Chapter 36

619 42 20
                                    




•••***•••

" gusto mo bang malaman kung anong ginawa ni Matteo sa anak ko?" Seryosong tanong nito. Nakakatakot ang klase ng mga titig na binibigay nito sa akin. Mas lalo akong natakot sa kung anong maari kong marinig mula sa bibig nito. . Handa ba akong pakinggan ito?

Kaya ko ba??

" gusto kong malaman ang puno't dulo ng galit nyo kay Matteo para idamay nyo ako sa kawalanghiyaan nyong mag ina!"

" ang tapang mo pa din?? Baka pag nalaman mo ang katotohanan ay mahiya kang bigla sa sarili mo at magsisi kang minahal mo si Matteo! " umiling ako ng ilang beses. Alam kong sisiraan lang nila si Matteo sa akin! Kay Matt lang ako dapat makinig, magtiwala at maniwala!!

" di ako maniniwala sa mga sasabihin mo, " matigas kong sabi. Tumawa lang ito ng malakas sa sinabi ko.

" hahahaha!! Bulag ka! Nabilog nya ang ulo mo! Kungsabagay naman.. sinong babae ba ang hindi mahuhumaling sa itsura ng gagong yon!! Pero sasabihin ko sayo ang nangyari , kaya makinig kang mabuti!! "pagpatuloy nito.

.. "Mahal ng anak ko si Matteo, sya ang una at ang natatangi nitong mahal. At ibinigay nya ang lahat lahat dito. Isang gabi, di ko mahanap si Felize. Ni hindi ko alam kung sino ang kasama nito, o kung san sya naroroon. . Hindi mo ako kailanman maiintindihan dahil hindi ka pa isang ina! Pero nung gabing yon, iba ang pakiramdam ko. Kinakabahan ako na ewan. , hanggang sa sinama na ako ng pamilya ni Matteo.. "

... "ang sabi nga, sumama ako sa kanila, alam nila kung nasaan ang anak ko. Iyong kinatatakutan kong lugar, dun pa mismo ako dinala!! nung nakarating akong ospital, halos ikamatay ko nang marinig ko ang boses ng anak ko , na nagsisigaw dahil sa sobrang sakit mula sa natamo nitong sunog sa katawan. Halos kalahati ng katawan nya ang nasunog! Alam mo ba kung gaano kahirap para sa akin na makita syang nasa ganoong estado???!!"

... "hindi mo alam, kasi hindi mo yun naramdaman! Alam mo yung mga mayayaman , hah?? Sila yung batas! Walang hustisya para sa aming mga mahihirap! Ang kasalanan lang naman ng anak ko ay ang magmahal ng sobra sa lalakeng yon! Mahal nya ng higit pa sa kanyang buhay. Pero ang Matteo??? Laruan lang ang tingin nya sa anak ko!! Kung kailan nya lang kailangan, dun nya lang hahanapin! Lahat ng pinapagawa nang lalakeng yun, buong puso na sinusunod ng anak ko!!"

Matteo is not like that . , hindi sya ganon sa akin. Impossible ang mga sinasabi nito!!! Umiling ako.. paulit ulit akong umiiling!!

Muli itong nagsalita. Bawat salita nito, ay parang kutsilyong tumutusok sa puso ko. Pasakit ng pasakit habang tumatagal. .

She keeps on talking, gusto ko nang patigilin ito! Gusto kong sumigaw na Tama na!!! Pero walang lumalabas na salita mula sa bibig ko! Nanghihina ako dahil sa nga narinig mula dito. Gusto ko na lang maging manhid. Ayoko sa nararamdaman ko ngayon. .

I can never imagine her pain!

I trust Matteo's Love for me. Ni minsan hindi nya ako sinaktan. Yung ang panghahawakan ko. Mahal ako ni Matteo, at kailanman , hindi nya ako sasaktan..






"Aaaahhhhh!!! " sigaw ko! "No no , hindi yun totoo. !!" Malakas kong sigaw! Hindi ako naniniwala sa sinabi nya! He's not that person! Hindi yun si Matteo ko!!

Hinayaan na ako ng mag-ina na makatakas. Kung takas ba talaga ang ibig sabihin nila sa kanilang ginagawa ngayon. Madilim na sa labas hudyat na malalim na ang gabi, at masungit pa ang panahon.

Saan ba nila ako dinala?? Nasaan ako??!! Napapalingon ako habang naglalakad-takbo. Hindi ko iniinda ang bawat talim na mula sa nagtataasang mga damo na syang tumatama sa katawan ko. Napakasakit na nang buo kong katawan. Ilang beses din akong natapilok, natumba at umiyak sa sakit. . Ilang beses akong hirap nang tumayo at magpatuloy sa paglalakad palayo sa mag ina. , Binalewala ko ang mga natatapakan ko, nadadaanan ko. . Ang gusto ko lang sa mga minutong ito ay ang makahingi ng tulong. .

Sinadya nila ang lahat ng to! Sinadya nilang pahirapan ako! Malamang, papatayin din nila ako ngayon! . Hinayaan lang nila akong magisa. At hahayaan lang nila akong mamatay dito na mag isa!!

" go straight, Sarah. Makikita mo doon ang kotse mo" bulong ni Felize sa akin sabay na pinasok sa bulsa ko ang susi ng kotse. . Hindi ko alam kung totoo, pero wala naman na akong ibang madaanan pa. . Matataas ang mga puno, matutulis ang bagay na tumutusok sa paa ko. . Halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko dahil sa mga luhang dumadaloy mula sa mga mata ko. .


" Matt.. matt .. help me.. " paulit ulit kong sinasabi. . "'Natatakot ako. . Tulong .. " nadapa ako at halos mahilo ako sa sobrang sakit nang tumama ang ulo ko sa bato. . Muling dumugo ang sugat sa bandang noo ko. Ngunit kailangang kong maging matapang! Kailangan kong mabuhay!!

Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang susi mula sa bulsa ko. I fished out my key fob i pressed it hard! Tila bang ito ang kasagutan para makalabas ako sa impyernong to na buhay! Maliit na lang ang layo ng distansya mula sa nilalakad ko tungo sa kung nasaan ang kotseng bigay ni Matteo sa akin.

Makakatakas na ako. . Sinubukan kong ngumiti, ngunit hindi ko na kaya pa. . Halos gapangin ko na ang distansya ng kotse mula sa kung san ako naroon. .

Pagkapasok na pagkapasok kong kotse, agad akong humagulgol. Taimtim akong nagdasal at nagpasalamat. .

Finally!!! Im free!!!!

Nanginginig ang mga kamay nang buhayin ko ang makina ng sasakyan. Nanginginig ang buo kong katawan. Kasama nang luha ay ang tuwang nadarama ko sa mga oras na to. Uuwi ako. Makakauwi na ako. .

I inhaled deeply, and closed my eyes. Alam kong bago ko lang natutunan ang pagmaneho, and tonight , i will put into test what ive learned from him. Sinikap kong alalahanin ang lahat ng tinuro ni Matt sa akin. . Kailangan kong makalabas sa lugar na to ng buhay. .

I started driving slow, trying to make my eyes comfortable of the dark . . Mabagal lang ang takbo ng ko. . Ni hindi ko kayang pigilan ang panginginig ng mga kamay ko. . Ang bilis ng tibok ng puso ko na para bang sasabog ito at lalabas ng dibdib ko. ,

Makakatakas na ako. Paulit ulit kong sinasabi sa aking sarili. . Kaya ko to. .

Kakayanin ko to..

Pababa ang daanan. . Makitid din at sobrang dilim! Dahan dahan lang ang takbo gaya nang turo nito sa akin. Hanggang sa kusang bumilis ang takbo ng kotse dahil na din sa biglang matarik na daang pababa!!

I tried stepping on breaks for several times, but it didnt slow down!

I started trembling, i started panicking!!

Planado ba nila to!! Hindi nila ako gustong patayin gamit ang sarili nilang mga kamay, hahayaan nila ako mamatay sa aksidente!! Mamamatay pa din pala ako! Sa ganitong paraan!!!

"Oh God.." pabilis ng pabilis ang pagtakbo ng kotse, . Hindi ko na alam kung paano ito maniobrahin . . Takot na takot na ako, nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha. . Ilang araw gabi na ba akong lumuluha at di pa ito natatapos! Ganito ba kalalim ang galit nila kay Matteo at gagawin nila ito sa akin!!

Kailangan ko marinig ang side ni Matteo! Wala akong pinaniniwalaan sa mga sinasabi nila! I dont and will never believe them!!!

Never!

But how can i hear Matteo's side, kung mamamatay na ako ngayon..

"No!!! " sigaw ko habang pinagbabayo ang manibela. Tatalon na lang ako! Tama, mas malaki ang tsansa kong mabuhay kesa ang hayaan ang sasakyan nato na mahulog sa bangin!!!

Mataimtim akong nagdasal habang kinakalas ang seatbelt ko. . Bahala na! Tatalon ako!!

Ngunit..

Bago pa man ako tuluyang makatalon palabas, may sumalubong nang nakakasilaw na kung ano man sa akin...

Maybe this is the end.

My end. .

When You Say Nothing At All. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon