ELLENE'S POV
" Ano bang ipepresent natin sa Arts Appreciation.?" tanong ni Moody samin.
Magkakasama kasi kami ngayon nila Kasy, Chicks, Gela at Moody sa canteen dahil break time naman.
" Edi sayaw! " I suggested
" Ha? Eh kayo lang naman ni Moody ang marunong sumayaw sa ating lima noh." tila hindi pagsang-ayon ni Kasy
" Kasy hindi naman modern dance ang sasayawin natin at lalong hindi hiphop at sexy dance. INTERPRETATIVE DANCE!!! What yah think? " sabi ko.
" Tama! Interpretative dance. Mabagal lang naman ang mga movements don saka hindi komplikado katulad sa hiphop. Simpleng galaw lang para lahat makasabay." pagsang-ayon ni Moody.
" Well. . . I guess that's a good idea. Siyempre walang ibang magchochoreo kundi si Ellene." Gela agreed and pointed her index finger at me.
" Ok,,sige na nga " napilitan na sagot ni Chicks kasi majority wins na.
Ako, Moody at Gela with interpretative dance at Kasy and Chicks with , , , wala.Wala pa silang maisip na pwedeng gawin eh kaya go na rin sila sa idea namin.
" Ah basta wag sasakit ang ulo niyo sa kakaturo sakin." dugtong ni Chicks sabay peace sign.
" Anong sayo? " at umakbay naman si Kasy kay Chicks "sa'ting dalawa kamo. hahaha."
Lumapit at pumagitna ako kila Chicks at Kasy. Nasa kanan ko si Chicks at sa kaliwa naman si Kasy at inakbayan ko sila sabay sabing
" Oo naman girls. Kayo pa ba? Sige kayo na mamili ng kanta. Yung madali lang rin i-interpret para mabilis magawan ng steps at mabilis din nating mamemorize " matapos noon ay bumalik na ako sa upuan ko para mag-isip ng costume.
" Tights and leotards !" un lang sabi ko at hindi naman na sila umangal pa. Siyempre lahat naman kami balingkinitan kaya keri lang ung ganung damit. hehe
Kanya- kanyang practice na ang mga classmates namin. Siyempre ang group ko tapos na magpractice sa dorm namin. hehe.
Iba na ang may dorm. wahaha!
Anyway, maliban sa interpretative dance namin may magpartner na magrarap, may magmomodern dance, may kakanta at may magpuppet show ung katulad ng ginawa nila Bitoy( Michael V.) at Ogie Alcasid sa Bubblegang.
×~×~×~×~×~×~×
" Yeah!! " kanya-kanyang hiyaw ang mga nakakuha ng 95% grade which is the highest.
Ano pa nga ba? siyempre kasama kami dun. hahaha..
" Girls after Arts App. sa dorm tayo ha kasi naghanda kami ni Moody para sa celebration ng birthday namin. Right Moo? " yaya ko sa groupmates ko.
Sila lang kasi hindi naman madami ung handa namin. Parehas kami na October ang birth month ni Moody pero hindi ang date. Ako 14 & siya naman 16.
" Check na check Ellene"
Last subject na namin ang Arts App. kaya after ng class ay dumiretso na kami sa dorm.
Bepp! Beep!
To: Ellene
Hi Ellene! Musta? Ang galing mong sumayaw kanina. Sabagay dancer ka naman talaga eh. Haha. Saka congrats taas ng grade niyo.:)
BINABASA MO ANG
Anyare Love Story
HumorEllene, isang kolehiyalang ninais o mas sabihin na nating pinangarap makahanap ng mamahalin at mag magmamahal. Nagpacute, umasa, nahulog, nagmahal, nasaktan, naTRAUMA Nagsawa, natakot pero nagmamahal ulit. Pero ang akala niyang perfect at forever...