Chapter 5

2.2K 54 11
                                    




•••***•••

" anlamig naman dito ma'am " ani Juvi. . Oo nga naman , Baguio to, kaya malamig.

" may dala naman siguro kayong jacket nuh?" Tanong ko.

" opo naman. . "

" sige magpahinga na tayong lahat. Bukas, 6 am ang alis natin. . Sa daan na tayo maghanap kug san pwedeng mag almusal. ."

" goodnight po ma'am.." separate rooms kaming lahat. One good thing about our company, pagdating talaga sa mga out of towns audit namin, maganda ang accomadations namin, plus yung meal allowances namin ay sobrang sulit. Kaya in return, we are really doing our best sa work namin. .

Nang mahiga ako sa kama ko, pinag iisipan ko ang alok ni Luke sa akin. . Sa susunod na buwan, magiging mag asawa na kami. Halos lahat ng preparations, kasama sa desisyon ang nanay nito. .

Buti na lang talaga napigilan ko ito pagdating sa fitting nga gown na susuotin ko ang nang sa mga magulang ko. . Gastos ni Luke , lahat. Except sa gown ko at sa susuotin ng magulang ko. Hindi na ako pumayag na pati yun ay sasagutin nya. .

But of course, kinailangan ko pa ito ipaglaban! Ang gusto kasi ng parents nito, dun sa kilala nilang designers! Kaya ang ending, yung reception gown ko ang pinagawa na lang doon. .

" handa na ba ako?" Wala naman kasi sa edad yan. Mararamdaman mo na lang na handa ka na kung kailan di mo iniexpect, basta , biglang magiging handa ka na lang sa bagay na yun. .

Nagtext lang ako na maayos kaming nakarating sa hotel na tinutuluyan namin saka natulog na. . Wala na akong lakas pang makipag usap dito, . Sinabi ko naman kay Luke, na hindi ako sang ayon sa gusto nyang mangyari, pero pag iisipan ko ang alok nya. Baka magbago din ang isip ko kung sakali. .

Madaming lubak na daan kaming tinahak para lang makarating sa strawberry farm , at mas malamig sa area na to kumpara sa city kung san kami nag stay!! Sobrang lawak pala talaga ng lupain nila, kausap ko sa cellphone kanina si Mrs . Fernan. Mukhang mabait  naman ito , sana nga . .

" hi good morning. How's the trip?" Sinalubong kami nito nang may ngiti sa labi. "I forgot to inform Sandy, na di maganda ang daan papasok ng farm. . "

" ok lang po yun Ma'am. Ako nga po pala si Sarah. , and they're Rhea and Juvi, . Sila yung makakasama ko sa audit. "

" oh hello. Come in. Nagbreakfast na kayo?" Tanong nito habang iginigiya kami papasok ng farm. Sumagot naman akong oo, at tapos na, kaya nagsimula na i-introduce kami sa lahat.. Yung gate pa lang ng farm alam mo nang pang mayaman! At mas lalo kaming nalula nang makita ang kabuuan ng farm! Napaka lawak nito!! At sobrang sarap sa mata pagmasdan ang buong tanawin!!

Dalawang palapag ang gusaling nagsisilbing opisina nila dito. Sa unang palapalag, andun ang payroll department nila, may nakita din akong logging in system para sa lahat ng employees. They have small canteen din, at sa labas ay may malawak na kainan para sa mga employees! They dont need to put an airconditioning unit, dahil sa lamig ng klima. At kami na nasa second floor, andito ang account and finance office nila. Dito kami magsisimula sa audit namin, . We need to review all their receipts, invoices and expenses. .

" yun naman ang warehouse namin.  " turo ni Mrs Fernan,. May mangilan ngilan na trucks akong nakita na tingin ko ay nagkakarga ng mga strawberries.. "ready for shipment na mga yan, . Patuloy pa din sa pagdelivery, same volume, pero ang liit ng percentage of increase ng sales namin. . May buwan pa nga na nag negative. Sa last na pag check ko. And i want you to check them all again, baka namali lang ako or something. Di na din ako hands on dito, simula nang mag take over ang anak namin. "

When You Say Nothing At All. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon