Borrowed Time 17

11 0 0
                                    

Nagising siya sa isang hindi pamilyar na silid dali-dalin siyang bumangon at kinabahan the last time she knew nasa loob siya ng kotse ni Jay matapos magsusuka at nakatulog siya. Then he saw a picture frame of him sa bedside kaya napabuntong-hininga siya. Dali dali siyang pumasok sa banyo at tinitigan ang repleksyon niya sa salamin. Nanlalalim ang mukha niya and she checked her pulse, this can't be real oh god! Not again.. hindi talaga pwedi. Tinaad niya ang suot na blusa at inihantad sa salamin ang kanyang tiyan sabay haplos nito, saka lang niya naalala na hindi pa pala siya dinadatnan mag-4 weeks na, napakalakas ng kabog ng dibdib niya. Timing naman na bumukas bigla ang pinto ng banyo hindi pala niya iyon nasara kaya dali-dali niyang binaba ang blouse niya,

"Tumataba ako noh Jay?"

Biro niya sa lalaki sabay ngiti ng mapakala.

"Siyanga pala bukas kana umuwi natawagan ko na si Papa alas-dites na ng gabi at pagod akong magdrive kaya bukas kana lang umuwi dito ka matutulog sa kwarto ko sa guest room lang ako"

Simpleng tango lang ang sagot habang nakasunod ako sa kanya.

"Iinitin ko lang pagkain mo sa baba tapos kumain na tayo kasi gutom na rin ako"

Tumango lang siya at nang maupo siya sa mesa ay tinitigan niya ang lalaki.

"Alam mo ngayon ko lang napansin ang pangit pala ng mukha mo, masyadong matangos ang ilong mo at pangit ang kulay ng mga mata mo masyadong foreigner malakas ang dugo ng great grand-parents mo mas gusto ko yung pinoy ang dating hindi mestiso"

Kumunot naman ang noo ni Jay sa tinuran ng babae.

"Why are you so weird? Alam kong galit ka sa akin wag mo ng idamay ang mga ninuno ko kung napapa-ngitan ka sa akin"

Tumawa lang ito.

"Siyangapala pagkatapos kumain pwedi bang pahiram ng sasakyan trip kong kumain ng ice cream na may cashew nuts may malapit namang mercury drug store di ba?"

"May ice cream fridge, papabili nalang tayo sa katulong"

"Wag! Wag na mo na silang abalahin pagod na ang mga iyan atsaka gabi na kaya hayaan mo na silang magpahinga okay? Pagod kang magdrive so ako nalang babalik ako agad promise"

Naguguluhan siya sa inasta nito nagpapa-cute ba ito sa kanya at nag-puppy eyes pa ito sa kanya.

"Exactly the point gabi na at ang weird mo ngayon alam mo ba? Bilisan mong kumain at pupunta pa tayo sa mercury drug store at bibili ng ice cream"

Halos mapatalon siya sa tuwa sa tinuran ng lalaki.

Nasa loob siya ng banyo ng mercury drug store at hawak-hawak ang PT na binili niya, nanginginig ang kamay niyang napatingin sa resulta dalawang guhit hindi man lang niya agad na napansin buntis pala siya. Bumilis ang kabog ng kanyang dibdib, pambihira isang tira lang ni Jay sa kanya buntis na naman ulit siya kagaya noong una   agad siyang napahilamos sa kanyang mukha. Biglang nag-ring ang phone niya, it was Andrew napalunok at napabuntong hininga muna siya bago sinagot ang tawag na iyon.

"Babe nasa reataurant pa ako tawag ka ulit mamaya ha.. love you"

Pagsisinungaling niya, hindi niya alam kung ano ang kanyang dapat gawin. Mapapawalang bisan na ang kasal nila ni Jay and she no longer can't marry Andrew at alam niyang masasaktan lang niya ulit ang lalaki kaya mas mabuti ng tapusin na niya ang namamagitan sa kanila ni Andrew, tiisin ang sakit at lalayo siya sa lugar na ito hindi niya alam kung paano at saan basta lalayo siya at bubuhayin palalakihin at bubuhayin niya mag-isa ang magiging anak nila ni Jay this time hindi na niya ipapaalam sa lalaki ang sitwasyon niya dahil siguradong magiging malaking gulo lang pag nagkataon magulo na nga ngayon ang pamilya nila.

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon