Chapter 55

1.2K 44 36
                                    




•••***•••

" Yes! thank you Miss Sandy! "

" Basta mag iingat, ok? And call me, text me, anytime. Sarah, Tet , umuwi kayong safe, !"

" Opo naman" mabilis kong sagot. "Thank you po ulit"

" sige na, ingat sa byahe. Monday holiday nga pala , tuesday na kayo papasok"

" Yes po, for sure may pasalubong kami ni Sarah sa inyo, lalo na yung Sarah! Nabudol po kayo eh"

" hahahah! Oo nga eh, ah basta, ingat kayo ah"

" yes ms Sandy" magkapanabay naming sabi ni Tet.

"Tet. .tara na." sabay na kaming sumakay ng company service na maghahatid sa amin sa Baguio. Bukas pa naman ang start ng Audit, kaya may time pa kaming gumala mamaya. .

"Nasabi mo na ba kay Matteo, na kasama ka?" tanong ni Tet sa akin. Umiling ako. "Sarah!! bakit di mo sinabi. "

" eh di hindi na sorpresa kung sasabihin ko sa kanya"

" Ay ewan ko talaga sayo. ."

" pero bes, "

"Uhm .. ano?"

" salamat sa suporta."

" Di ko sure kung san mo kinukuha yang tapang, pero alam mo naman na suportado kita sa lahat ng mga gagawin mo. Except dito sa pa surprise mo sa jowa mo!"

"hahahah. .grabe naman sya. Mamaya sa hotel, tatawagan ko naman sya"

" Ayaw mo ba dun sa barn nya magpahatid?"

" Nope. Halos sa ospital na nga sya nakatira diba? eh ikaw, handa ka na bang makita ulit si Vito?" Umirap lang ito saka kinuha ang neck pillow .

" matutulog ako."

" Iwas pusoy. May feelings pa din kay Vito! "

" natutulog ako! Period!"

" Tulog tulog daw, eh busy ka kaya ka text ang jowa mong si Zac. "

" Di ko pa sya jowa. Di ko pa sinasagot"

" At bakit naman hindi pa?"

" kasi nga po-

" hinihintay mo si Vito. Ooyy! Napaghahalataan na!"

" shadap! may girlfriend na si Vito."

" mahal nya ba?? What if , mag usap kayo?"

" di nga nya ako pinansin nung nag audit ako last time doon diba? At tingin mo kakausapin ako ngayon?"

" oo , kasi sinabi ko sa kanya na boyfriend mo na si Zac!"

" hoy sarah!!!! Gagu ka talaga!"

" hahahahah! Mukhang nagseselos eh"

" tse! Wag mo ko pinaasa sa tarantadong yon!"

" mahal na mahal mo siguro yung Vito ano, kaya di mo masagot sagot yung Zac!"

" ewan ko sayo. Teka, ano na plano mo?"

" change topic! Pero sige na nga, mag change topic kana . At sasagutin ko yang tanong mo. . sosorpresahin ang Matteo ko!"

" ok , sabi mo eh. Matutulog na ko!"

" matulog ka na. . Tawagan ko na si Matt. "

When You Say Nothing At All. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon