Katatapos lang niyang makipag-usap kay Andrew at pumasok siya agad sa banyo para maligo, gaya ng dati hinubad niya lahat ng saplot at sumalang sa hot and cold shower binilisan niya dahil magkikita sila ng kanyang abogado ngayon para ma-finalize ang detalye sa pagpettition niya ng annulment.
Hindi na siya nag-abala pang mag-tuwalya dahil tuyo na naman ang katawan niya at dahil maikli lang naman ang buhok niya ay madali na niya itong napupunasan. Hubo't hubad siyang lumabas mula sa banyo diritso sa kwarto niya para pumili ng damit na maisusuot, nasa harap siya ng cabinet ng biglang makarinig siya ng sipol. Halos mapatalon siya sa gulat ng makitang prenteng nakahiga ng patagilid at naka de kwatro ang lalaking hindi niya nais mang masilayan.
"What the...ano ba??"
Mabilis niyang hinablot ang kumot sa kama at tinakip sa kanyang kahubdan.
"Walang hiya ka!! Sinong nagpapasok sayo rito? at bakit ka nasa loob ng kwarto ko?"
"Pinapasok ako ng mama, umalis sila ng daddy sabi niya akyatin daw kita dito, hindi ko naman alam na napakaswerte kong madatnan kang kaliligo lang ngayong umaga... I was wrong about one thing, your body is every man's weaknesses you look so extra damn hot sweetheart"
"Napakabastos mo talaga! Get out now!"
Utos niya sa lalaki pero hindi man lang ito tumalima.
"Bingi ka ba? Lumabas ka sa kwarto ko ngayon din! Wala kanang karapatan na basta basta nalang pumasok dito"
Nakangisi lang itong umiiling na nakatingin sa kanyang katawan.
"You were such a delight sweetheart! All of you is such a delight! You and me in one room in a broad daylight"
Napaatras siya ng lumapit ito sa kanya.
"Hindi ka talaga nadala sa pagtuhod ko sayo? Gusto mo bang basagin ko na talagang tuluyan para matapos na ang maliligayang araw mo?"
Pananakot niya rito.
"Wag naman sweetheart sigeh ka! Ikaw din, baka hindi kana rin makinabang eh.. ikaw lang naman makikinabang sa ano ko"
Pinanlakihan niya ng mata ang lalaki.
"Nandidiri ako sayo, kahit kailan bastos ka talaga"
"Oows? Kahapon lang kung hindi mo ako tinuhod baka nakabuo na tayo honey iyan ba ang nandidiri, your body responded to mine so well.. at-----"
"Kapag hindi ka tumigil talagang makakatikim ka ng hinahanap mo!"
Lalong naging pilyo ang ngiti nito at pakagat labi pang sinuri siya
mula ulo hanggang paa."Ooh.. talaga ba? Mukhang hindi masasayang ang pagpunta ko rito, halika na simulan na natin.."
Akmang huhubarin na ng lalaki ang suot nitong poloshirt ng saktong bumukas ang pinto at niluwa doon ang bulto ng mommy niya.
"Jesus mariosep!! Sa susunod mag-lock kayo ng pinto bago kayo gumawa ng milagro"
"Mommy.. hindi totoo ang naki---"
Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil sinirado na ng ina ang pinto. Dali dali siyang bumalik sa banyo at nagsuot ng roba paglabas niya ng kwarto ay wala na si Jay, nakahinga siya ng maluwag at dali daling nagbihis.
Pababa siya sa may sala ng makita niya si Jay at ang mga magulang niyang nag-uusap.
"Ahem.. akala ko nakaalis na kayo kanina"
Mapaglarong ngumiti ang ama niya sa kanya.
"May nakalimutan yung mommy kaya binalikan namin, itatanong sana niya kung may ipapabili ka kaso mukhang busy kayo ng asawa mo"

BINABASA MO ANG
Borrowed Time
Romance"You are right! You and I are not meant to be friends, can't you see? I am and will be your lover now. If there's something you want to do now, do it already because you are stock with me for lifetime starting tomorrow" Jossa and Jay were best among...