Amaris, a normal vampire who lives in the village of Erobya. Meron syang kinikilalang isang ina, na nag ngangalang Cusoass, isang asul na dragon.
One day Amaris woke up and Cusoass is nothing to find, at nalaman niyang mayroong isang paaralan ang m...
"Water Slicer" sigaw ko at animo'y nahati sa pira-piraso ang kalaban kong Asmor isang uri ng malaking buwaya na nag iiba ng kulay at may pakpak ito. Narinig ko ang malakas na hiyaw ng Asmor bago ito naging abo.
Phew!
"Buti naman at hindi na ako nahirapan pang tapusin ka. Masyado kang nakaka istorbo sa gabi ko" wika ko at umakyat sa puno ng Allate. Naglaho na din ang kulay pula kong mga mata at ang aking matutulis na pangil. Ang puno ng Allare ay isang puno na tuwing sasapit ang gabi ay ang mga bulaklak nito ay kusa na lamang namumukadkad at may makukulay na ilaw na lumalabas sa mga bulaklak nito. May mga bunga din ito at masasabi kong napaka sarap nito.
Ang puno ng Allate ang aking paboritong tambayan dito sa gubat ng Erobya. Maraming takot sa kagubatang ito dahil sa usap usapang hindi kana makakabalik ng buhay kapag naka pasok ka dito pero ito ako pabalik balik sa lugar na ito simula ng malaman ko ang lugar na ito.
"Mukhang masama ang iyong timpla Amaris" napatingin ako sa lalaking bigla nalang sumulpot sa harapan ko. "Ano naman sayo?" pag tataray ko sa kanya. Umupo sya sa katapat nang sanga ng puno na kinauupuanan ko.
"Bakit ba sa tuwing nagkikita tayong dalawa ay laging napaka sama ng trato mo sa akin?" pagmamaktol niya. Ngumiwi ako.
"Tsk, nakakainis lang yung Asmor na nakalaban ko kanina."
"Halos napatay mo na nga ang mga halimaw sa gubat na ito ay nagagalit ka pa?" umiiling iling ito habang winiwika nya iyon.
"For your information, hindi lahat ano!" bulyaw ko sa kanya na ikinangisi nya lang. Natahimik ang paligid at wala ni isa sa amin ang nagsalita. Tanging ang naririnig lamang namin ay ang paggalaw ng mga dahon ng puno dahil sa hinahangin ito.
Nakatingin lamang kaming dalawa sa maaliwalas at madilim na kalangitan na punong puno ng mga nangniningning na bituin at ang napakaliwanag na bilog na buwan.
"Tignan mo napaka liwanag ng buwan, sa tingin mo masaya kaya ngayon ang mahal na dyosa?" tanong ko sa kanya at tumingin sa napaka perpekto niyang mukha, napatingin ako sa magandang emblem na hugis krus sa pagitan ng kanyang kilay at ilalim ng mata.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(ganyan po ang style kaso yung krus na drawing ang nasa may mata nya, by the way thats jellal fernandes of fairy tail)
"Hindi ko alam pero sabi sa mga kwento ay masaya ang dyosa kapag nagliliwanag ang buwan, pero wala pang nakakapag patunay nito. Bakit hindi mo subukang umakyat sa langit at pumunga sa dyosa, at itanong ang mga bagay na iyan?" natawa ako sa winika nya.