Months had passed and I'm still on my track. I'm still showing her how much I care for her. I would always appreciate her whoever she is. I would not stop doing things that would made her realize her true feelings towards me. I haven't given up. Not now. But I'm careful in every word that I'm saying. I know that it would not be good to have another confession about my true feelings towards her. Ang hirap. Pero iyon ang kailangan kong gawin. Kung gusto niya ng ganito, sige ganito lang muna kami, friendzone . Pero alam ko this would not take any longer. Ramdam ko na sa bawat araw na lumulipas nafafall na siya sakin. Ewan ko ba kung bakit ayaw niya pang aminin. Ganun ba talaga kahirap na tanggapin ako?
Sa dami ng araw na sinasabi niya sakin na hanggang magkaibigam lang kami, sa mga araw na nirereject niya ako? Konti na lang malulunod na ang buong laman loob ko sa alak. Kasi ung atay ko matagal ng lunod. But I'm still holding on to what my heart says. Iba talaga ung pakiramdam ko sa sinasabi niya at pinapakita niya. Totally magkaiba.
Itong nakaraang 3 linggo matapos ang another heartbreak ko sakanya sa bus nang hindi niya nalalaman lagi na kaming magkasama. Lagi akong sumasama sa kanilang magkakaibigan. Pakiramdam ko nga ang kapal na ng mukha ko dahil kundi dahil kay Ellene hindi naman ako sasama sa kanila kasi hindi ko naman sila close. Ang sumama sa 99ners ang huli mong gugustuhing gawin dahil ramdam mong OP ka pero tiis lang to tol. Hindi naman ung tatlo ang dahilan ng pagsama ko sa 99ners kundi si Ellene. Ramdam ko rin naman ang pagwelcome niya sakin sa grupo nila. Kita mo at ramdam mo ang pinapakita kong sweetness sa kanya at vice versa. Ibig sabihin napapansin na rin ng iba ang pagbabago ng pagtrato niya sakin. Kaya hindi ko matanggap na humihingi siya sakin ng SPACE ngayon.
Ano na naman bang nagawa ko?
Ang sakit lang kasi wala naman akong nakikitang ginawa kong mali pero eto ako ngayon at nasasaktan sa mga desisyon niya na hindi man lang niya maipaliwanag kung bakit. Siguro nga madaldal ako kasi hindi ko kayang sarilinin ung nararamdaman ko kaya nasabi ko na agad sa mga kaibigan ko at sa ka-close kong clinical instructor namin kahit na sinabi niya sa aking ' Sana sating dalawa na lang ung napag-usapan natin'. Iyon na ang huling usap namin at ang malupit pa nun sa text lang. Tangn* lang talaga! Ang labo eh.
Ngayon nandito kami sa community kasama si Ma'am Miles. Hindi ako makapagconcentrate lalo nang alam kong malapit lang sa pwesto namin sila Ellene.
" Ok ka lang?" Tanong sakin ni Ma'am Miles nung mapansin niyang nakatitig ako sa direksyon kung nasaan siya.
" Hmmm." Sabay tango ko.
" May tanong ako sa'yo?" Muling sabi ni Ma'am. Lumingon lang ako sa kanya at kumunot ang noo ko.
" Gusto niya ng space? Ano ba siya ASTRONAUT?" sabay halakhak ng malakas na akala mo walang ibang tao sa paligid.
I never thought na iyon ang sasabihin niya. Hindi ko alam kung matatawa ako o mahihiya sa sinabi niya. Nagpakawala ako ng mahina na tawa sabay pasimpleng lumingon sa kinatatayuan niya. Mukhang hindi niya naman napansin ang paghalakhak ng kasama ko dahil sa sobrang busy ng group nila. Balak niya talaga akong iwasan. Nasasaktan ako na pakiramdam ko napakadali sa kanyang sabihin ang salitang iyon at umaktong parang hindi kami magkakilala. Is she really this tough?
Lumipas pa ang ilang oras. Manaka-nakang nagtatama ang paningin naming dalawa ngunit walang emosyon niyang inaalis ang tingin niya sakin at binabaling sa iba. Fuck! What exactly does she wants? Nakakabadtrip, nakakaubos ng pasensya.
" Ano suko ka na? Hanggang kailan kayong ganyan? Ok ,hindi,ok, hindi. Pinapaasa ka lang ata niya. " sabi ni Austin.
" Ewan ko." Wala akong ibang maisip na sabihin dahil sa sarili ko hindi ko talaga alam kung bakit pa ako umaasa. Meron pa nga ba akong inaasahan.
" Un din ang tingin ko brad. Pinapaasa ka lang sa wala. Hindi naman sa nagkukwenta ako ha, pero ang dami mo na ring napuhunan diyan. Ilang umagahan na ba ang nabili mo sakanya? Kung samin mo na lang sana binigay un edi mas tumibay pa ang pagkakaibigam natin." Dugtong pa ni Ace.
" Gago ka talaga Ace. Puro ka kalokohan. Patay gutom! Manahimik ka na nga lang diyan. Kung anu-anong sinasabi mong walang katuturan." Mabilis na sagot ni Austin sabay bato ng hawak niya notebook.
" Inuman na lang mamaya." tumayo na ako at inayos ko na ang gamit ko. Ilang minuto na lang time na.
I never imagined drowning myself with alcohol just to lessen this pain I'm feeling right now. Pero mukang mapapa-aga ang buhay ko dahil sa liver cirrhosis. Hahahha! Nakakatawa ang pagiging pathetic ko.
BINABASA MO ANG
Anyare Love Story
HumorEllene, isang kolehiyalang ninais o mas sabihin na nating pinangarap makahanap ng mamahalin at mag magmamahal. Nagpacute, umasa, nahulog, nagmahal, nasaktan, naTRAUMA Nagsawa, natakot pero nagmamahal ulit. Pero ang akala niyang perfect at forever...