Part 11

14 0 0
                                    

SAMSON'S POV

  Huh?

(?______?)

  Isang malaking question mark ang itsura ko pagkabasa ng text ni Ellene.

  Fr: Ellene

        I wanna talk to you tomorrow after duty.

  Ano daw?

  Yun lang ang text niya kaya hindi ko maisip ang maaari naming pag - usapan.

  Ang cold.

  Galit kaya siya?

  Sabi ko naman na tatantanan ko na siya. Baka kasi nakukulitan na siya sakin.

  Teka. . .  Un pa pala! SAAN?!

  Hindi kami parehas ng hospital na pinagdudutyhan. Bat' ba hindi ko chineck last week ang duty niya? Ellene naman. Ginugulo mo ang isipan ko.

  I never knew kung saan kami magkikita. Dahil matapos nung text niya ay hindi na siya nagreply sa mga text ko. Hinintay ko na lang ang text niya hanggang sa matapos ang duty ko.

  Nasapo ko ang noo ko ng maalala kong hindi kami parehas ng schedule.

  " Graveyard shift ako 10pm-6am at siya naman morning 6am-2pm."

  Anak ng tokwa! Walong oras? ?

Walong oras akong maghihintay?!?

  Bakit ko ba siya kailangang hintayin ng ganung katagal? Kung hindi ka lang mahalaga hindi ko aaksayahin ang oras ko sa'yo.

  Hindi ko masyado napansin ang oras. Malapit na pa lang matapos ang duty ko pero wala pa rin akong text na natatanggap galing kay Ellene.

  So I waited patiently. . .

  (-____-)

  (-_____-)

  (-_______-)

  Tapos na ang duty ko at malamang simula na ang duty ni Ellene.

  Pero saan?

  Saan ako maghihintay?

  Doon na muna ako dumiretso sa canteen ng base hospital namin after ng duty ko. Tutal malapit un sa dorm nila.

  Nang makarating ako sa canteen ay niligid ko ang paningin ko para makakita ng pwesto na hindi masyadong nauupuan para hindi naman nakakahiyang tumambay.

                                 (>.>)

             (<.<)

                        (• . •) Aun!

   Naupo ako sa isang sulok malapit sa may pintuan. 'Dito na siguro' at nilapag ko na ang bag ko sa ibabaw ng lamesa.

  Patingin-tingin lang ako sa pumapasok at lumalabas ng canteen. May mga doktor, pasyente, workers, staffs at mga estudyanteng nagduduty din doon  akong nakikita na ang iba pa nga ay pamilyar sakin ang mukha.

  Kapag napapalingon sila sakin ay ngingiti sila at tatango naman ako.

  " Hai ano ba naman yan... Nakakabagot ang ganito. Inaantok na tuloy ako. " nahikab na tuloy ako.

  Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako ng tuluyan.  Nang magmulat ang mata ko ay napatingin ako sa counter at nakita ang dalawang staff na babae.

Anyare Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon