VAMPIRE MAGIC FINDER
"Nag kakatotoo na ang lahat sa propesiya" ani nang isang babae sa dragon na nakatingala sa bilog na buwan.
"Tama ka, mag sisimula na ang lahat ng naka tala doon. Mag sisimula ang lahat ng nakasulat sa librong iyon sa oras na makatapak sya sa paaralang iyon" ani ng isang dragon na nakatingin padin sa napaka liwanag na buwan.
"Hindi ko inaasahan na mapapalaki mo ng maayos si Amaris, Cusoass. Isa sya pinaka makapangyarihang bampira dahil sa mahikang elemento na pag mamay ari nya. Ngunit sa oras na makatapak sya paaralang iyon ay mag tatagpo ang landas nila ni Klucifer." saad muli ng babae sa dragon.
"Alam ko iyon, ngunit hindi pa iyon ang oras. Kailangan nya munang harapin at makilala ang mga nakaraan nya. Mag sisimula pa lang ang lahat Lucianna." napatawa ang babaeng katabi ni Cusoass.
"Narinig kong may entrance exam na mangyayari para sa mga bagong mag aaral sa paaralan na iyon, gusto mo bang tulungan ko si Amaris?" tanong ng babae. Nagliwanag ang kulay asul niyang mga buhok at nag simulang humaba.
"Hindi na, tiwala ako kay Amaris. Malalampasan nya ang bagay na iyon." wika ng dragon habang nakangiting nakatingin sa maliwanag na buwan.
Amaris POV
"Pinag kakatiwala ko sayo si Caeli, Amaris. Huwag mong pababayaan ang nag iisa naming anak." maawtoridad na paalala sa akin ng ama ni Caeli nang ibaba nya kami sa tapat ng gate ng Constello High.
Napakatayog ng gate na ito at hindi mo makikita ang dulo. Kulay silver ito ay may simbolo ito ng apoy. Ditonpa lamang ay napaka elagante at sumisigaw na sa kapangyarihan ang buong paaralan. Paano pa kaya kung makapasok kami.
"Opo, huwag kayong mag alala. Hindi ko pababayaan si Amaris. " sinagot ko ito ng isang matamis na ngiti na tinanguhan nya lang. Laging beast mode itong matandang ito.
"Papa, huwag naman ninyong sungitan si Amaris. Kayo na nga ang nanghihingin ng pabor sa kanya eh." pag dadahilan ni Caeli. Tama nga sya, laging beast mode tatay nya, kaya bigla nalang tumatanda eh. Pff.
"Trabaho nya iyon Caeli mahal ko. Mag iingat ka mahal kong anak. Aalis na ang iyong papa. Hanggang sa muli nating pag kikita." hinalikan nito sa noo si Caeli at binaling ang tingin sa akin. Tumngo ako dahil alam kona ang ibig sabihin ng mga tingin na iyon.
Kahit hindi naman niya sabihin ay aalagaan at babantayan kong mabuti si Caeli eh.
"Amaris, alam mong may entrance exam bago tayo makapasok sa loob?" tanong sa akin ni Caeli.
"Anong sabi mo?!" gulat kong tanong sa kanya. "Well, tama na naman ang mga iniisip ko. Hindi mo pala alam" napa face palm ito.
Nakakagulat ang sinabi nya dahil mayroon palang mga pakana ang eskwelahan na ito. Hindi ako handa.
"Okay transferee's mag tipon kayo sa lugar na ito" sigaw ng isang lalaki na naka suot ng uniporme ng paaralang ito. Sumunod kami sa mga sinabi nya. Akala ko madami kaming nandito pero mga walo lamang kami dito.
"So ako nga pala si Irvan Lockzer ang B-Class leader ng Constello High. Ipapaliwanag ko sa inyo ngayon kung bakit mag entrance exam tayong gagawin. Nakikita nyu naman at walo kayong kalahok sa exam na ito, ibig sabihin lamang noon ay isa kayo sa mga may potential upang makapasok sa paaralan na ito. Pero hindi ibig sabihin noon ay lahat kayong walo ay makakapasok. Apat lamang sa inyo ang maaring makapasok. Ibig sabihin lamang noon ay kung sinong apat na manalo sa ipapagawa namin ay syang makakapasok sa paaralang iyon. But, theres more!" tumaas ang kilay ko. Nag bulungan ang ibang nandito. Naramdaman kong napahawak sa balikat ko si Caeli.
![](https://img.wattpad.com/cover/209092348-288-k825268.jpg)
BINABASA MO ANG
Constello High: School of Vampires
VampireAmaris, a normal vampire who lives in the village of Erobya. Meron syang kinikilalang isang ina, na nag ngangalang Cusoass, isang asul na dragon. One day Amaris woke up and Cusoass is nothing to find, at nalaman niyang mayroong isang paaralan ang m...