Borrowed Time 20

11 0 0
                                    

Pagkatapos ng party na yun ay hindi na niya nakita pa si Jay, gusto sana niyang magtanong sa kay Mama Carmen pero nauunahan siya ng hiya at ng pride niya. At ayaw naman niyang gambalain si Andrew dahil nasa honeymoon stage pa ito at dahil kabuwanan na niya hindi niya maiwasang kabahan at matakot, handa na naman siya physically at financially but she needs an emitional support kaya lang hindi naman nagpapakita sa kanya ang ama ng dinadala niya at nilalamon siya ng pride at inis niya. Kasalanan din naman niya kaya magtitiis nalang siya, ginusto niya to eh.

Nasa loob siya ngayon ng mall at naglalakad kasama ng driver at ng isang katulong, advice kasi ng OB niya na maglakad-lakad lalo na at kabuwanan na niya.

Bigla siyang napahinto sa paglalakad at napahawak sa estante ng isang brand ng sapatos.
Parang humilab bigla ang tiyan niya at parang siyang naihi sa kanyang suot na leggings, biglang nanlaki ang mga bata niya ng basa ang kanyang ibabang parte ng katawan na parang nakaihi talaga siya.

"Maa'm, okay lang po ba kayo?"

Tanong ni Rosa ang kanilang kasambahay.

"Parang humilab ang tiyan ko at nakaihi yata ako"

"Anooo???? Baka waterbag niyo iyan maam baka manganganak na kayo?"

Bigla siyang kinabahan, baka nga sabi ng OB niya anytime this week daw siya posibleng mag-labor. Akmang lalakad sana siya ng napaimpit siya sa sakit sa biglang hilab ng kanyang tiyan.

"Aray!!!"

Hiyaw niya.

"Maam saglit tatawag ako ng tulong"

Hindi na niya nagawang alamin kong sino ang tinawagan ni Rosa dahil sa sakit ng kanyang tiyan at lalo siyang natakot ng kapain niya ang kanyang ibabang bahagi ay may dugo na sa kanyang mga palad.

"Oh my god!!! May dugo, Rosa manganganak na yata ako! Anong gagawin ko oh my god!!!! Araaaaaay..."

"Maam saglit lang po parating na si Sir"

Hindi niya magawang magtanong dahil napasigaw na naman siya sa sakit ng kanyang tiyan at napakaraming tao na lumalapit sa kanya ganun din ang mga empleyado sa isang brand ng sapatos kung saan siya napasandal. Narinig niyang may tumatawag ng ambulansya at bago pa siya mapaluhod sa sakit ng kanyang tiyan ay nasalo na siya ng isang pamilyar na mga bisig. It was Jay, he was wearing a gray hoodie and a jeans, paano kaya ito nakarating doon ng ganoon kabilis akala niya umalis na ito ng bansa.

"Sweetheart hang on.. there's an ambulance waiting outside, and your doctor is waiting already kaya kumapit ka lang"

"Jay.. ang sakiiiiit!! Oh gosh!!! Parang mabibiyak ang katawan ko aaaaaaaah!!!!"

Wala siyang nagawa kundi kumapit sa asawa hanggang makarating sila sa hospital, binihisan siya ni Jay ng damit na pang-labor at doon nakita sa malaking salamin ang kanyang napakalakinh tiyan na gumagalaw sa loob at nakit rin niya ang kanyang nangingitim na stretchmarks at leeg. Her body will never be the same after she will gave birth but she would still stand proud about it. Kusang tumulo ang kanyang mga luha dahil sa sakit at lalo pang lumalala ang level ng sakit every minute.

"Aaaaaaaaah!!! Jay! Ang sakit hindi ko na kaya mamatay ako sa sakit"

Naghalo na ang kanyang luha at sipon at pawis habang hinihimas ni jay ang kanyang likod at nakita niya ang kalmot at pasa nito sa leeg at braso ng lalaki dahil sa kanyang napakahigpit na kapit dito.

"Sssshh.. wag mong sabihin iyan, sweetheart look at me okay? Michael needs you.. you love him so much right? I need you to fight for our son okay???"

"Aaaaaaah.. ang sakit!! Ang sakit sakit baka hindi ko kayanin please promise me that you will do everything to save our son kung sakali hindi ko kayanin"

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon