Chapter 8

1K 58 4
                                    




•••***•••

Nakakahiya!

Gusto ko nang lumubog sa kinauupuan ko! Bakit kay Matteo ko nasend ang message na dapat ay kay Luke??!! Bakit ang tanga tanga ko naman!! Nakakahiya!! Sobrang nakakahiya!! Napapitlag ako ng tumunog ang cellphone ko.

" he-hello.. " hindi ko na tiningnan kung sino ang tumawag, sinagot ko na lang agad.

" babe.  . Im on a meeting, i wasnt able to reply. . Madami ba kayo sa barn? Nitong friend niyo? What's her name? San banda? Is it safe ba?"

" luke? "

" yes babe?"

" oh. " tiningnan ko pa ang caller id para masiguro nga. Si Luke nga. "Ahm- tapos na kayo sa meeting?"

" yeah. . So , safe ba dyan sa barn? I mean, hindi ba yan malayo sa city? "

" ok naman. Safe naman. "

" ok. . We're going out ulit mamaya , ingat kayo. I'll hang up now, Brix is here na, may pag uusapan kaming business. I might as well grab this opportunity to invest. . "

" ok . " . Tanging sagot ko. Then the phone line died. Ganun lang.

Nakakawalang gana! Ganito ba ang magiging set up namin pagkakasal? Walang mapag usapan?

Nitong mga nakaraang araw madalas kaming hindi na mag usap. . Yung huling date namin, na kami lang talagang dalawa ay kailan pa nangyari? One month ago? Or almost two months ago na? Ano bang nangyayari sa amin?

Masyado bang naging mabilis ang desisyon namin? Imbes na maexcite ako sa kasal, bakit parang nagdadalawang isip na ako ituloy?

Mali. Mali itong naiisip ko. Sarah naman!! Mahal namin ang isat isa. Yun ang mahalaga. Yung ang pinanghahawakan ko.



" Welcome sa maliit naming barn" ani Doc Vito nang makababa kami ng sasakyan.

Maliit?? Ito talaga ang description nya? Maliit??!! Dahil kung maliit ito, malamang may mali sa paningin ko.

Napakalawak ng lupain nila! At ang lamig!! May fogs pa! At napapaligiran kami ng matataas na pine trees! Literal na ang ganda ng lugar nila! Sobrang ganda!!

" hope you two enjoy your stay here. " sabi muli nito. Ang bilis naman ni Tet na sumagot dito.

" naku doc!! Sobrang thank you at dinala mo kami dito. Thank you talaga sa invitation!! Di naman siguro 'to haunted, ano po? "

" tet!" Saway ko dito.

" di naman . And dont worry, me and my brother will join you two. Para di kayo matakot. Ipapasyal namin kayo sa buong farm. All you have to do, relax and enjoy your stay. . "

" brother? May kapatid ka pa doc?" Takang tanong ni Tet dito. Doc Vito, just smiled at her and nodded.

" you'll see later. Ihatid ko na muna kayo sa room nyo. Gusto nyo bang separate rooms or-

" same room lang please" sabi ko agad dito.

" as you wish. Let's go" nauna itong naglakad papasok sa 'maliit' na barn nila! Salungat ito sa salitang Maliit dahil para sa akin, isa itong mansyon sa gitna ng gubat!

Inihatid kami nito sa magiging kwarto namin. May isang queen size bed sa gitna ng kwarto at sobrang ganda nito! Nagkatinginan kami ni Tet dahil sa napakalaking bintana. .

When You Say Nothing At All. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon