Chapter 34

749 41 16
                                    




•••***•••

" Tulong!!!! Tulong!! Tulungan nyo ako!!" I couldnt see anything. Nakapiring ako , at nakatali ang mga kamay at paa ko sa isang upuan. . Kanina pa ako di natigil sa pagsigaw. Namamaos na ako. Kasabay ng pag agos ng mga luha ko ay ang takot na baka di na ako sikatin pa ng araw. . Sinubukan kong gumalaw, ngunit hindi ko kaya. Pakiramdam ko nagkakasugat na ako sa paanan ko at sa palapulsuhan ko dahil pinipilit kong kumawala.

Ano bang kasalanan ko para ganituhin ako??! Bakit nila ito ginagawa sa akin!! Sino ang may gawa nito!! Hindi ko lubos maisip kung kanino ako may kasalanan para ganituhin ako. Napaka walang kaluluwa nang sinuman ang may pakana nito. Hinding hindi ko sya mapapatawad!!

" Ahhhhh!!! Tulong!!! Ano ba! Pakawalan nyo ako!!" Muli akong sumigaw. Sinubukan kong muling gumalaw, ngunit gaya kanina mahigpit ang pagkakatali sa kin! "Tulungan nyo ako!! Tulong!!!" Sigaw ako ng sigaw. Baka sakaling may makarinig. Kailangan ko pang lakasan ang pagsigaw. . "Tulong!!!"

" ang ingay mo! mamamaos ka lang . " boses ng babae. .

" sino ka! Bakit mo ito ginagawa sa akin!!" Muling sigaw ko. "Pakawalan mo akong gago ka!! " i shouted again. .

" gago? Hahahaha!! "

" Punyeta ka!! Sino ka ba!! Pakawalan mo ako! Ano bang kasalanan ko sa yo!"

" hahahha! " Mas lalong lumakas ang tawa nito.

" sino ka ba!! Ano bang kasalanan ko sa yo ! Ano- -

Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko, isang malakas na sampal ang natanggap ko mula rito. Halos mabingi ako sa lakas ng pagkakasampal nito.

" oh my gosh. Im so sorry. Matteo will really kill me, pag nalaman nyang nasampal kita. Oh im so sorry! Hahahahahah!! Sorry, but not sorry! Hahahaha!"

Di ako nagsalita. . Narinig ko muling tumawa ito . Pinipilit kong alalahanin kung kaninong boses ba ito. Pinipilit ko ang sarili ko na maging matapang, kahit ang totoo nito, takot na takot ako.

Takot na takot ako sa lahat nang nangyayari sa akin ngayon. . Umiyak akong muli bago ko ito narinig na muling nagsalita. . "Matteo really likes you ah! Imagine, niregaluhan kang kotse! Ibang klase! Anong gayuma ang nilagay mo sa kanya para maloko sya sayo ng sobra. Tsk tsk. . How wild are you in bed? Hahahahaha! Kaso Kawawa ka naman ngayon"

" sira ulo ka! Pakawalan mo ako dito!"

" hahahaah!! Bakit baliw na baliw sayo ang Matteo ko?? Bakit huh?? Gusto kong malaman . Nang magaya ko naman . Care to tell me your secrets?? "

" anong kasalanan ko sayo??!!" Madiin kong sabi. Naramdaman ko ang mainit na likido sa gilid ng labi ko. Alam kong dugo iyon. Pero kailangan kong magpakatatag. Maging matapang.

" ahm. Kasalanan?? Well, madami.. " napalunok ako nang maramdaman ang boses nito sa gilid ng tainga ko. Kinilabutan ako bigla. . "Kinuha mo sya akin. Inagaw. Kinuha mo ang kinabukasan ko at ng pamilya ko. Nang dahil sa yo, nawala na sa kin ang lahat!!!"

Halos mapasigaw ako sa sobrang lakas ng pagkakasabunot nito sa akin. I couldnt fight back!! Nakatali ang mga kamay ko. Ang mga paa ko. I feel so helpless! .. "kasalanan mo ang lahat ng ito Sarah!!! Kasalanan mo!" Sigaw nito sa akin! Tinanggap ko ang bawat mura, sampal nito sa akin!

Hindi ako umimik, patuloy lamang ako ss pagtangis . . Ayokong ipakita dito kung gaano ako katakot sa mga pagkakataong ito. Nanghihina ako dahil hindi ko na alam kung bubuhayin pa ba ako nito. Hindi ko lubos maisip na kaya nitong gawin ang lahat dahil lamang sa pag-ibig. .

When You Say Nothing At All. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon