Borrowed Time 18

12 0 0
                                    

Mabilis siyang nagpaalam kina Via at nagbook siya ng grab at nakatayong naghihintay na dumating ang driver ng biglang sumulpot sa harapan niya si Stephy at nabunggo siya nito lasing yata kaya hindi nakatingin sa dinadaanan niya at agad niyang dinipensahan ang kanyang tiyan kaya sa muntik siyang mabuwal.

"Oooops! Sorry"

Napaka-plastik nitong sorry sa kanya.

"Miss sa susunod mag-iingat ka muntik na akong mabuwal sa semento oh.."

Kumunot ang noo niya ng paika-ika itong binalikan siya at dinuro duro.

"Wala akong pakialam kung mabuwal ka! Mahulog ka o mamatay ka! Naiintindihan mo!! I am looking for my man here.. Jay nasaan kana????? "

At nagsisigaw ito sa harapan niya bahagya siyang umatras at dumarami na rin ang mga taong lumabad mula sa party venue.

Kung hindi lang talaga siya buntis  baka pinatulan na niya ito pero natuto na siya mas mahalaga ang kalagayan nila ng anak niya. Paalis na sana siya ng hatakin nito ang kanyang buhok, bigla siyang kinabahan parang deja vu ang nangayayari, nagpatianod nalang siya sa paghila nito sa buhok niya para hindi siya gaano masaktan at sumisigaw siya ng tulong, habang ang mga braso niya ay nakayakap sa kanyang tiyan.

"Aray!!! Bitawan mo ako ano ba? Baliw kang babae ka!! Tulong!!! Security!!!!!"

"Ilabas mo ang boyfriend ko, tou bitch!!!!! Mang-aagaw ka"

Nakahinga siya ng maluwag ng makita si Jay papalapit sa kanilang dalawa pero nabigla siya ng tinulak siya nito sa semento bigla at nakaramdam ng mainit na likido na dumaloy mula sa kanyang mga binti. Halatang natakot at nagulat ang babaeng nanabunot sa kanya  at nahimatay ito bigla kapag siya napasigaw.

"Oh my god!!!!! Ang baby ko, No!! No!!!!! Anak wag mong iiwan si Mommy please.. parang awa mo na"

"Oh my.. Jesus!"

Walang sabi-sabi binuhat siya ni Jay at inalalayan siya ni Via papasok sa sasakyan ni Jay buti nalang naka-park ito malapit sa kinaroroonan nila.

"Oh my god!! Jay, please... yung anak ko, tulungan mo akong iligtas ang anak ko hindi ko kakayanin!!! Mamatay ako kapag nawalan pa ako ng isa pang anak"

All she can see is Jay driving so damn fast at her face is already in red hindi din ito makapagsalita.

"Hang on.. sweetheart malapit na tayo"

At tuluyan na siyang nawalan ng malay habang nagdarasal at nakikiusap sa diyos na makaligtas  ang baby niya.

Nagising siya dahil dahil sa hapdi at kirot na nararamdaman niya at ang una niyang nasilayan ay ang mga magulang ni Jay na puno ng pag-aalala at ang papa niya na magang-maga ang mga mata.

"Oh god lord, salamat nagising kana hija pinag-alala mo kaming lahat please don't do that again parang awa mo na"

"Sorry tita carmen, yung baby ko po anong nangyari po? Yung anak ko!! Oh my god!! Yung----"

Niyakap siya ng papa niya upang patahanin at aluin.

"Pareng Jack pasensya kana hindi namin alam na nagdadalangtao pala itong Jossa napagsalitaan pa namin ng masama dahil masama ang loob namin sa pagtatago nila ni Jay ng kanilang annulment"

"Roberto alam kung nadala lang tayo ng bugso ng ating mga damdamin ang mahalaga sa akin ay ligtas ang anak ko at ang magiging apo natin"

"Oh lord.. salamat, salamat dahil niligtas mo kami ng anak ko diyos ko salamat po"

Napahagolgol siya lalo ng yakapin siya ng ina ni Jay.

"I am so sorry hija, simula ngayon aalagaan natin iyang magiging anak mo at makakaasa kang ako mismo ang magdidisiplina sa anak ko the last you need to worry about is him."

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon