Parang nakiayon naman ang panahon sa kanyang pagdadalamhati, sinadya niyang mag-extend ng isang gabi pa sa Villa, hindi na niya hinarap pa si Marj at sina Mark dahil ayaw niyang makita ng mga itong ang namamaga niyang mga mata. Nang makaalis si Jay sa loob ng kwartong yun pagkatapos may nangyari sa kanila she knew that things will never be the same for both of them but this is for their own good. Napakalakas ng ulan, kulog at kidlat nanariwa sa kanya ang lahat kung paano sila nagsimula at kung paano din ito matatapos, her heart ache so much di ba dapat masaya siya dahil sa wakas napapayag na niya si Jay na tapusin ang kanilang kasal, why does it feel so hard? Bakit parang nabibiyak ang kanyang puso? Bakit ako nasasaktan ng ganito? Nagpa-room service siya ng alak at wala sa sariling uminom habang nakababad sa ilalim ng shower. Kanina pa tumotunog ang cellphone niya pero wala siyang balak sumagot ng kung ano mang tawag ngayong araw.
"Anak! Ano bang nangyayari sayo? Bakit ganyan ang hitsura mo?"
Bungad ng ina niya nang makita siya kinabukasan.
"Bakit Ma? Anong problema?"
Mabilis niyang sinipat ang sarili niya sa salamin and she looks awful kahit pa nakaligo at nakabihis na siya.
"Tumawag yung abogado mo hinahanap ka kahapon pa tawagan mo daw siya may mahalagang sasabihin daw"
Simpleng tango lang ang sinagot niya sa ina.
Dumaan ang tatlong araw at smooth naman ang lahat ng mga pangyayari at gaya ng pinangako ni Jay nakipag-cooperate na siya sa annulment process. Kausap niya ngayon ang abogado niya at nagulat siya sa binalita nito sa kanya.
"Technically makakuha ka ng alimony mga aabot ng sampung milyon maliban sa bahay, ang sabi ng panyero ko kung gusto mong i-keep o ibenta ang bahay nasa sa iyon, binibigay daw nito yun ng kanyang kliyenti sayo"
"Ano? Attorney hindi ko iyon matatanggap sa asawa ko ang perang iyan wala akong ni singkong duling na pagmamay-ari sa kong anoman ang pag-aari niya, hindi ko matatanggap yan attorney"
"Kailangan mong kausapin ang asawa mo kung ganoon para ma-void ang dokumentong ito"
Napakamot siya sa kanyang ulo at umiling, kahit papaano ay ayaw na sana niyang makita pa ang lalaki pero hindi niya matatanggap ang pera mula rito.
"Okay sigeh.. kakausapin ko Jay"
"Pero congratulations in advance para sa atin dahil mukhang hindi aabot ng 6 months ay mapapawalang bisa na ang kasal niyo"
Nanlaki ang mga mata niya.
"Ganoon kabilis attorney?"
"I believe Jay pulled some strings and took out a good of amount money para mapadali ang prosseso"
Was she supposed to be happy? Bakit hindi ako masaya sa nalaman ko?
"Are you okay?"
Untag sa kanya ng abogado.
"Sorry.. medyo nagulat lang ako mabuti naman kung ganoon"
"Namumutla ka, are you okay?"
"Yes I am, salamat attorney"
Tatayo na sana siya ng bigla siyang nahilo.
Mabuti nalang at pinapasok siya ng katulong agad, she didn't know na may bago palang bahay si Jay kung sabagay limang taon din silang hindi nagkita ano pa nga bang aasahan niya na iiyakan siya nito ng limang taon of course may ginawa at ginagawa ito sa buhay niya. Napalunok siya ng makita ang interior design ng loob ng bahay, it was her dream house. Palagi niyang nababanggit kay Jay na gustong gusto niyang magkaroon ng sariling bahay and she even shared the details to him, they both used to dream together. Nanginginig ang tuhod niyang nakaupo sa sofa at napatitig sa isang painting na butterfly sa harapan niya.

BINABASA MO ANG
Borrowed Time
Romance"You are right! You and I are not meant to be friends, can't you see? I am and will be your lover now. If there's something you want to do now, do it already because you are stock with me for lifetime starting tomorrow" Jossa and Jay were best among...