Chapter 14

1.6K 61 16
                                    




•••***•••

" ok , ready. . ?"

" Matteo!! Hindi ako marunong mangabayo! Gusto mo talaga ako mamatay sa nerbyos nuh??"

" hahahahaha!! Mamatay agad?? It's either you ride here on this beautiful horse, or doon ka kay Thuder na kabayo ko. Choose. "

Hawak nito ang isang kulay na brown na kabayo na mukhang mabait naman, at hindi masyadong malaki. Habang ang tinuturo nyang 'Thunder' ay yung kulay itim na shiny ang hair, na malaking kabayo!!!

" natatakot ako.. " pag amin ko. "Baka di ko kayanin ang mag isang sumakay. Pero , pwede ko naman itry"

" dito ka na nga sa akin sumakay.. "

" , teka, ok lang naman na dito ako , pero. . Teka, " nagdadalawang isip ako. San ba ako sasakay?? "Teka, dito na lang ako. Aalalayan mo naman ako diba!"

" walang malisya! Lika na, dun ka na sa kabayo ko sumakay. Tara na"

" ha??"

" manong, pabalik na sa kwadra ni Charlie. "

" charlie?? Ang sosyal ng name ah! Charlie!!! Kabayo na lang pala ang charlie ngayon!!"

" Sarah.. "

" charlie. Hahhahaha! Thunder. Charlie. Ang cute!"

" hmp! Pinagtatawanan mo ang names ng alaga ko ah!"

" hindi naman ah! Hahahhahaha!!" Sinimangutan ako nito at nilagpasan. Si manong na ang kinausap nito.

" Manong, kayo na po bahala kay Charlie, kay Thunder na lang kami sasakay. Natapos nyo na po ba ang pinapagawa ko sa inyo?"

" yes sir! Ready na po yun! Tiyak kong maeenjoy nyo po ang lugar dun,"

" maeenjoy kaya ng kasama ko yun?" Tanong nito sabay lingon sa akin.

" ay opo naman! 100 percent sure ako dyan!"

" sige, salamat po"

" walang anuman po! Sige sir , ingat po kayo ni Ma'am. . Enjoy po"

" salamat manong.," nilapitan ako nito saka walang sali-salitang kinuha ang kamay ko. "Let's go. "

" oy! Sandali naman. Ang bilis mong maglakad!"

" bagal mo kasing maglakad"

" hala! Ako pa may kasalanan! Ayyy!! " huminto ba naman ito bigla kaya napsubsib ako sa matigas nitong likod! "Aray ko po naman!! " bilang ganti, hinampas ko ang likod nito!!

" aw! Ang sakit nun ah! Ang bigat ng kamay mo.. "

" ooppss.. sorry sorry. Napalakas ba?"

" oo"

" sorry na" medyo lumakas nga. "Masakit ba?" Hinahaplos ko ang likod nito. Naka tshirt na lang kasi ito, kaya feeling ko nasaktan ko talaga..

" ok lang. "

" sorry na po. "

" k" at di na ko nito pinansin! Ibang klase..

" huuy.." sinundot ko ang pisngi nito. Pero gaya kanina, suplado look pa din!! "Huy , sorry na po. Sorry na , please smile ka na.. " muli kong sinundot ang pisngi nito, at gaya kanina, straight face lang to.

When You Say Nothing At All. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon