Chapter 17

42 5 6
                                    

Cursed

Amaris's POV

"Don't touch her or else were kill you" nakakatakot at may pag babantang boses nang mag kapatid na sina Klock at Jeiko.

Nakita kong napangisi iyong Klucifer dahil sa inasta nang magkapatid na ito.

Teka, bakit ganito sila umasta na akala mo papatayin ako ni Faustina, malay mo nag aalala lang naman siya sa akin.

Isa pa bakit kung pag salitaan nila ang bisita ng paaralan namin akala mo'y papatayin talaga nila.

"Ay sorry, hindi ko alam na masyadong possessive ang mga taga Constello High. " umurong si Faust, hindi ko manlang siya nakitaan ng inis dahil sa ginawa ng dalawa. Nakangiti pa siya ng matamis sa amin o masasabi kong sa akin.

Parang may kakaiba sa mga ngiti niya.

"Kahit kailan talaga Jeiko, hindi ka parin lumugar kung saan ka dapat lumugar. Idagdag mo pa itong kapatid mong walang alam." nag salita iyong Klucifer at tumingin kay Klock.

Bumahid sa mukha ni Klock ang pag ka inis dahil sa sinabi noong Klucifer. Pero teka bakit ganoon itong nararamdaman ko parang gusto ko siyang yakapin. Parang gusto ko siya lapitan at kausapin pero hindi ko magawa dahil pakiramdam ko nakahara ang mga presensya sa akin noong dalawang mag kapatid.

Mukhang naasar si Klock dahil nararamdaman namin na biglang lumamig ang paligid kaya mas lalong ngumisi iyong si Klucifer na parang nang aasar.

Napatingin kami sa braso niya ng bigla iyong umilaw. Narinig ko ang mahina niyang mura tsaka bigla nalang nag laho sa harapan namin pero narinig namin ang huling mga katagang iniwan niya.

"Stop being possesive Jeiko, you have no rights to her. I know you know that, and another one she deserves to know me."

*******

Matapos ang nangyari sa office ni Sir Titus umalis na kami nina Jeiko na parang walang nangyari. Hindi manlang sila nag sasalita simula ng dumating kami sa dorm namin.

"Bakit ganoon kaya umasta iyong magkapatid na 'yon, magkakilala ba kayo ni Jeiko?" tanong ni Melody nang may pag tataka.

Oo nga napansin ko iyon iyong pag asta nilang dalawa lalo na si Jeiko, alam ko namang childhood friend ko ko si Jeiko at alam kong kilala niya na ako simula noong bata pa ako. Pero kakaiba ang inaasta niya kanina, parang ayaw niya akong palapitin doon sa Klucifer.

"Siguro. Pero pansin mo kakaiba talaga iyong inasta nila eh. Parang ayaw nila ako palapitin doon kay Klucifer" sagot ko dahil naalala ko ang mga sinabi sa akin noon ni Jeiko. Tumatakas lamang siya noon para lang makipag kita sa akin sa nakakatakot na gubat ng Erobya.

Tumawa siya tsaka ininom ang dalandan juice na inorder niya. Nandito kami ngayon sa cafeteria ng Constello dahil hindi na namin matiis amg katahimikan sa loob ng dorm namin. Kanina pa din kami pinag titinginan ng mga ibang class at may naririnig din kaming bulungan tungkol sa amin. Ang iba doon ay may pag ka mangha at iba namat ay may pang lalait.

Hindi nalang namin pinansin ang mga iyon dahil parang nirereflect lang nila ang sarili nila sa mga masasamang sinasabi nila sa amin.

"Well pwede naman, ang gwapo kaya nung Klucifer unang kita ko palang laglag panga kana talaga eh. Swerte ng future girlfriend nun." kinurot niya ang tagiliran ko.

Hindi ko alam na may tinatagong harot din pala ang babaeng ito.

"Seryoso ka? Parang ako ata ang inaasar mo sa kanya eh." asar na sagot ko.

"Hindi naman pero bagay kayo yieeee." sinundot sundot niya ang tagiliran ko kaya tinampal ko iyon.

Tama siya, masasabi kong gwapo siya pero wala akong nararamdaman na kahit ano sa kanya. Oo namamangha agad ako noong una ko siyang makita pero iba iyong nararamdaman ko sa kanya eh. Hindi ko masabi pero pakiramdam ko napakahalaga niya sa akin.

Constello High: School of VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon