Chapter 51

1K 46 22
                                    




•••***•••

" Hi . .im here to see my love. .and to take her out for a date" Ito ang bungad ni Matteo nang makita ko itong nag-aabang sa amin ni Tet sa labas ng gusali ng opisina namin! Hindi ko ito inaasahan kaya medyo natulala ako.

" Tinawagan nya ako kanina na i-date ka daw nya. Nagpaalam na din daw sya kina nay at tay. ." si Tet.

" At ako lang ang walang alam? So sorpresa to?"

' hahahha. Ganon na nga! Date mo na jowa mo, miss ka na nyan. .If i know, atat na atat naman na makita ang jowa! Feeling di excited bes??"

" wag mo ko ibuking Teresa "

" bistado ka Sarah!" Sasagot pa sana ako nang naunahan ako ni Matt..

"Thanks Tet. .oh and this is for you" may inabot na box si Matt kay Tet, " suhol ko yan para ma-solo ko bestfriend mo"

" Sa condo ba kayo matutulog?" Papalit palit ito ng tingin sa amin ni Matt, kaya sumagot na ako.

" nope . .andoon ka, istorbo ka. "

" gagi ka! Bahala na nga kayo. Uuwi na ko!! Bye na bes. Kamusta mo na lang ako kay San Pedro kung mag aattendance kayo mamaya sa langit ah!"

" Teresa!! Yung bibig mo talaga!! " kumaway lang ito sa akin habang bitbit ang box nya. "anong laman ng box nya?" tanong ko kay Matt. . He gave me a quick kiss on my lips first before holding my hand. .

" Ube jams, fresh strawberries, grapes, dragon fruits. Dahil sa last na usap naming dalawa , andaming chichirya sa unit nyong . .and I also sent fruit boxes to your parents and Tet's too "

" aw so sweet naman may jowa. ."

" baby. . "

" namiss kita. ." sabi ko sabay hilig ng ulo ko sa braso nito . Ang clingy ko kaya kay Matt today . .

Halos nakayakap na nga ako sa kanya habang naglalakad kami tungo sa parking lot.

He opened the passenger's door for me and hurriedly went in to the driver's seat.

" Where do you wanna eat?' tanong nito habang ako naman ay inaayos ang pagkakasukbit ng seatbelt. "ako na. ." Medyo nahihirapan ako sa pagkabit.

" di mo kasi to kotse . .Kay Vito?"

" Yup. Hiniram ko muna, mas Malaki kasi to and your meds are at the back. Parang mini-ambulance to na may mga aparatong medical!"

" Ow. .ganon ba .. Thank you. "

" you're welcome. " He even winked at me. .

" Matt. .may napansin ako sa looks mo. ."

" hmm . .what is it? Oh, by the way, I love your new look."

" Nakita mo na kaya ito nung nag vid call tayo."

" Iba pa din sa personal. Mas maganda ka talaga sa personal."

" chosero." Tawa lang naging sagot nito. But he stopped after a while, and he pressed his lips on mine. .

Mabagal lang ang klase ng halik na pinagsasaluhan naming. Pareho naming ramdam ang pangungulila sa isa't isa. He was cupping my face as he deepens our kisses. His kisses are so passionate that I don't feel like ending too soon.

But Matteo did. He ended the kiss. . "much as I wanted to continue kissing you, we need to get out of here and eat . ." Akmang bubuhayin na nito ang makina ng sasakyan nang hilahin ko ang mukha nito para muling maglapat ng aming mga labi. .

When You Say Nothing At All. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon