Chapter 15

44 6 7
                                    

Reason Behind the Robery

Amaris's POV

"Ibigay nyu sa amin lahat ng dala nyung ginto." malakas na bumukas ang pintuan ng silid na aming tinutuluyan, marahil ay sinipa ito para mabuksan.

Iniluwa noon ang mga bampirang may hawak na mga kawayan na may apoy.

"Bakit kayo pumasok?!" maawtaridad na tanong ni Jeiko.

Lahat ng mga bampirang nasa harapan namin ngayon ay masasabi kong ang mga nakatira sa village na ito dahil ang iba sa kanila ay namumukaan ko.

"Captain meron din dito sa labas, nakapalibot silang lahat sa atin." wika ni Klock habang sinisilip ang bintana.

Tama nga siya napaka daming mga bampira ang nasa labas at lahat sila ay nakalabas ang pangil at ang iba naman ay nakalabas ang kanilang kapangyarihan na ano mang oras ay maari nila kaming atakihin. May mga bata at matatanda rin silang kasama dito.

"Ibigay nyu sa amin ang mga dala nyung mga ginto, alam namin na mayroon kayong mga dala!" sigaw nang isang lalaking nakasuot ng asul na pangmagsasakang damit.

Nakasuot din ito ng sumbrero pero makikita mo sa mga mata nito ang nais na makuha ang mga dala naming ginto o ano pa mang mga salapi.

Mukhang siya ang leader ng mga bampirang ito.

"Bakit naman namin sa inyo ibibigay, hindi nyo ba kilala kung sino ang mga pinagtangkaan nyung pagnakawan?" taas noong wika ni Melody.

Inabot ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin. Umiling ako sa kaniya na ibig sabihin ay tumigil siya.

Nag pout naman siya.

Tsk, bakit ang cute niya, at bakit din Amaris sa oras na ito napansin ang bagay na iyan?

Hinigit ko siya papalapit sa akin at humakbang ako papauna para kausapin sila. "Mawalang galang na po, pero maari po bang itigil nyu na ang ginagawa nyo. Alam ko pong nasa gitna ng paghihirap amg inyong bayan pero hindi po mabuti ang pagnanakaw lalo sa mga bisita ng bayan na ito" pagpapaliwanag ko pero mukhang lalo lang itong nagakit sa sinabi ko at nagulat ako ng may asul na kapangyarihan ang papalapit sa akin.

Nanggagaling iyon sa leader nila at alam kong anumang pras ay tatama sa akin iyon, isa pa hindi ko rin alam kung anong kapangyarihan niya.

Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Jeiko at naging apoy ang asul na kapangyarihan na iyon.

"Bakit ba kahit kailan napaka tigas ng ulo mo" narinig kong bulong niya at binitiwan ako. Hinarap niya ang leader ng mga bampirang magtatangkang magnakaw sa amin.

Hinigit naman ako ni Melody sa tabi niya. Hindi ko tuloy nakita ang ekspresyon ni Jeiko.

"Mas makulit ka pala sa akin, kung hindi lang naagapan ni Captain ang bagay na iyon baka kung ano ng nangyari sa'yo. Baka ilang araw ka na naman sa higaan." umiling iling ito.

Oo na ako na ang makulit!

"Ikaw ba ang leader ng mga bampirang kasama mo?" tanong ni Jeiko sa malamig na tono. Hindi agad nakapag salita ang leader nila dahil sa tono ng boses ni Jeiko.

Kung ako naman ang nasa kalagayan noong leader nila ay kapag sa unang beses mo marinig ang boses ni Jeiko ay mapapatigil kana lant at nanginginig ang tuhod mo sa takot. Sa tono nang boses ni Jeiko ay masasabi mong may dugong royakty siya at isa siyang prinsepe.

Napatingin ako kay Klock na nakatingin pala sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay.

Itong lalaking ito kabaliktaran siya ng mga sinabi ko kay Jeiko.

Constello High: School of VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon