Chapter 2

1.2K 58 10
                                    




•••***•••

" hoy! Bakit ka sininok??" Tanong ni Tet! Ang lakas pa naman ng sinok ko! Nakakahiya! Lumabas tuloy ako ng cellphone shot at naghanap ng tubig!

" ewan ko. Baka may biglang nakaalala sa akin!"

" sus! May nakita kang gwapo nuh?"

" excuse me??!!"

" ang bango nung katabi ko noh! Gwapo ba yun? Di ko nakita. Ang bilis kasi nyang tumayo at umalis! Ni hindi man lang nagpa orient. Pagkabayad, alis agad! Ganun siguro mga yamaners nuh? At sinisinok ka pag may makita kang gwapo! Ba't ka ganyan?"

" anong bakit ako?"

" unang beses kitang narinig na suminok nang makita natin ng malapitan si Nick Carter nung concert ng BsB, tapos sumunod naman nung concert ni Rico Blanco! Kaya tinanong kita, sagot mo nga pag biglang bumibilis ang tibok ng puso mo sa gwapo, sinisinok ka! At teka!!!! Nung huling beses kang suminok, kay Ian Somerhalder!Wag mo akong pinagloloko! Gwapo yung lalakeng katabi ko noh??!!"

" oo .. pero bakit ako sininok? Ang bilis din ng tibok ng puso ko. Ang bango at gwapo nya kasi. Tipong gwapong seryoso na masungit. Tama, yun lang yon"

" kay Luke ba sininok ka?"

" ha? Ahm .. oo - oo naman!"

" wehhh!!"

" oo sabi eh! Tsaka love na love ko yun!"

" oo na! Ikaw na ang inlove!! Sang resto ba yun?bilisan lang natin ang dinner ah! Excited na kong umuwi , at gamitin tong cp ko!!!"

" kita ko naman sa mukha mo. Ang excited mo kaya masyado, tinanggal mo yung sim mo saka nilipat na agad! "

" aba eh syempre naman!! Magugulat nito si bunso, bagong box, lumang cellphone!"

" oo!! Video natin mukha nya!!"

" tama!! " at sabay kaming nagkatawanan. Pwede naman kasi syang bumili ng mas mura para sa bunso nila, pero ang sabi nya. Hindi lahat ng bagay ay makukuha lang basta basta nang di pinagpaguran. Ayaw nyang sanayin sa luho ang bunso nila. Tsaka, bata pa naman ito, di pa daw talaga nito kailangan ng bagong cellphone. Wala akong kapatid, pero naiintindihan ko naman yung sentimyento nya..

Pagkapasok namin ng resto, agad kong namataan ang grupo nina Luke. Lima silang lahat. Ito pa din yung mga kasama nya noon. Pangalawang beses ko pa lamang sila nami-meet. . Nasa kaliwa ni Luke si Amarah, yung best friend nya. Habang nasa kanan naman nito si Brix. So saan ako uupo??

" Mars, ayan na naman ang bff nyang tuko! Alam ba nyang fiance' mo si Luke?? " bulong ni Tet.

" yaan mo na. " kumaway ito pagkakita sa amin. Isang pilit na ngiti naman ang binigay ko dito. Nang tumingin ako kay Amarah, nahuli ko ang pag irap nito, habang si Brix naman ay pinandilatan ito. Mga gym rats mga to, kaya ang gaganda ng katawan! Papasang magazine model si Brix dahil sa tangkad nito at kakisigan. Si Amarah, isa syang bank teller. Mayaman din ito. May ari ng isang car shop ang pamilya nito. Si Brix , ay isang chef sa isang kilalang restaurant. Yung dalawang kasam nito, sina Max at Mar . Kambal . Pareho silang mga supervisors, si Max sa isang beverage company,,habang ang si Mar naman ay nasa pharma.

" babe. " si Luke. Lumipat naman agad sa isang upuan si Brix. Matipid na ngiti ang ginawad ko dito.

" hi.. "

" hey Sars!" Magiliw na bati ng kambal. "Hi Tet!!" Kilala din ng mga ito si Tet. Sya lang din naman kasi ang kaibigan ko. At kasama sa entourage ang mga ito!

When You Say Nothing At All. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon