Part 16

7 0 0
                                    

AUTHOR'S POV

  " Ako? " Hindi napigilang naibulalas ni Samson kahit na pakiramdam niya nanigas ang buong katawan niya sa narinig.

  Would it be really me? Tanong niya sa kanyang isipan. Hindi na niya maisatinig ang gusto niya pang sabihin.

  Nakita niyang ngumiti si Ellene.Sabay hampas sa braso niya.

  " Bingi na, ASSUMING pa. Sabi ko IHHHHHAW. " Ellene said stressing the letter H.

  Gusto niyang matawa sa reaksyon ni Samson.

  Ano ba namang pinag-iisip ng taong ito? She said on her mind.

  Tinatanong niya tuloy ang sarili niya kung iKaw nga ba o iHaw ang nasabi niya kanina.

  " Ahh. Hehehehe.. Sorry. Kala ko kasi ano__" tila hiyang-hiyang sabi ni Samson. Namula pa saglit ang mga pisngi nito.

  Hindi niya na tinuloy ung gusto niyang sabihin. Pakiramdam niya pinagpipilitan niya ang sarili niya kay Ellene.

  " Nakakabingi pala ang gutom no? Tara dun! Alam ko may iHHHaw dun." Iyon na lang ang sinabi niya at ginaya niya pa kung papaano binigkas ni Ellene ang salitang ihaw.

  Eh bakit ko namang sasabihing IKAW? Hindi ko naman siya gusto. Patuloy na kinakausap ni Ellene ang sarili sa isipan niya.

  "Sabihin mo na kasing gusto mo ako. Nagdedeny ka pa kasi. " Sabi naman ni Samson pero sa isipan niya lang din. Alam niyang maaaring ikagalit iyon ni Ellene kung sasabihin niya ng diretso.

  Ang feeling talaga netong Samson na ito. Sino ba siya para magustuhan ko? Pasimple pang tumingin si Ellene kay Samson bago niya pinaikot ang kanyang mata.

  Denial Queen. Pasimple ding lumingon si Samson kay Ellene kaya nagtama ang kanilang mga mata.

  Akala mo'y nagkakaintindihan ang dalawa gamit ang isipan lamang. Mariin lang silang nagtititigan.

  " Ellene!!!!!!!!!!" isang matinis na boses ang nagpakalas sa pagtitigan ng dalawa.

  " Ui Chicks! " mabilis na nailipat ni Ellene ang kaniyang tingin kay Chicks.

  " Uhmm. Pasaway! " pabirong kinurot ni Chicks ang tagiliran ni Ellene bago nilingon si Samson.

  " Ang bad mo Samson! Kung saan-saan mo dinadala si Ellene. Kanina pa kaya namin kayo hinahanap. Wala na sila sa videoke room. They're looking for a resto that can accommodate all of us. " sabay hila ni Chicks kay Ellene.

  Nauna ng naglakad si Chicks at Ellene kasunod naman si Samson na nasa likuran. Muling nilingon ni Chicks si Samson nung malapit na sila sa resto na kakainan nila.

  " Sumbong kita kay Nestle." sabi ni Chicks sabay tiningnan ng nakakaloko si Ellene.

  " As if he cares." sagot naman ni Ellene sa nakakalokong tingin ni Chicks tungkol kay Nestle.

  " Malay mo. " she chuckled before she open the door of the resto.

  " How I wish. " Iyon na lamang ang narinig ni Samson bago tuluyang makapasok sina Ellene at Chicks sa resto. Pero hindi nakaligtas ang itsura ni Ellene na tila patuloy pa ring umaasa.

SAMSON'S POV

  Sino daw? Nestle? Mukhang may karibal pa ata ako ah. Pero mukhang gusto naman siya ni Ellene. May pa- how i wish how i wish pa siya. Upakan ko pa un eh.

Anyare Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon