Chapter 21

60 4 8
                                    

Klock's POV

"Bakit kaya hindi nag sasalita iyong Enoikian na iyon?" tanong ko kay Jeiko habang nag lalakad kaming dalawa papuntang cafeteria. Sa totoo lang inaya ko lang siya, hindi ko naman akalain na sasama ang gago.

Halos lahat ng nadadaanan naming dalawa ay napapatingin sa amin. Pogi ko daw kasi.

"Ewan ko bakit mo sa akin tinatanong." sagot niya sa akin at deretso muling tumingin sa aming dinadaanan. Aba ayos din tong kapatid ko ah.

Masyado na atang gurang.

Akala nyo mabait at tahimik lang siya sa una, pero kapag nakilala nyu talaga siya ma tu-tirn off kayo kaagad. Swear!

Kaya hindi siya pinapansin ni Amaris eh kase ang pangit niya dumiskarte kung ginagaya niya sana ang mga diskarte ko kung paano mang akit mg babae edi sana nag la-loving loving na sila ni Amaris ngayon.

Speaking of Amaris, simula kagabi hindi pa siya lumalabas ng kanyang kwarto ganoon din si Melody. Ayaw ata nila mag pa istorbo. Ano bang ginagawa ng mga babae kapag ayaw nilang lumabas ng kwarto? Nakakapagtaka na sila.

Hindi pa rin sila bumababa para kumain, well paano naman kami kakain eh wala si Laxe walang mag luluto sa amin. Si Melody hindi naman iyon marunong mag luto si Amaris? Ewan kona lang. Kaya siguro sumama itong si Jeiko sa akin dahil gutom na din to.

Sabagay kapag gutom ka walang susungit sungit dito. Kain lang.

Habang nag lalakad kami ni Jeiko agad naagaw ng aking atensyon iyong kaibigan ni Amaris, iyong may kaibigang leon. Si Caeli ata iyon?

Mag isa lang siyang kumakain sa isang dulong table tapos may iilang tumitingin sa kanya na Class B dahil siguro Class C sya, hindi ko naman masisisi iyong mga Class B, hindi ko alam kung sino ang teachers nila pero ang pangit nila mag turo sa tutuo lang.

Lagi kong napapansin na laging minamaliit ng mga Class B ang Class C at D eh pantay pantay lang naman sila.

Nang makapasok kami ni Jeiko sa loib ng cafeteria ay naagaw namin ang atensyon ang lahat at alam kong inaapreciate lang nila na may gwapong nag aaral sa school na ito. Siguro kung wala kami ni Jeiko sa school na ito, boring siguro ng pag aaral nila.

Ang hirap tuloy maging gwapo.

"Pwede kaming makiupo" tanong ko kay Caeli nang makadating kami sa puwesto niya. Wala namang pakielam si Jeiko kung saan ko siya dalhin eh, laki kaya ng tiwala sa'kin ng kuya ko. HAHAHAH.

"H-ha? P-puwede naman." utal nitong sagot. Tumingin muna ito kay Jeiko tsaka sa akin. Bakit kay Jeiko agad eh, mas gwapo naman ako dyan. Ang gurang na niyan eh.

Alam naman ng lahat na three hundred years old na si Jeiko pero bakit mas crush na crush nila siya samantalang ako fresh na fresh pang eighteen years old hindi manlang nila binibigyan ng pansin?

Kumikirot tuloy ang puso ko. Hindi na ako mahal ng mga estudyante ng Constello High. Huwag myu ko kausapin!

"Hoy, umorder kana!" siniko ako ni Jeiko. Ay potcha! Ako pa pala mauuutusan dito.

"Bakit ako? Pareho tayong gutom kay ikaw ang umorder." asik ko sa kanya. Tinatamad ako ngayong umorder nag tatampo ako sa kanila. Pakisuyo nga ako.

"Gusto mo tunawin kita?" pag babanta niya. Ako pa tinakot ng lalaking to. Patigasin ko siya sa lamig eh.

"Siguro ako nalang, nahihiya kase ako sa inyo eh." nag alangang tumayo si Caeli. Si Jeiko kase ang pasimuno, hindi pa agad tumayo iyan tulpy babae na tuloy nahiya sa amin.

Pero salamat Caeli, kaibigan ka nga ni Amaris.

"Ano pong order nyung dalawa?" tanong ni Caeli. Hala galit ata sa amin. Si Jeiko kase, tamad tamad talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Constello High: School of VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon