Chapter 39

806 53 19
                                    




•••***•••

" miss, san tong ospital na to?" Tanong ko sa therapist ko. Our third day na ngayon, kaso wala pa ding improvement. Ni hindi ko kayang tumayo mag isa.

No name plate, no talkings. Sa loob ng tatlong araw, she'll only instruct me to do something, tapos wala na. Everytime i asked her anything, she's not answering me! At puro babae ang nagbabantay sa akin! Except for the doctors na syang tumitingin sa akin. . Plus ang Matteo!!

And speaking of Matteo, galit ako sa kanya! Ayoko syang makita! Mukhang gets naman nya na di ko sya gusto dahil hinayaan naman ako nito. . At eto ang binigay nya, nurses and therapists who are all afraid to tell me things!! Takot sila kay Matteo?? Is he that powerful para mandohan ang mga tao?? Does he own this place?? Mas mukha kasi itong rest house kesa ospital!!

" ma'am , you need to try stepping " ani ng therapist. "Masakit po ba?" Tanong nito. Pero di ako sumagot. "Ma'am?" . Hindi pa din ako sumagot. Sinikap ko naman na sumunod sa instructions nito, pero di ko pa talaga kaya. Kaya halos mabuwal ako dahil di ko napaghandaan ang pagbitaw nya sa akin.

" ma'am !!" Magkapanabay na tawag sa akin ng dalawang bantay ko. Oo bantay! Kasi di naman nila ako iniiwan mag isa, sa gabi lang ata! Ewan, pinapatulog din nila ako gamit ang gamot na binibigay sa akin!

I feel so helpless! I feel so useless!! Bakit hindi na lang nila ako ibalik sa pamilya ko!!!

There's an emotions trying to build inside me ; and it's hatred towards Matteo!! Naiiyak ako sa galit, at frustrations!

" ayoko na! Tama na!" Biglang sigaw ko. Alam kong nagulat ang nurse at therapist sa akin. Hindi naman nila kasalanan kung ayaw nilang magsalita, and it's Matteo's fault!

" ma'am -

" iwan nyo na ako mag isa! Ayoko na! Huwag na kayong bumalik! Hayaan nyo na akong mamatay!! Ayoko nang mabuhay pa!!!"

Hindi na sila nagsalita pa. Binuhat ako at nilgay sa kama ko , habang tahimik akong umiiyak. Ayoko na. Bahala na. . Kung ayaw nya akong ibalik sa pamilya ko, mas mabuting mamatay na lang ako!

Dumating din ang ibang nurse na syang nag aasikaso sa pagkain ko, sa pagligo, at sa iba pang personal kong kailangan !! Lahat sila tinaboy ko! Hindi ako kumain, bahala na din! Wala nang saysay pa ang mabuhay! Para san pa??!!

Buong araw akong umiiyak at nagagalit! Lahat ng mga bagay ha nahawakan ko, tinapon ko! Wala na akong pakialam pa kung magulo na itong kwarto ko! May mga ilang gamot din silang tinurok sa akin kanina, dahil ayokong inumin ang mga binibigay nila sa akin! Akala ko nga papatulugin din nila ako. .

Sumapit ang gabi at alam kong si Matteo ang pumasok ng kwarto.

" you did'nt eat, you did'nt follow what your nurses ask you to do, anong problema? Bakit? " si Matteo .
Walang bakas na galit ang tanong nito, bagkus, puno ito ng pag alala. .

... "sarah, im talking to you. "

Muli, di ko ito pinansin. Tumayo na ito sa harapan ko. Nasa loob ng bulsa ng pantalon nya ang kanyang mga kamay at nagtatagis ang mga bagang nakatingin sa akin!! Alam kong pinipigilan nya lang ang sarili nya na bulyawan ako! Alam kong maikli na lang ang pasensya nito sa akin!

" i brought some foods. Kumain tayong sabay. " di pa din ako sumagot,. Nakita kong kumunot ang noo nito, bago muling nagsalita..

... "oh now your deaf??! Baka sa susunod na araw, bulag ka na din. . Ano bang gusto mo , Sarah??!!"

When You Say Nothing At All. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon