwarting iyon at ang nakakamangha pa ay may sarili akong walk in closet, na may mga lamang damit na.

Nakasuot lang ako ngayon ng simpleng blue checkered na palda at white longsleve na itinupi ko hanggang siko ko. Naksuot din ako ng ankle black boots bilang partner. Nakita ko lamang ito doon sa loob ng walk in closet koa t kasyanv kasya naman sa akin.

"Woah, kasyang kasya sa'yo yung damit"manghang wika ni Klock at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Uhm, sino nag lagay ng mga ganoon kagandang mga damit sa closet na 'yon? Hindi ko naman masusuot ang lahat ng mga iyon."

"Ahh, si Laxe. Binili nya iyon lahat sa'yo. Kagabi nya lang nilagay noong natutulog ka." nagulat naman ako sa sinabi nya.

"Yung babaeng singkit ba?" tanong ko. Tumango sya. "Let's go, nag luto na panigurado si Laxe ng breakfast" hinila nya ako pababa. "Hindi naman siguro mga dugo iyon ano?" pagtatanong ko na ikinatawa nya.

"Bakit ba parang takot na takot ka sa dugo? Parang hindi ka naman bampira sa lagay na yan ah" napatigil ako sa sinabi nya, hinigit ko ang kamay ko kaya nagulat sya.

"What's wrong pasaan ka? Huy!" narinig ko ang sigaw nya pero nag tatakbo lang ako sa deretsong pasilyo na ito.

"Ouch"Nagulat ako ng may mabunggo akong bata. "Oh shit! I'm sorry." tinulungan kong tumayo yung bata na sa tingin ko around eight years old pa lang. Bakit may bata dito?!

"Anong ginagawa mo sa lugar na ito? Dapat kumakain kana ng almusal? Teka bakit andito ka sa school namin eh mga high school dapat ang nandito diba?" tanong ko sa bata na inosenteng nakatingin sa akin.

Ngumiwi ako ng hindi sumagot. "Anong pangalan mo?" tanong ko at pinagpagan ang suot nyang dress kahit wala naman doong dumi.

"Momo, bakit ka nandito?" biglang nagtatakbo yung bata palayo sa akin at pumunta doon sa tumawag sa kanya. Tinignan ko ang tumawag sa kanya at yung babaeng singkit pala.

"My lady patawad po, inutusan lamang ako na puntahan ko si Lady Amaris" yumuko ito kay babaeng singit na tinatawag nilang Laxe.

"Sige, umalis kana. Hinahanap ka na siguro ng nanay mo" nagtatakbo na paalis yung bata at kaming dalawa nalang ni Laxe ang natitira sa gitna ng pasilyong ito.

"Ano tatayo kana lang ba dyan? Nag hihintay ang pagkain" tinaasan niya ako ng kilay. Akala ko pa naman mabait may pag ka maldita din pala ang babaeng ito.

"Patawad, hindi ko alam kung saan makikita ang dining room sa lugar na ito" narinig kong napa 'tss' siya. Tinalikuran ako nito at naunang maglakad.

"Sumunod ka sa akin" nakayuko akong sumunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa napaka laking double door na pintuan. Binuksan nya iyon at namangha ako sa nakita ko sa itaas ng kisame dahil sa mga nag kikislapan at nag lalakihang mga chandelier. Hindi ito kasing gara ng nasa bahay nina Caeli.

"Umupo ka" nauna siyang umupo kaya sumunod ako. Kaming dalawa palang ang naroon, wala pa din si Melody kaya hindi muna ako kumuha ng pagkain. Tinignan ko ang mga pagkaing nakahain sa hapag. May iba't ibang klase ng putahe ang nandoon na karaniwang kinakain sa almusal may strawberry juice din na nandito kaso hindi ako nainom nito. Alergic ako sa strawberries.

Maya maya pa ay may narinig na akong mga boses na nag aasaran paniguradong sina Melody na iyon.

"Huwag mo nga akong pinag loloko Klock narinig ko yung hilik mo kagabi grabe abot hanggang sa kwarto ko" pang aasar ni Melody kay Klock.

Constello High: School of VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon