5 Years ago
Papasok na ako ng bahay ng madatnan ko mismo sa sala ang asawa ko na may babaeng nakapatong, hindi niya kilala ang babaeng yun at wala siyang pakialam kung sino ito, lahat ng galit at pagpipigil niya ay umalpas yun, hindi na nakuntento ang lalaki na saktan at babuyin ang pagsasama nila at talagang pinasok na sa loob ng bahay ang kabit nito. Halatang nagulat ang dalawa at dali-daling tumayo ang babae ngunit bago pa ito makatayo ay sinampal niya ito ng malakas.
"Mga hayop! You bitch! Hindi kana nahiya at nakuntento aa parking lot at talagang gusto mong pasukin pati tong pamamahay namin!!!"
Naramdaman niya ang dali daling pagpigil sa kanya ni Jay.
"Let me explain, it's not what you think okay? Hindi ko------"
Isang malutong magkasunod na sampal ang dumapo sa pisngi ng binata.
"I know how dirty and nasty you are !!! Kilala kita higit kanino man at siguro kabayaran lahat to ng katangahan ko at nagpabuntis at nagpakasal pa ako sa isang katulad mo.. umasa pa akong magbabago ka kasi magkakaanak na tayo kahit hindi mo ako mahal sana nirespeto mo ang pagsasama natin, yung kasal natin!!! Pu----tang ina naman Jay.. bestfriends tayo hindi ko inaasahang lolokohin at ta-traydorin mo ako ng ganito"
Nanghihina na ang kanyang tuhod at nagsimulang tumulo ang mga luha niya sa kanyang mga mata. Nahagip sa kanyang mga mata ang babaeng akmang tatalikod na sana ng bigla niyang hablutin ang buhok nito at kinubabawan.
"Sweetheart!! Stop!"
Itinulak niya si Jay at binalikan ang babae ngunit nakatakbo na ito, hindi niya alam kung anong pumasok sa sarili niya at hinabol niya ang babae pero agad siyang nakaramdam ng mainit na likido na umagos sa kanyang mga hita at bahagya siyang natigilan. Masuyong niyang hinaplos ang kanyang binti at napasigaw siya nga makita ang dugo sa kanyang mga palad.
"Aaaaaaah!!! My god! May dugo.. Jay dinudugo ako, yung baby ko! ang baby ko.."
Napahiyaw siya dahil sa sakit at kirot ng kanyang tiyan habang sinasapo ang kanyang tiyan. Mabilis siyang binuhat ng lalaki na namutla na rin sa takot ng makita ang dugong dumadaloy sa mga binti niya.
"I am so sorry sweetheart, please hang on.. kumapit ka please!!! Parang awa muna, pupunta tayo ng hospital"
"Jay.. yung anak natin! Iligtas mo siya mangako kang ililigtas mo ang anak natin..."
At tuluyan na siyang nawalan, kusang bumitiw ang kanyang kamay na nakayapos sa leeg ng asawa habang kalong kalong siya nito.
"Anak.. okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala diyan"
Pukaw ng ina niya mula sa pagbabalik tanaw sa nakaraan, ngumiti siya sa kanyang ina at tumango, kumunot ang noo niya ng mapansin ang madalas na pamumutla ng ina at ganun din ang mabilis na pagbagsak ng timbang nito.
"Mama, are you okay? Pasensya kana pero napapansin ko namumutla ka madalas nitong mga nakaraang araw at tigilan muna yang pagda-diet mo pumapayat kana din naman"
Nasa harap siya ng kanyang laptop at may ginagawa ng tumabi sa pag-upo ang kanyang ina sa kanya.
"Anak.. nasasaktan ako sa mga nangyayari sa buhay mo, sa sarili mo matanda na ako kami ng papa mo kahit anong oras kukunin na kami ng diyos at ayawkong lumisan sa mundong ibabaw na nakikita kang nagkakaganito"
Naninibago siya sa seryosong mukha ng ina habang binabanggit ang mga salitang ito, palagi kasi silang kingkoy na magpapamilya atsaka ngayon lamg niya napuna na tumada na pala ang ina niya, limang taon lang siyang nawala pero pakiramdam niya ang tagal-tagal niyang nilisan ang mga magulang at doon nagi-guilty siya sa mga bagay na kanyang ginawa.

BINABASA MO ANG
Borrowed Time
Romance"You are right! You and I are not meant to be friends, can't you see? I am and will be your lover now. If there's something you want to do now, do it already because you are stock with me for lifetime starting tomorrow" Jossa and Jay were best among...