Chapter 11

43 6 4
                                    

Loen: Leader of 12 Zodiac Spirits

Faustina's POV

Hevster Academy;

"Anong ibig sabihin mo Sir William?" tanong ko sa adviser namin sa Class A.

"I need you to visit Constello High, I want you to teach the students more about using their own magic. Nabalitaan kong sumugod ang mga Enoikians noong nakaraang araw. Masasabi kong nakakatuwa ang ginawa nang mga Class A noong panahong sumugod ang mga Enoikians pero hindi pa sapat ang mga ginawa nila. Nabalitaan ko din na tinanggal ng prinsepe ng Reino Celium ang kanyang maskara para sa isang babae"

I wonder kung sino iyon. Hindi ko pa lubusang kilala ang prinsepe ng Reino Celium pero base sa aking naririnig ay mailap ito at sinasabi nilang kaya ito nag tatago sa likod ng kanyang maskara ay isinumpa daw itong pangit. Well, makikita ko sa pagpunta namin doon.

"Oh, if that's the case papayag ako but, how about captain? Isasama ba namin siya?" marahang tumango si Sir William at may inabot siya sa aking itim na porselas. Tinignan ko ito at isang simpleng itim na porselas lang ito at may iilang pulang diyamante ang mga naka lubog sa bawat strap nito.

"Ipasuot mo sa kanya yan, pinag aralan kong mabuti ang tungkol sa kapangyarihan ni Klucifer at kahit papaano ay nakagawa ako nang paraan para mapigilan ang mga taong mabibiktima ng kapangyarihan niya. Ipasuot mo sa kanya yan at kusang iilaw ang mga dyamante diyan kapag ang kapangyarihan niya ay makakapatay na sa taong lalapit sa kanya" napa awang naman ang bibig ko sa itinuran sa akin nang aming guro.

"Wow, hindi ko alam na nagawa mo ang bagay na ito Sir William. Paniguradong matutuwa nito si Captain kapag naisuot niya na ang porselas na ito" namamangha kong wika sa kanya. Ngumiti siya sa akin at nagpaalam na.

Masaya akong bumalik sa dorm namin at naabutan kong nag lalaro nang darts si Captain saka si Vrayus.

Ipinaliwanag ko agad sa kanila kung ano ang inutos sa amin ni Sir William at ibinigay ko kay Captain ang porselas na ginawa para sa kanya ni Sir William. Nakita kong may dumaang saya sa mukha ni Captain nang ipaliwanag ko sa kanya kung paano gumagana ang polseras na iyon.

"Let's go, mahaba haba pa ang byahe na'tin" wika niya at siya na mismo ang naunang maglakad papalabas ng dorm namin.

Anong mayroon sa kanya?

***
Caeli's POV

"Hey, diba ikaw yung C Class na nilapitan ni Lord Klock saka yung tatanga tanga noong sumugod ang mga Enoikians, bakit nandito ka sa lugar ng mga B- Class ha?" nagulat ako nang may mga B- Class na humarang sa'kin sa dadaanan ko.

Balak ko sanang bisitahin si Amaris dahil nabalitaan kong may mission daw na gagawin ang A Class. Sabi kase nang mga taga C Class na kaklase ko ay mas maganda daw na dumaan ako sa building ng B Class dahil amy short cut daw dito. Hindi ko naman akalain na may mga isip batang B Class na haharang sa dadaanan kp.

"Ahm, ako nga siguro yun, pero medyo nakaka hurt naman 'yong pag kakasabi nyu ng tanga ah." nag acting ako na parang na nasasaktan sa mga sinabi nila kaya napangiwi sila sakin.

"Tsk, bakit ba ang we-weirdo nyung mga C Class. Sayang naman yong gwapong lalaki na napunta sa klase nyu. Mga mahihina at salot na klase kayo isaman nyu na ang mga bida bidang D class." aba sumosobra naman ata ang bunganga nang babaeng ito ah.

"Eh bakit ikaw nasa B- Class pa din. Hindi ka ,anlang umangat sa A Clas ah" nanlisik ang mga nito sa sinabi ko. Nilapitan ako nang isa sa mga kasama niya at nagulat ako ng lumulutang na ako.

Constello High: School of VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon