Borrowed Time 7

16 1 0
                                    

Mabilis dumaan ang mga araw kaya at sa bawat araw na nakalipas ay nadidiskubre niya ang ibang side bg pagkatao ni Jay na hindi pa niya napapansin noon.

Gaya ng umagang ito, paano siya iihi sa banyo ng may nakikita siyang ibang bagay na malaswa sa toilet bowl.

"Jay!!!!!"

Hiyaw niya sa lalaki sabay turo sa inidoro.

"Pasensya na nakalimutan kung linisin after kong maligo kanina saglit lilinisin ko"

Halos malaglag ang panga niya.

"Talaga ba? Talaga bang dapat kong makita iyon? Napaka-baboy mo talaga, dapat maliligo ka lang sa banyo kung anu-ano ba ang pinag-gagawa mo dito sa loob"

Hindi niya maiwasan na magsermon sa lalaking ito.

"Love.. ano ka ba! Men do that always in the morning patunay iyan na healthy kami at mga lalaki kami, that is normal"

Tuwang tuwa pa ito sa reaksyon niya na lalong kina-init ng ulo niya.

"Ang sabihin mo inaatake kana naman ng pagiging manyak mo at kahit magkasama tayo sa iisang bubong mahiya ka naman sa akin minsan, dati-dati malinis naman ang kwarto at banyo mo na nadadatnan ko, ngayon ang baboy mo na"

"Hay naku love.. you just have no idea"

Sagot nito at pinagpatuloy ang pagsipilyo sa kanyang harapan pagkatapos punasan ang seat cover ng inidoro. Kumunot ang noo niya ng mapansin ang gamit nitong sipilyo.

"Toothbrush ko iyan ah! Bitiwan mo iyan! Bakit mo ginagamit ang toothbrush ko? Jay ang daming toothbrush sa cabinet !! Ano ba iyan kailan mo pa iyan sinimulang gamitin?"

Angal niya sa lalaki at akmang babawiin ang sipilyo. Kunyari nag-isip pa ito saka napakalawak ang ngiti na sumagot.

"Mga last week pa ang damot mo naman eh.. ano namang masama mag-asawa na tayo at higit pa sa laway ang pinagsaluhan nati kaya masanay kana"

"Oh my god!!! Hindi ako makapaniwalang ganito kalala ang pagiging burara mo, hygiene ang tawag diyan Jay okay? Hindi porket magkakaanak na tayo iisang gamit lang ang kailangan nating gamitin, we need privacy okay?"

"Hindi iyon okay sa akin, legally kung anong akin ay sayo din napaka-unfair naman kung ano ang sayo ay dapat lang na akin din ganon dapat ang marriage it's a two way thing di ba?"

Tumaas bahagya ang kilay niya.

"Kung makapagsalita ka akala mo expert ka, iwan ko sayo wag na wag mong gagamitin ang bago kung sipilyo naiintindihan mo?"

Tumango lang ito.

Mabilis niyang itinulak ito palabas ng banyo.

"Umalis ka muna dito iihi ako okay? Sa labas ka magsipilyo wag dito"

Kumunot ang noo nito ulit.

"Bakit? Nahihiya ka ba? Nakita ko na lahat iyan, umihi ka lang diyan just don't mind me hindi kita sisilipan okay? Trust me"

Umiling siya at ubod ng lakas ba tinulak niya abg lalaki.

"No, no.. wala akong tiwala sayo at No! Pati ba naman sa pag-ihi ko bubusuhan mo ako? I need privacy okay?"

Narinig niya ang malutong nitong tawa bago pa niya sinira ang pinto.

"Ganito ba talaga ang buhay may asawa? Walang privacy kahit kunti?"

Bigla niyang naitanong sa sarili.

Pagkatapos niyang maligo ay nadatnan niya si Jay na nanonood ng netflix gusto sana niyang magbihis sa banyo kaso baka madulas siya at dahil may kabigatan na rin ang katawan niya ay tinatamad siya nitong nakaraang mga araw. Nakonsensya sa ginawang pang-iinsulto niya sa lalaki noong nakaraang araw kaya naman bumabawi siya ngayon kahit papaano.

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon