Struggling
Amaris's POV
"Handa na ba kayong lahat?" tanong ni Jeiko. Nandito kami ngayon sa sala nang dorm namin at lahat kami ay nakaikot para pag usapan ang mga plano naming gawin sa pagdating namin sa village mamayang gabi.
"Maglalakad lang ba tayo?" tanong ko. Tinaasan niya ako ng kilay. May problema ba sa'kin ang lalaking 'to?
"Well, good question Amaris since mayroon tayong fire and ice ability sa grupo natin mamimili kana lang kung saan mo gustong sumama. Pumili ka, kay Jeiko na fire phoenix o kay Klock na Ice Eagle Creation magic?" pagpapaliwanag sa akin ni Laxe. Well pakiramdam ko mabait naman si Laxe pero kung pakikinggan mong mabuti ang mga salita niya parang may halong pagbabanta ang mga iyon. Hindi ko alam kung sa akin lang ba siya ganoon pero pakiramdam ko kakaiba ang pagtrato niya sa akin bukod sa tatlo.
Tinignan ko si Jeiko at Klock na parehong nakatingin sa akin. Kita sa mga mata nila na isa dapat sa kanila ang piliin ko. Parang nagpapaligsahan naman ang dalawang ito ah, eh mamimili lang namam ako kung saan ako saaakay.
"Siguro ang pipiliin ko ay si Je-
"Amaris gusto ko sa akin ka sumama dito tayo sa tukmol na Klock na ito, baka kase ihulog ako nito. Wala pa naman akong tiwala sa lalaking to" pinutol ni Melody ang isasagot ko. Bahagya akong napangiwi dahil sa pagpigil niya. Sa totoo lang pipiliin ko talaga si Jeiko dahil siya ang kabaliktaran nang water attribute ko at ang fire magic niya din ang makakatulong sa akin para kahit papaano ay hindi ako manigas sa lamig. Pero dahil nakiusap sa akin si Melody wala na akong nagawa at pinili ko ang kay Klock.
Di bale nalang mag susuot nalang ako ng makapal na cloak para hindi ako gasinong lamigin. Hindi rin naman ganoon kalayo ang village ng Sacretus sa school namin.
"So it's settle na, Amaris will join to Klock side so get ready na anumang oras ay sisignalan na tayo ni sir Titus kung kailan na tayo maaring umalis." pagpapaliwanag ni Laxe at halata ang kasiyahan sa boses niya.
"Naririnig nyu ba 'yon?" napatingin kaming lahat kay Melody. "Ang alin?" tanong ni Klock.
"Parang ungol ng kung anong hayop eh." ha ungol? Huwag mong sabihin na may nakapasok na naman mga Enoikian's sa school namin.
"Wala naman kaming naririnig ah, baka guni guni mo lang" hinampas ni Melody si Klock.
"Sira! Papalapit na yung tunog eh" agad tumakbo sa may bintana si Klock at sinilip kung anong mayroon sa labas dahil narij sa pagiging weirdo ni Melody.
"Bakit may leon sa labas?" gulat na tanong ni Klock habang nakatingin sa bintana. Tumayo ako para maki usyuso na din at napangiti ako nang makita ko ang leon. Nagtatakbo akong lumabas nang dorm at narinig ko ang pagtawag sa akin ng mga kasamahan ko.
"Caeli, bakit ganyan itsura ni Loen. May nangyari ba?" mangha kong tanong at agad nilapitan si Loen na naka anyong leon. Bihira ko lang siyang makitang ganito at isa ito sa paborito kong anyo niya.
"Ahm, about doon huwag mo nalang tanungin." umiwas nang tingin si Caeli at napakamot ito sa gilid nang tenga niya.
Niyakap ko si Loen. "Wow Loen, hindi ko akalaing mag gaganitong anyo ka. Wahh, ang kapal nang balahibo mo" hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Ang sarap mo namang yakapin." napatunghay ako nang may magsalita. Agad nanlaki ang mata ko nang makitang nakangiting nakatingin sa akin si Loen. Nagbalik na siya sa anyong tao niya!
Agad ko siyang tinulak pero hinigpitan niya ang yakap sa akin. Aba chansing ang lalaking ito ah.
"L-loen, hindi ako makahinga" agad niya naman akong binitawan na nagtatawa. Kinunutan ko siya nang noo.
BINABASA MO ANG
Constello High: School of Vampires
VampiroAmaris, a normal vampire who lives in the village of Erobya. Meron syang kinikilalang isang ina, na nag ngangalang Cusoass, isang asul na dragon. One day Amaris woke up and Cusoass is nothing to find, at nalaman niyang mayroong isang paaralan ang m...