Chapter 19

1.4K 54 24
                                    




•••***•••

" nay!! Tay!! Salamat naman at ligtas kayong nakaluwas!" Salubong ko sa mga ito. "Nag bus po kayo?" Kinuha ko ang bitbit na bags ni Tay. .habang si Nay naman ay patuloy na pinapaypayan ang sarili. .Nagmano muna ako sa mga ito saka bumeso.

" ako nag drive" proud na sagot ni Tatay, na agad ko namang sinimangutan!

" taytay naman ih! Alam naman na bawal na magmaneho eh!" Nagpapadyak kong sabi nito, pero tumawa lang ito at tila sobrang proud pa sa kanyang ginawa.

" sige pagalitan mo yang tatay mo nak, ang tigas ng ulo eh. ." Naupo ito sa sofa saka pinalibutan ang tingin. . "Di ka nakapaglinis?"

" naglinis naman po . .teka, balik tayo kay taytay! Ba't kayo nagdrive?"

" kayong dalawa naman talaga oh, ang ke-kj! " sagot ni Taytay na ikinangiti na lang namin ng nanay ko. Tigas talaga ng ulo!

" akala kasi bata pa sya at kayang magmaneho ng matagal . . Kwento mo sa anak mo kung ilang beses tayong tumigil"

"sabi na eh! tay, di na kayo bata! Ilang oras po yung byahe nyo?"

" madami kaming stop over. Ok? At eto kami oh, ligtas na nakaluwas. Ilang oras lang naman kasi ang byahe, kayong mag ina lang naman talaga ang sobrang nerbyosa. , "

" totoo ba to nay,? Madami kayong stop over?" Tanong ko sa naynay ko.

" oo. . Sa tuwing nakakaramdam ng pagod si tay mo, humihinto naman kami. Buti na lang itong si Luke, pinagbooked kami ng hotel! Eh ang lapit lang ng tarlac dito, pero nung nasabi ko na huminto kami ni tay mo sa isang malapit na hotel, aba eh sinabihan kami na magpahinga muna, at sya na bahala sa kwarto namin. Ayun, kaya imbes na kahapon pa dating namin dito, eh ngayon lang kami nakarating.."

" Si Luke?? Bakit hindi ako ang tinawagan nyo?"

" oo si Luke nga.. eh nung tumawag ako sayo, naka off phone mo. Kaya si Luke na lang ang sinabihan ko na luluwas kami ni tay mo, so ayun. Muntik nang magpadala ng driver para sunduin kami, . Ang ginawa nya na nga lang, pinag hinto kami ng takbo ni Tay mo at pinagpahinga sa hotel. Gumastos pa ang mapapangasawa mo"

" at alam mo nak, si pareng Lucio,  aba eh, binili pala yung katabing lupa na sakahan, ang sabi ay sa inyo nakapangalan ni Luke. Tutal naman daw ay magiging isang pamilya na tayo, maano ba daw eh bilhin nya na yung lupa na katabi nang lupain natin. Doble ang laki nun sa sakahan natin. Ako na daw ang bahalang tumingin doon. Pumayag naman ako agad, para na din sa ilang mga kaibigan at kapitbahay natin doon, nang magkaroon na din sila ng maayos na trabaho. "

" kelan lang to nangyari tay??"

" nitong nakaraan linggo lang, nagulat nga kami ni nay mo at nagpunta sila ng asawa nya sa atin.  Ang swerte mo nak sa mapapangasawa mo. "

" oo nga nak. " segunda ni naynay. "Akala ko noon eh suplado at strikto tong si Luke, eh mabait naman pala at maalalahanin.. parati kaming kinakamusta ng tay mo. "

" talaga po?" Di ako makapaniwala sa mga naririnig ko . Mabibilang lang sa kamay ko kung ilang beses ko nadala si Luke sa amin. .Madalas, di ito sumasama pauwi sa akin . Ang dahilan nya, busy sya sa trabaho. Pero di din naman lingid sa akin kung gaano ka boto ang mga magulang ko kay Luke. Madalas nga, pinagyayabang nila na ang mapapangasawa ko ay isang gaya ni Luke!

When You Say Nothing At All. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon