PRESENT:
"Hija, gumising kana alas-nuwebe nasa baba si Jay kumakain ng almusal kasama ng dadi mo sumabay kana doon, hinahanap ka may pag-uusapan daw kayo importante"Pukaw ng nanay niya sa kanya ngunit halos di siya nito matinag at napaungol lang.
"Gising na! May pasok ka di ba?"
Tumayo siya sabay kamot ng noo niya, ang sakit ng ulo niya at wala siyang magawa kahit pa tinatamad siya. Bahagya niyang inayos ang sarili niya ng matanaw ang dalawang lalaki na nagtatawanan at nagkukuwentuhan habang kumakain, nasa ikalawang palapag ng bahay ang kwarto niya at tanaw na tanaw niya ang dining table sa baba. Isang linggo na niyang iniiwasan na makita ang lalaking ito pagkatapos ng mangyari sa kanila sa condo nito at nahahalata na iyon ng ina niya.
"Nagkatampuhan na naman kayo siguro noh, abay araw-araw halos dito na kumain ng agahan at hapunan biniro ko nga baka gusto niya kako dito nalang tumira, ang batang iyan talaga... ikaw, bumaba kana di na kayo bata para mag-iwasan pa"
Sermon ng ina kaya dahan dahan na siyang bumaba ng hagdan at lumapit sa hapag kainan. Nagkasalubong sila ng tingin at sinenyasan niya ito na umalis na kaso nagmatigas ito at hindi nagpatinag sa kanyang pagsindak.
"Hey! Anong titig na iyan Jossa? Kung ano man yang pinag-aawayan niyo at nagkasakitan kayo pag-usapan at ayusin niyo na iyan di na kayo mga bata kain na tayo"
Sabad ng ama niya na kinasimangot ng mukha niya lalo. Napaka-init mg ulo niya lalo na ng makita ito, at ang magulang niya kumakampi pa sa lalaking ito kaysa kanya na anak.
"Kamusta kana? Labas tayo mamaya?"
pormal nitong paanyaya sa kanya at tinaasan pa niya ng kilay.
"Busy ako sa office at may lakad kami mamaya ni Andrew magdi-dinner kami kasama ng pamilya niya next time nalang okay?"
Sagot niya at nagsisimulang magsalin ng sinangag sa kanyang pinggan at nilagyan na din siya ni Jay ng itlog at cornbeef ng biglang napahawak siya sa kanyang sikmura.
"Oh my goood!! Bakit ang baho ng cornbeef at sinangag?? Yuck!!"
Maduduwal na siya kaya dali dali siyang tumakbo sa banyo at hinabol siya ng lalaki at hinagod ang likod niya habang sumusuka siya sa sink sa loob ng banyo. Noon lang niya namalayan na nakasunod pala sa kanya ang mga magulang. Napahawak siya sa kanyang sintido at lalong nairita dahil ng nilapitan at inagap siya ng lalaki mula sa likuran kaya amoy na amoy niya ang pabango nito.
"Anu ba!! Ang baho mo Jay!! Get out here!! Don't touch me, ayaw kitang makita pwedi ba?? Ang bwesit ka talaga eh noh? Labas!!!!!"
Bulyaw niya rito at halatang nasaktan ito dahil sa malakas niyang pagkatulak sa kanya.
"Oh my, Josephine!!!! Ang bastos mo ha.. bakit mo tinulak si Jay? At nagmumura ka pa, what's wrong with you? He is trying to help you out! He is like your brother and he is your bestfriend.. ang bastos ng ugali mo hindi ko na gusto iyan ha..!!"
Bulyaw ng ina niya at pinandilatan pa siya nito habang ang ama niya ay napakamot sa ulo niya.
"Hija, ano bang nangyayari sa inyo ni Jay, isang linggo na kayong mahigit na nag-iiwasan ah.. napansin namin yun ng mama mo at bakit mo naman tinulak iyong tao? Ang aga-aga ang init ng ulo mo, you are not like that hija, come you apologize to him."
Biglang nanlamig ang katawan niya at pinagpawisan nakaupo ang binata sa dining table at inalo ng ina niya.
"It's fine tita, no worry baka may dalaw lang kaya mainit ang ulo wag niyo na pong pagalitan si Jossa, kasalanan ko naman kasi po medyo masama yata ang pakiramdam niya"

BINABASA MO ANG
Borrowed Time
Romance"You are right! You and I are not meant to be friends, can't you see? I am and will be your lover now. If there's something you want to do now, do it already because you are stock with me for lifetime starting tomorrow" Jossa and Jay were best among...