ELLENE'S POV
Ano daw?! Nabigla ako sa sinabi ni Rel. Ako gusto ni Samson?
Kahit gaano ko gustong magreact ay pinigilan ko ang sarili ko at sinabi ko na lang 'ok' at nginitian ko si Rel.
Ang weird naman kasi. Naalala ko pa nung 3rd year kami, ung unang sem na naging classmate namin sila. . .
• • FLASHBACK • •
" Si Samson daw may gf?" sabi ni Moody
" Big deal? " I asked her.
Sa totoo lang hindi naman, masyado lang talagang chismosa itong si Moody.
Go na lang ako para tingnan ang itsura ng gf ni Samson.
Oh diba? wala pang sinasabi si Moody alam ko na ang balak niya. hahaha..
" Tara na Ellene." yaya ni Moody na mukang atat na atat makita ang itsura ng gf ni Samson.
It was said that 2 years na sila ng gf niya na naiwan niya dun sa school nila dati.
Tumango ako at nilapitan na namin si Samson.
" Samson ok lang bang makita ang picture ng girlfriend mo? iyon kaagad ang bungad ko kay Samson.
Polite naman diba? ? ? (∩__∩)
" Huh? Bakit anong meron? " nagtatakang tanong ni Samson.
Siyempre sinong hindi magtataka eh eto ang unang pag-uusap namin.
Ni hindi namin siya kinamusta muna bago makichismis. Hahaha.
Iba na ang IMBA!
Ellene + Moody = SABOG!
└(^o^)┘
" Sige na Samson. Huwag kang selfish.." lumipat sa Moody sa kabilang side ni Samson .
Tingnan niyo na? Kung makapamilit itong taong to feeling close sa kausap niya. hahaha
Baliw talaga tong babae na to pero dahil dyan kaya masarap siyang kasama.
Nilabas na ni Samson ang cp niya at doon niya pinakita ang itsura ng girlfriend niya.
Parehas kaming nagulat sa nakita namin ni Moody.
(⊙o⊙) (⊙o⊙)
" Weh? ? " parehas kaming hindi makapaniwala sa nakita
" Sigurado ka bang alam niyang magsyota kayo? O baka naman bulag yan? " Tiningnan ko siya na punong-puno ng pagtataka.
Tingnan niyo? Wala din sinasanto tong pang-aasar ko no? Kaya swak kami ni Moody eh.
"Grabe ka naman Ellene. Sobrang pangit ba ako para pagdudahan niyo ni Moody ng ganyan? " parang nalulungkot na tanong ni Samson.
" Ui joke lang. Talagang nagulat lang kami kasi ang ganda niya. Dapat maflutter ka pa nga kasi ibig sabihin may good taste ka. Mukhang model kaya siya. Sana magtagal pa kayo" o diba sabay bawi?
Pagkasabi ko noon ay umalis na rin kami ni Moody.
Alam niyo na,,
~~Mission Accomplished~~
Bwahaha!!!
• • End of Flashback • •
At iyon lang ang naaalala kong pagkakataon na kinausap ko siya sa buong taon ng 3rd year namin.
Not until this sem na lang dahil sa case presentation namin kaya kinakausap ko na siya.
Yes , I honestly admit that I want us to be friends. Kasi nakikita kong laging masaya ang group nila at puro tawanan at siya ang dahilan.
Mahilig din kaya ako tumawa at magpatawa kaya iniisip kong baka swak ang personality namin.
Kaya what the effin ngipin talaga! I heard na kakabreak lang nila ng gf niya nung August tapos ngayong October sasabihin ni Rel na gusto ako ni Samson? Shocking stocking diba?
Well siyempre nakakaflutter pa rin kasi may nagkakagusto pa rin pala sakin. Hindi na rin kasi maganda ang tingin ko sa sarili ko eh..
Di ba nga? I feel like I'm not worth of anybody's love? Asus Ellene! Nagdadramarama ka na naman.
Saka love? Ang sabi naman gusto lang.
May sinabi ba akong ganun?
Oo kaya. Basahin mo pa sa taas.
Ahh, , ,ehhh.. Oo nga no? Joke lang un noh.
Asus palusot ka pa. Advance na naman kasi yang utak mo. hahaha.
Hanu ba yan!?
Baliw lang ang peg?
Magmonologue daw ba?
Anyway, pero hanggang friends lang talaga.
Sorry na lang sakanya hanggang tingin na lang siya sa beautiful face at sexy hot body ko.
Choz! Taas ng condidence!
(*¯︶¯*)
Should I say this to Moody??
o(╯□╰)7
Ay hindi na lang baka bukas na bukas din eh trending na ako.
Kay ate Kek na lang para safe.
╭(′▽‵)╭(′▽‵)╭(′▽‵)╯ GO!
BINABASA MO ANG
Anyare Love Story
HumorEllene, isang kolehiyalang ninais o mas sabihin na nating pinangarap makahanap ng mamahalin at mag magmamahal. Nagpacute, umasa, nahulog, nagmahal, nasaktan, naTRAUMA Nagsawa, natakot pero nagmamahal ulit. Pero ang akala niyang perfect at forever...