Borrowed Time 6

18 0 0
                                    

Nagising siya ng umiikot ang buong paligid niya, dahan dahan siyang tumihaya at kinapa kapa ang kanyang cellphone sa tabi niya ngunit nagulat siya ng iba ang makapa sa tabi niya. Nanlaki ang mga mata niya nang bumungad sa kanya ang mukha ni Jay. Hindi man ito ang unang pagkakataon na masilayan ang bagong gising nitong mukha ngunit ito ang unang pagkakataon na masilayan ito sa tabi niya na pareho nilang ginusto ang nangyari sa kanila kagabi at parehong walang saplot.

"Good morning wife"

Bati nito sa kanya at humalik sa noo niya. Bigla siyang napangiwi ng mapagtanto ang hapdi sa gitnang bahagi ng kanyang katawan. Kumunot ang noo at napangiwi, dahan dahan siyang umupo sa kama at sinabayan siya ng lalaki.

"Bakit ganyan ang mukha mo? Anything wrong?"

Patay malisya pa nitong tanong na kung akala moy hindi ramdam ang pagdurusa niya.

"Nagtatanong ka pa, hindi ko nga alam kung makakalakad ako nito ngayon. Ouch! Ang hapdi talaga tsk.. tsk.."

Binalot niya ang sarili ng tuwalya at paika-ikang naglalakad sa banyo. Napatili siya ng biglang may mga bisig na dumampot sa kanya na parang basahan.

"Oh my!!! Ano ba? Ibaba mo ako nakakahiya kang lalaki ka ano ba!"

Parang wala itong naririnig at dali dali nitong binuksan ang pinto ng banyo at binuksan ang seat cover ng inidoro at doon siya pinaupo, napalunok siya ng mapansing naka boxer short lang ito at kitang kita niyang halos hubo't hubad ito sa harapan niya.

"Utang na loob wife, don't keep staring at me baka hindi kana talaga makalakad ng tuluyan hanggang weekends"

Nanlaki ang mga mata niya ng bubuholin sana nito ang tali ng tuwalya niya.

"What are you doing? Jay ano ba!"

Agad niyang winaksi ang kamay nito at bahagyang itinulak ito ngunit hindi man lang ito natinag sa kanyang harapan.

"I'll bath you, bakit ba? Asawa na kita at ngayon ka pa talaga mahihiya? We have seen, touch kissed and tasted each other so ano pang kina---"

Hindi na niya ito pinatapos at tinakpan agad ang bibig ng lalaki.

"Litse ka talaga noh! Kailangan ba talaga sabihin mo sa akin ang lahat. You really need to spill it out? Bastos ka talaga Jay, yang bibig mo pwedi ba baka may makarinig pa sayo"

Tinulak niya ito palabas at sinara ang pinto ng banyo. Isang malalim na buntong hining ang pinakawalan niya, napakamalas naman talaga niya oo.. lalo na sa sitwasyong kinasusuungan niya ngayon, hanggang kailan silang magiging ganito? Alam niyang pareho lang niluluko ang mga sarili nila, na-trap sila sa isang maling pangyayari sa isang gabi na iyon at ngayon ay mas lalong nalulugmok sila sa isa pang malaking pagkakamali at iyon ay ang pakasalan ang lalaking matalik niyang kaibigan at kapatid. Hindi naman siya dating ganito pero sa tuwing hinahawakan siya ni Jay simula ng maangkin siya nito ay biglang sumusunod ang katawan niya sa bawat haplos, halik at pakikipagniig dito alam niyang mali, pinipilit niyang pigilan ang nararamdamang iyon, alam niyang lahat ng iyon at tawag lang ng laman at may ibang minamahal ito, iyon ang buong katotohanan at realidad sa sitwasyon nila ngayon. Naawa siya kay Andrew ngunit mas naawa siya sa kanyang anak na nabuo sa isang pagkakamali at hindi sa isang pagmamahalan ng kanyang mga magulang. Ni minsan hindi niya naisip na mapupunta sila sa ganitong sitwasyon ni Jay. Napahilamos siya ng mukha niya sa sink at humarap sa maliit na salamin habang kinakapa ang tiyan niya.

"Baby, I'm so sorry.. pasensya kana ha masyadong marupok si mommy, pasensya na kasi naapektuhan ka sa mga maling desisyon ko pangako.. lalaki kang masaya at po-protektahan kita anak ko"

At nagsimula na siyang mapahagolgol ng maramdaman ang maliit na umbok sa kanyang tiyan.

Last night was perfect! Isa sa pinakamasayang gabi sa buong buhay niya, ganoon pala ang pakiramdam kapag mahal mo iyong babaeng kasama mo sa kama, at hindi niya lubos maisip na ang nawawalang puwang sa buhay niya ay nasa harap lang pala niya, his bestfriend at ngayon confident na siyang madali nalang niyang maiwawala sa buhay nila si Andrew at gagawin niya ang lahat para tuluyan niyang makuha hindi lang ang katawan ni Jossa kundi pati na rin ang puso nito. Ito ang unang beses na nakaramdam siya ng insecurity sa buhay niya, hindi niya na-control ang emosyon niya kagabi ng marinig ang pag-uusap ng asawa at ng dati nitong nobyo. Kailangan niyang bumawi, at mukhang mahihirapan siyang dumiskarte dito dahil basang basa na siya nito sa mga diskarte niya sa ibang babae.

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon