ELLENE'S POV
" HOY BABAITA! Gumising ka na dyan! 11 o'clock na ng umaga! "
Ano ba ung ingay na un? Ang sarap pang matulog. Ang sarap pa ng pagkakapikit ng tantalizing eyes ko.
UGA! UGA!
ANO BA NAMAN!? Nahihilo ako at
... my head really hurts..(>_<)
" Ano ba Ellene?! First day natin ngayon sa Community! Hindi pwedeng malate! "
And that sound... That sound really irritates my earlobe down to my eardrums.
Pilit kong minumulat ang kanang mata ko ng dahan-dahan habang ramdam ko pa rin ang patuloy na pag-uga ng kama ko. Napakunot pa ng kaunti ang noo ko dahil sa nakakasilaw na liwanag na nanggagaling sa bintana.
Dahan-dahan kong inilipat ang tingin ko kung saan nanggagaling ang nakakairitang tunog na un.
Wala pa lang lindol, sabi ko sa isipan ko nang mapadako ang paningin ko sa dalawang bilog na kweba.
Ano yun?
Lintik na butas ng ilong ni Moody. Kung panlakihan ako ng butas ng ilong parang pinapakain niya ako ah? Tssss.
" Ano ba Ellene?! Anong oras ka ba tatayo?! " Si Moody na hindi na lang nakuntento sa pag-uga sa kama ko, sumampa na ngayon at hawak-hawak na niya ang balikat ko habang niyuyugyog ako.
" Moo naman! Ang sakit pa ng ulo ko. Ayokong pumasok! " sambit ko habang nakapikit na muli ang mga mata ko.
I tried to remove her hands from my shoulders but I can't.
Baka naman magmeet na kami ng utak nito pagnasinghot niya ako. Natawa pa ako sa isipan ko sa ideyang iyon.
" Matapos mong magpakaselfish sa biyaya kagabi, ngayon sasabihin mong masakit ang ulo mo?! Manigas ka! Tayo! " She remove her hands from my shoulders and next thing I know I'm already on my feet.
" What? " I asked in confusion dahil hindi ko talaga siya ma-gets.
" What-whatin mo muka mo! Isang text lang Ellene. Isa lang. Edi sana nailibre na din ako ni Austin." pagmamaktol pa niya.
Aun! Crystal clear. Nagmamaktol dahil hindi ko naabisuhan sa libreng alak galing kay Austin. Parang nangangati tuloy ang kamay ko. Sarap mong konyatan! I argue with her on my mind. Hindi ko pa kayang makipagtagisan ng vocal chords pagganitong bagong
gising, erase that, pag ganitong pinilit na gisingin at masakit pa ang ulo ko dahil sa hang over.
* * * * *
" Ay kalabaw! " muntik na akong matalisod dahil sa__
" Inidoro! Moo ano ba naman? Sana sinabi mong sa banyo mo ako dinala! " sabi ko pagmulat ng mga mata ko at tumambad sa harapan ko ang makinang na inidoro.
" Tse! Para kwits!" sagot ni Moody sabay sarado ng pinto ng banyo.
Umupo ako sa walang bahid-dungis na inidoro na nasa harapan ko.
As if naman hindi ko pwedeng ituloy ang tulog ko dito. 15 minutes lang Mr. Inidoro. Quiet ka lang ha. I smirked then close my eyes.
* * * * *
" HOOOOO!!!! " mulat na mulat na ang dalawang mata ko na naniningkit sa antok kanina at gising na gising na ang tulo laway kong diwa.
" Shit ang lamig! " sigaw ko na may halong inis.
BINABASA MO ANG
Anyare Love Story
HumorEllene, isang kolehiyalang ninais o mas sabihin na nating pinangarap makahanap ng mamahalin at mag magmamahal. Nagpacute, umasa, nahulog, nagmahal, nasaktan, naTRAUMA Nagsawa, natakot pero nagmamahal ulit. Pero ang akala niyang perfect at forever...