Chapter 19

30 4 5
                                    

Allendis

Amaris's POV

"Alam mo hindi ko talaga alam kung stalker ba kita o pinag titripan mo lang ako." iyon agad ang bungad kong tanong kay Klucifer ng mahuli ko siyang pinag mamasdan ako sa malayo kaya nilapitan ko siya.

Tumawa nalang siya sa tanong ko kaya mas lalo akong mainis. Alam nyo, pareho lang sila ng ugali ni Klock kaya mas nabubwiset ako.

"Ang sama ata ng araw mo ngayon ah?" natatawang tanong niya.

Sinamaan ko siya ng tingin kahit wala namang mali sa tanong niya.

"Ano bang pakielam mo, hindi mo nga sinagot iyong tanong ko eh." inis kong sagot. Napatingin ako sa kamay niya ng maglabas siya ng isang balot ng cassava chips.

Sa totoo lang baka mamaya hindi na bampira ang kausap ko, baka kamote na.

"Hindi kaba nauutot kapag pag katapos mo kumain niyan? Parang iyan na ata ang nakikita kong kinakain mo sa maghapon eh." sa tuwing nakikita ko siya lagi siyang may dala ng maraming balot ng cassava chips. Hindi ko manlang siya nakikitaan ng ibang pagkain na kanyang kinakain.

"Subukan mo kaya kumain ng cassava chips ng malaman mo kung ano ang sagot ko sa tanong mo." dinakot niya iyong mga cassava chips saka isinubo sa loob ng kanyang bibig.

Napangiwi ako.

"Ang baboy mo namang kumain. Wala ka bang manners?" napatawa siya.

"Alam mo puro tanong nalang tayo sa isa't isa pero wala tayong nasasagot na kahit ano sa mga tanong. Nag tatangahan lang ata tayo." humalakhak siya at inalok ako noong kinakain niya.

Ngayon niya pa talaga naisipang mag alok kung kailan niya nilamog at paubos na.

"So wala namang masama doon." pag tataray ko. Hindi ko alam kung anong meron sa aking ngayong araw na ito dahil pakiramdam ko inis na inis ako sa isang bagay na hindi ko naman maipaliwanag.

Pag katapos ng nangyari sa amin kaninang umaga ni Jeiko ay pinalayas ko na talaga siya. Nag pupumilit pa rin siyang mag stay kung hindi lang ako nag panggap na mag huhubad sa harapan niya ay hindi pa siya aalis.

Kahit papaano ay gentledog pa rin naman ang prinsepe ng mga apoy.

Speaking of kapangyarihan, hindi ko pa pala nagtatanong kay Klucifer kung anong kapangyarihan niya dahil alam ko lang na curse vampire siya. Hindi ko rin alam kung anong purpose noong suot niyang itim na bracelet at kung bakit din iyon umiilaw.

"Klucifer, anong kapangyarihan mo? Curious lang talaga ako eh. Hindi ba sabi mo sa akin noong nakaraang dalawang linggo ay sinumpa ka? Oh ibig sabihin lang noon may dahilan iyang suot mong bracelet sa kapangyarihan mo?" tanong ko.

Tumigil siya sa pag kain.

Tumingin siya sa kawalan na parang may malalim na iniisip.

Teka, bakit kapag kasama ko ang lalaking ito ay nagiging madaldal ako? At lagi naming meeting place ay ang garden.

"Dahil makulit ka, sasabihin kona sayo." umayos siya ng upo at ganoon rin ako. Para akong isang tuta na nag hihintay ng pagkaing ibibigay ng amo niya.

"Hindi ko na sasabihin kung anong taon iyon nangyari pero years ago, I used my real magic to revive someone's life, naging sanhi iyon ng paglabag ko sa hangganan nang paggamit ng kapangyarihan ko. Ginawa ko ang bagay na iyon para marevive lang iyong babaeng mahal ko." tumingin siya sa akin ng may halong lungkot sa mga mata.

Constello High: School of VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon