AUTHOR'S POV
Nauna na sila Austin sa parking lot ng Bluewave. Mantakin mo ba namang paharurutin ang sasakyan, sinong hindi mauuna?
Nagtext lang si Rel kung saan banda sila nakaparada nila Austin para doon din pumarada ang sasakyan nila Gen.
Pagkahinto na pagkahinto ng sasakyan ni Gen ay mabilis na ikinalas ni Samson ang seatbelt sa katawan niya at nagtungo sa sasakyan niya.
" Tagal niyo naman Samson! " pang-aasar ni Austin na nakapatong pa ang baba sa may braso na nakalagay sa may bintana na tila inip na inip.
" Manahimik ka! " pasigaw na sambit ni Samson sa mahinang boses.
Inilibot ni Samson ang mata sa kabuuan ng sasakyan niya. Grabe lang talaga ang kaba niya kung sakaling magkagasgas ang sasakyan niya.
" Bilib ka na ba sakin? Kaw lang eh, wala kang tiwala. " si Austin pagkatapos makitang nalibot na ni Samson ang buong sasakyan at wala naman kahit anong violent reaction.
Samson hissed. " Sige baba. " at tinapik niya ang pintuan ng driver's seat.
Kahit naman siguro mabilis magpatakbo itong si Austin ay marunong at magaling itong magpaiwas-iwas sa mga sasakyang nadadaanan nito.
Kung hindi niyo naitatanong, matagal ng sumasali si Austin sa car racing pero mas madalas sa drag racing.
Ano na lang ba ang limang taon niyang experience sa ganoong klaseng karera? Malinis at pulido, yan si Austin pagdating sa karera.
Praning lang talaga itong si Samson kaya ganoon na lang kung mag-alala.
Hindi napigilan nung tatlo, Austin, Rel at Ace, ang magtawanan pagkasabi ni Samson noon.
Hindi na pinansin ni Samson ang tatlo dahil natigilan siya sa kanyang maalala.
" F*ck! "
Naalala niyang mas inuna niyang lapitan ang sasakyan niya kesa pagbuksan ng pinto si Ellene kahit alam naman niyang hindi niya responsibilidad iyon.
The thought that the car matters more than Ellene? Parang gustong lumubog ni Samson sa hiya at magpakalunod na lang sa kumunoy.
Lalo siyang nanigas ng makita niyang papalapit si Ellene sa kinatatayuan niya.
Galit kaya ito? tanong ni Samson sa isipan niya.
" Guys sa videoke daw muna tayo! Guess what? Kasama din natin sila Aika, Chelle, Lor at Moody. Ang saya talaga! " Ellene excitedly exclaimed.
Nawala naman ang sikip ng dibdib ni Samson ng marinig iyon sa bibig ni Ellene. Pero muli siyang nanigas sa dulo ng sinabi ni Ellene.
" Ako ba ang kinindatan niya? Gantong-ganto din ang nangyari nung case pres." mahinang sambit ni Samson sabay lingon sa likuran.
Hindi niya alam kung ngingiti siya o mananatiling poker face matapos niyang makita na wala naman sa likuran niya ang nakikinig sa sinabi ni Ellene maliban sa kanya. O pwede rin namang tsinempuhan nila Austin na mag-usap usap pagkalingon ni Samson.
Para sa kanya nga ba ang kindat na un at ang matatamis na ngiti mula sa labi ni Ellene?
Pwede namang mag-assume si Samson diba?
※ ※※ ※※ ※※ ※※ ※※ ※
Videokeroom
BINABASA MO ANG
Anyare Love Story
HumorEllene, isang kolehiyalang ninais o mas sabihin na nating pinangarap makahanap ng mamahalin at mag magmamahal. Nagpacute, umasa, nahulog, nagmahal, nasaktan, naTRAUMA Nagsawa, natakot pero nagmamahal ulit. Pero ang akala niyang perfect at forever...