SAMSON'S POV
Alam ko yang amoy na yan. That scent that brings me some spell that makes my knees so weak.
Sniff. . . ( ¯3¯)
Sniff. . . ~( ¯3¯)~
Sniff. . . ~~( ¯3¯)~~
Ang bango talaga. Nakakapanghina. I felt my knees weakens and I can't barely lift my feet to walk. Gusto ko na lang singhutin lahat ng amoy na un. Walang ititira, walang palalagpasin.
Patuloy ang pagsinghot ko habang nakapikit ang aking mga mata. Tila pilit inaalala kung saan ko unang naamoy iyon. Isang mukha lang ang rumehistro sa isipan ko.
Alam ko kung kanino yan. Ang kailangan ko lang gawin ay iangat ang ulo ko at lumingon sa kaliwa para masiguradong tama ako.
Pero pwede ba naman akong magkamali? Para yung program na nakasave sa sistema ko.
Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at lumingon sa kaliwa.
BLAG! (>_<#)
Isang malakas na tunog at naitulak ako ng halos dalawang talampakan kasabay ang pagsakit ng ulo at likod ko.
" Samson ok ka lang? " tanong ng kaklase namin na may pag-aalala.
" Ahh... *hawak sa ulo* O-oo. Ok lang. Malakas lang naman pero hindi naman masyadong masakit. " pagtutumanggi ko.
Shet! Saan ka naman nakarinig ng malakas lang pero hindi masyadong masakit? Sa totoo lang? Sobrang sakit!!!
Nawala kasi sa isip ko na nakatayo pa rin ako sa tapat ng pintuan ng classroom namin kaya nang biglang buksan iyon ng kaklase namin ay malakas na humampas sa likuran ko. Ang t*nga lang noh?
Bagama't tumugon ako sa kaklase namin ay hindi ko inalis ang tingin ko sa likod ng babaeng nasa kaliwa.
I know that hair and figure. Kung dati ay hindi ko man lang siya nakikilala sa kabila ng pagiging magkaklase namin ng isang taon,, ngayon kahit nakatalikod kilalang-kilala ko na siya.
Wala nang epekto kahit piringan niyo pa ako! I can follow her with that scent.
Corny man pakinggan pero she's My Girl. The girl in denial. That girl named Ellene.
Lumingon sa akin si Gen, kaklase namin na kausap ni Ellene. Syempre nakuha ko ang atensyon niya. Sinong hindi mapapalingon sa lakas ng tunog na naidulot ng pagtama sakin ng pintuan.
" Ui Samson ok ka lang? Ano nangyari sa iyo? " tanong niya na may halong pag-aalala.
" Ha? Oo naman. Nag- exhibition lang. hahaha " biro ko pa.
" Sira ka talaga! Teka, pauwi ka na ba? " muling tanong niya.
Hindi ko maipaliwang kung bakit ako kinakabahan. Siguro dahil alam kong si Ellene itong nasa harapan ko at anytime maaari siyang lumingon at hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.
" Huy! Sabi ko kung pauwi ka na? " kinaway niya ng bahagya ang kamay niya.
" H-hindi pa. Nagkayayaan kasi gumala ang tropa. " sagot ko naman.
" Ahh un nga din ang pinag-uusapan namin. Wait, sabi mo sasama ka samin next gala diba?"
" Oo naman. Last Wednesday mo un sinabi sakin sa pagkakatanda ko. Pero wala pa namang date un diba? " ako naman ang nagtanong sa kanya.
BINABASA MO ANG
Anyare Love Story
HumorEllene, isang kolehiyalang ninais o mas sabihin na nating pinangarap makahanap ng mamahalin at mag magmamahal. Nagpacute, umasa, nahulog, nagmahal, nasaktan, naTRAUMA Nagsawa, natakot pero nagmamahal ulit. Pero ang akala niyang perfect at forever...