Old Woman
Amaris's POV
"Klock, ano ba gusto mo bang pagalitan tayo ni sir Titus dahil sa kalokohan mo?" inis na tanong ni Melody kay Klock.
Paano ba naman bigla niyang naisipan na tumigil daw muna kami dito sa main city ng Reino Celium, dahil may gusto daw siya bilihin. Ano to nag bakasyon lang kami tapos bibili kami ng pangpasalubong tapos mga souvenir?
"Saglit lang talaga, saka pumayag naman si Jeiko eh. " bigla nalang ito nawala sa paningin namin at naiwan kami dito na masama ang loob kay Klock.
"So anong gagawin natin?" tanong ni Laxe sa amin. Tumingin ito kay Jeiko na nakatingin lamang sa palasyo.
Oo nga pala dito sa main city ng Reino Celium o mas kilala sa tawag na City of Nean ay matatanaw mo na ang palasyo kung saan ipinanganak at lumaki si Jeiko. Siguro na mimiss niya na magulang niya. Bakit hindi siya pumuslit kahit saglit tulad ng ginagawa niya dati?
"Mag kita kita nalang tayo dito pag katapos ng isang oras, kapag hindi agad kayo bumalik pag katapos ng napag usapan ay iiwanan ko na kayo." walang emosyong wika ni Jeiko at nawala na rin sa harapan namin. Saan kaya pupunta ang lalaking iyon? Hindi ko na nasundan ng tingin masyado siyang mabilis.
"So, sabi ni Captain mag kita kita nalang tayo dito. Good bye guys." kumaway sa amin si Laxe at nawala na rin siya na parang bula katulad nina Jeiko at Klock.
"Tayong dalawa nalang natitira dito, tara mamasyal muna tayo. Alam mo namang bago lang ako dito sa Reino Celium diba?" isinakbit ni Melody ang braso niya sa braso ko at hinigit ako.
Tama nga siya bago palang siya dito sa kahariang ito at ako rin naman. Pero magkaiba kami ng sitwasyon siya ay nanggaling sa ibang kaharian at ako naman ay mismo ditonsa Reino Celium nakatira.
Ngayon lang kase ako nakarating sa lugar na ito dahil hindi naman ako gaano nalabas sa village mg Erobya.
Nag simula na kaming maglakad ni Melody at hindi niya ako binitiwan dahil na rin siguro sa maraming tao ang pakalat kalat dito sa Nean.
Tumigil kami ni Melody sa bilihan ng mga palamuri sa buhok. " Tignan mo Amaris bagay sa'yo to oh." ipinakita niya sa akin ang isang gintong ipit na may disenyong mga lilang bulaklak. Inilagay niya sa ulo ko iyon at pumalakpak pa siya.
"Ang ganda, bagay sa'yo!" natutuwa nitong wika.
Namili lang nang namili si Melody tulad ng mga palamuti sa katawan at ibang alahas. Pero bago niya iyon bilhin ay sinusukat niya sa akin at agad niya iyong bibilhin. Ang dami namang pera ng babaeng ito.
Halos kalahating oras na rin kaming naniningin ng ibang paninda ni Melody at naoag pasyahan naming magpahinga muna sa nakita naming bench sa gilid ng kalsada. Masayang masaya niyang ipinakita sa akin ang mga pinamili niya.
Iginala ko ang mata ko dahil nag babakasakali akong makita ko sina Jeiko sa mga kumpol ng tao sa paligid pero mabigo ako. Pero agad napukaw ng aking pansin ang isang matandang nag titinda ng gulay sa tabing kalsadang katapat lamang namin.
Inaninaw ko iyong mabuti dahil pamilyar siya sa akin at tama nga ako siya iyong matanda nakausap namin noong isang araw sa Sacretus Village. Ang matandang nakasuot ng pulang bestida at mayroong kulot na puting napakahabang buhok.
"Melody nakikita mo ba yung matanda sa tapat natin?" pang aagaw ko ng atensyon kay Melody dahil abala pa rin siya sa pag tingin ng mga nabili niyang paninda.
Tinignan niya ang direksyong tinuturo ko. Napakunot siya ng noo na parang may mali sa sinabi ko.
"Ha, anong sabi mo. Matanda? Wala naman ah. Eh wala ngang matanda sa katapat natin." itinuloy niya ulit ang paniningin sa mga pinamili niya.
BINABASA MO ANG
Constello High: School of Vampires
VampiroAmaris, a normal vampire who lives in the village of Erobya. Meron syang kinikilalang isang ina, na nag ngangalang Cusoass, isang asul na dragon. One day Amaris woke up and Cusoass is nothing to find, at nalaman niyang mayroong isang paaralan ang m...