A/N: Last chapter is also Samson's POV. Nakalimutan ko kasi ilagay. I tried to edit it pero naloka ako kasi naging numbers ung letters kaya binalik ko na lang sa dati. Thanks for understanding. Muah
SAMSON'S POV
Kalahating buwan na pero ganun pa rin ang desisyon niya. She need space. Fuck that word! Bakit pa kasi naimbemto ang salitang space eh. Edi sana magkasama pa rin kami ni Ellene. Ilang beses pa ba ako magkakaganito? Sasaya tapos ilang araw lang iinom na naman. Nakakasanayan ko na ngang uminom. Nalibot na nga rin namin lahat ng bar dito sa Autoville.
Nagmumukha na talaga akong sira ulo sa ginagawa ko. Sabi ng tropa I must stop this craziness but I can't. Paano mo ihihinto ang isang bagay kung siya rin mismo ang nagsasabing may pag-asa pa. She never told me that exactly, pero ano ang ibig sabihin ng mga sinabi niya sakin sa text. Oo, nagkakatext kami. That's weird for someone who's asking for space. Nangyari yan after 5 days mula nung nanghingi siya ng fucking space.
Uwian na namin. Wala naman na akong gagawin sa school at wala na rin naman akong ihahatid kaya dumiretso na rin akong umuwi ng bahay. Pagkalabas ng school nakita kong sumakay siya ng jeep pauwi sa kanila base sa karatula ng jeep na nakita ko sa unahan nito. So uuwi siya ng bahay nila ngayon at hindi sa dorm. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makaupo at maya-maya'y may pinipindot na siya sa phone niya. "Bwiset!" Nakaramdam ako ng yamot sa iniisip ko na baka may iba na siyang manliligaw at mas pinili niya un. Nahinto ako sa pag-iisip nang marinig kong tumunog ang phone ko. Sino naman kaya to? Sa isip-isip ko. Nang rumehistro ang pangalan niya ay agad kong binuksan ang message niya.
[ ]
Ha? Wala namang message. Blangko lang. Hindi ko alam kung anong naramdaman ko at bigla na lang nagtype ang mga daliri ko. Siguro dahil sa emosyong nag-uumapaw para sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ka humihingi sakin ng space. Alam mo bang nahihirapan ako sa mga desisyon mo?
I waited for her reply. And finally, I receive it after half an hour.
[ Sorry. I never want to hurt you but I really need space.]
Never want to hurt me? Nagpapatawa ba siya? Sinong hindi masasaktan sa biglaang desisyon niya ng paglayo sakin o ang paglayo ko sakanya? Or both.
You never want but you already did. So what's behind this sudden decision of YOURS?
Sinadya kong i-capitalize ang yours to make her realize that I don't want what she had done and what's in her mind. That it is only her decision not mine. I don't want to agree with this. I really hate it!
[ I'm really sorry. Nasakin talaga ang mali. Don't think that you've done wrong. Wala, as in wala. Kelangan ko lang talaga ng space.]
Wala naman pala. Anong problema niya? San niya ba nahugot ang salitang space? Nahihirapan akong intindihan ang papalit-palit ng desisyon niya. Babae nga talaga siya kung magpalit ng desisyon parang nagpapalit lang ng damit.
If that's what you want then I'll give it to you. Hindi na muna kita lalapitan at hindi na rin muna ako magpaparamdam to give you enough space that you want. You know I don't want this but you also know that I respect you and this includes it.
Mabilis pa sa alas kwatrong tumunog ang phone ko. Ang bilis naman ata niyang magreply? Napakunot ang noo ko but not until I read her reply.
[ Please don't. Don't do that.]
Mas lalo kasing kumunot ang noo ko sabay nganga pa ng bahagya. Anong hindi ko gagawin?
[ Can't understand you.]
[ Please don't stop our communication. SPACE, yes space is what I ask for but I need your time. Pwede mo namang ibigay ang space na hindi nawawala ang time mo sakin. I mean to say, pwede pa naman tayong magtext.]
' Ang selfish mo!' Yan ang gusto kong sabihin sa kanya pero pinipigilan ko lang sabihin coz' I know it would hurt her. But don't she think na nasasaktan din ako?
I still don't get it.
[ Sorry.]
Sorry lang? I need more explanation. Linawin naman sana niya. Sorry? Lalo lang akong naguguluhan sa pagsabi niya ng sorry. Madaming akong naiisip na dahilan. Pwedeng may ibang nanliligaw sa kanya at natatakot siyang isipin ng manliligaw niya na may syota na siya dahil lagi niya akong kasama dahil hindi naman mapagkakaila ang sweetness namin sa isa't-isa , pwede rin namang strict ang parents niya at baka may kakilala ditong pwedeng magsumbong or worst of all sadyang pinaglalaruan niya lang ako. Ginagamit for her own reasons. Can she really do that? Ugghhh.... I can't stop but think of this annoying possible reasons that she might have in her mind.
Kaya ko ba un? Lalayuan ko siya at the same time makikipagcommunicate pa rin ako sa kanya through text? Ayoko ng ganun. Parang nakakagago lang. Ay hindi. Nakakagago talaga. Kung space edi space. Paano niya malalaman ang totoo niyang nararamdaman kapag gagawin ko ang gusto niya. Paano niya mararamdaman na hindi na pala niya kayang wala ako sa tabi niya? And the best would be eventually she will confess her true feelings at happily ever after na ang kasunod.But I found myself doing what she want. Am I really a masochist? Or when you're inlove you can't stop being a fool and a slave of your own desire. Fuck that!
BINABASA MO ANG
Anyare Love Story
HumorEllene, isang kolehiyalang ninais o mas sabihin na nating pinangarap makahanap ng mamahalin at mag magmamahal. Nagpacute, umasa, nahulog, nagmahal, nasaktan, naTRAUMA Nagsawa, natakot pero nagmamahal ulit. Pero ang akala niyang perfect at forever...