Chapter 13

38 7 6
                                    

Sacretus Village

Amaris's POV

"Ayus ka lang ba talaga Amaris? Heto oh, isuot mo" inilagay ni Melody ang suot niyang Cloak sa aking balikat. Nandito kami ngayon at nakasakay sa Ice Eagle Creation magic ni Klock. Masasabi kong nakakamangha ang Ice creation magic ni Klock.

"Salamat Melody, pero mas kailangan mo to" ibinalik ko sa kanya iyong cloak. Sa totoo lang hindi ayus na sa'kin itong suot kong makapal na cloak dahil kahit papaano ay hindi na ako nakakaramdam ng lamig.

Ibinalik niya ulit sa akin iyong cloak kaya sinimangutan ko siya. "Hindi, sa'yo na 'to Melody. Ikaw amg lalamigin dito sa ating dalawa." narinig ko amg mahinang pagtawa ni Klock habang siya ay nakatayo sa unahan at tinitignan ang daan papunga sa village ng Sacretus.

Naksunod lamang kami kina Jeiko dahil ang fire phoenix niya ang nagsisilbi naming liwanag ngayong madaling araw na ito.

Halos ilang oras nalang ay sisikat na ang araw nang makaalis na kami sa school dahil na rin sa kagagawan ko. Ang huli kong naalala bago ako mawalan nang malay ay gusto kong inumin ang dugo ni Jeiko pero nagpapasalamat pa rin ako sa aking sarili dahil hindi iyon nangyari.

Mahirap na hindi kona alam kung ano pa ang susunod na tutubo o mangyayari sa akin kapag natikman kong muli ang dugo niya.

Tama! Simula ngayon hindi na ako iinom nang dugo nang tao o nang bampira maliban sa hayop. Nagagawa ko naman iyon dati sa Erobya kaya kaya ko ulit iyong gawin dito sa Constello High!

"Kung ako sa inyong dalawa, daapt ibigay nyu nalang sa akin iyang cloak na yan. Baka mag sabunutan pa kayo diyan e. Ihuhulog ko kayong dalawa kapag nangyari iyon" pang aasar sa amin ni Klock.

"Eh kung ikaw kaya ang ihulog ko." ganting sagot ni Melody.

"Sabunutan lang ba ang alam mong ginagawa nang mga babae kapag nag aaway sila? Masyado naman atang cringe ang pag iisip mo kung ganoon." naiinis kong sagot sa kanya.

"Wow, pinag tutulungan niyo na akong dalawa ha. Ganda ko talagang lalaki, pinag aawayn ako ng dalawang magagandang babae ngayon." ang hangin naman nitong lalaking ito. Bagay na bagay sa kanya ang kapangyarihan niya.

"Aba ang kap—

"Isa pa Melody. Kapag inihulog mo ako isasama ko kayong dalawa. Remember ice creation lang ito. Kapag hindi kona siya kinokontrol kusa nalang siyang mawawala. Ang dami ko kayang kapangyarihan ang ginagamit ko para lang mapagalaw lang ito. Sinasaktan mo ang damdamin ko." nag act itong nasaksaktan kaya napairap si Melody at binatukan si Klock.

"Sa'yo naman Amaris, malay ko ba na hindi pala sabunutan lang ang ginagawa ng mga babae kapag mag aaway." tumawa ito.

"Nag effort ka rin para sagutin kami ano?" sakrastiko kong tanong. Napakamot ito sa ulo.

"Syempre hindi naman ako katulad ng isa DYAN—

malakas at madiin na sa sagot ni Klock na parang may pinariringan.

"—na walang pakielam sa mga babae simula nung nawala yung—" biglang may bolang apoy ang muntik na tumama kay Klock kaya hindi niya natapos ang kanyang sasabihin. Nakita kong itinaas ni Jeiko ang ang kanyang gitnang daliri kay Klock kaya binelatan siya ni Klock. Napaka isip bata naman nitong si Klock at ang lakas pang mang asar.

"Grabe muntik na iyon ah." nakita kong may pinag lalaruan siyang isang bola ng yelo at nakikita kong may apoy sa loob noon na unting unting naglalaho.

"Ganyan ba talaga kayo lagi ni Jeiko, mag kaano-ano ano ba kayong dalawa? Siguro matagal na kayong mag kakilala ano?" natataka kong tanong. Narinig kong mahinang napatawa si Melody.

Constello High: School of VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon