ELLENE'S POVSino ako? Anong pangalan ko?
Inilibot ko ang paningin ko sa kwartong kinaroroonan ko. I'm wearing a pajama at may nakatalukbong na kumot sa kalahating bahagi ng katawan ko. Hinimas ko pa ang ulo kong medyo sumasakit.
At. . . .
At. . . .
At. . . .
At. . . .
Chos! Nag-iinarte lang. Wala naman akong amnesia. Ang kwarto kung nasan ako? Edi sa dorm. At medyo masakit ang ulo ko dahil sa sobrang tulog.
It's Saturday morning at awa ng Diyos rest day namin ngayon pero ang isip ko hindi makapagpahinga. Ang daming tumatakbo sa isip ko and fortunately hindi kasama ang studies. Dahil kung kasama pa pati studies malamang comatose na ako niyan.
Bumangon na ako upang kumain at maligo pero pagkatapos noon ay muli akong bumalik sa higaan ko upang mag-isip. Mas makakapag-isip ako ng maayos sa ganitong sitwasyon, tahimik at walang ibang tao maliban sakin.
Tinupi ko muna ang kumot ko bago inayos ang unan sa may ulunan ng kama. Patayo ang pagkakalagay ko dito para gawing sandalan mamaya. Kumuha din ako ng maliit na notebook at ballpen bago naupo sa higaan ko. Then I started to think.
I NEVER understand what I'm feeling this past few weeks. Pakiramdam ko kasi hindi ko na kilala ang sarili ko. This is not the usual me. Dapat 'everyday ok' lang at laging good vibes. Walang iniisip at pinoproblema at hindi naiistress sa kung anong bagay maliban sa studies. Everything is always in control. But suddenly that person drag me into this situation and now i'm having a dilemma. A dilemma that no woman would want to experience. Alam mo ung pakiramdam na gusto mong gawin ang isang bagay o you're now decided with what to choose pero hindi mo magawa dahil alam mong maraming hindi sasang-ayon at hahadlang? Maraming eepal sa daan at makikisawsaw.
The feeling is so right yet so wrong. Hano daw!?! Pakshet KA naman oh! Damay-damay na lang! At kung may happiness meter man, ung sakin hindi makaabot-abot sa pinakamataas o maximum limit niya dahil may pilit na humihila dito pababa. I know it's psychological pero hindi kathang isip. And actually it's a who.
Ramdam ko ang true happiness kapag kasama ko siya. I don't know how that person is doing it but it feels so good. Habang lumilipas ang mga araw sa tingin ko may nabubuong kakaiba dito sa kaliwang bahagi ng dibdib ko. Tila isang pakiramdam na matagal ko ng hinihintay ngunit ito rin ang kinakatakot ko. I can sense, it can bring the happiness that everyone would want. Pero ito rin ang makakapagdulot sayo ng labis na kalungkutan at sakit.
Things began to flashback in my mind.
It's been a month after that incident happen. What incident? Edi ung araw na humingi ako ng space kay Sam. I'm really confused that time at pakiramdam ko ako na ang may pinakamatinding dilemma na pinagdadaanan. One more thing, Sam's reaction really hurts. Kala ko nagkaintindihan na kaming samin na lang muna kung anong napag-usapan namin. But then I felt that I was betrayed and it hurts. Betrayed kasi maraming nakaalam about what I ask for.
" Hahahaha.... hahahah!" I heard Sam and our clinical instructor laughing. Actually mas malakas ang tawa ni ma'am Miles. Yung kay Sam parang napilitan lang.
I never look back though I'm dying to. Gustong kong manapak.
I heard it. Narinig ko ang sinabi ni Ma'am Miles. Astronaut pala ha? Sabihin nating nagbibiruan sila pero hindi naman simpleng bagay un. Para sakin sensitibong paksa un. I wanna hide the pain kaya nagpakabusy na lang ako ng todo sa activities namin sa community. Ayokong huminto para hindi sumagi sa isipan ko ang mga narinig ko. Well I did it, but not for long.
Nandito na kami sa service namin pabalik ng school. Nasa left side ko si Gela at nasa right side ko naman si Moody na nakatulog na agad dahil sa pagod. Nasa left side ni Gela ang bintana at nasa harap niya ang driver.
Humarap ako kay Gela. " Gela hindi ko na kaya." Kasabay ng huling salitang binitawan ko ang pagtulo ng luha ko. Mabilis namang inihilig ni Gela ang ulo ko sa balikat niya to comfort me.
" Anong nangyari?" She started asking me. I told her everything. Eksaktong eksakto sa nangyari.
" Ang sakit Gela." Muling tumulo ang pinipigilan kong mga luha. "Akala ko nagkaintindihan kami. Sinabi ko sa kanya na sana saming dalawa na lang ung pinag-usapan namin. Pero sinira niya ung tiwalang binigay ko sakanya. For me this is something the two of us must keep, right? Pero sinabi ko na sayo kasi hindi ko na kaya."
" You two must talk. Sabihin mo yang nararamdaman mo sakanya. Kung anoman yang gusto mong pahalagahan sa pagitan niyong dalawa. . "
" Friendship siyempre!" I said as I cut her off and wipe my tears away.
" Ok defensive much" she said as she rolled her eyes. " As I was saying, kung anoman yang gusto mong pahalagahan sa pagitan niyong dalawa, which you say is friendship,dapat be honest and transparent on what you are feeling. Parang tayong apat. We say things not to flutter or what. But we say it because that person deserves it. Ganun kasimple." She continued while rubbing her hand on my back for comfort.
I didn't say a word. I just nod. She then didn't say anything after that. Oo nga ganun kasimple pero hindi ganung kadali. Iba kasi eh. It hurts YOU know.
Naramdaman ko ang mahinang tapik sa pisngi ko. Nakaidlip pala ako sa biyahe.
" Ellene remember what I said. Ok? Be safe always. Una na ako ha, nandyan na kasi si papa. " as she bid her goodbye.
" I will be. Ikaw din ha. Thanks Gels. You're the best. Really! " bumeso ako at umalis na siya. Si Gela talaga ang lagi kong sinasabihan ng mga ganitong problema kasi open- minded siya at hindi bias.
Naglakad na ako papuntang dorm nang bigla akong mapahinto dahil. . . . . .
Dahil. . . .
Dahil nakalimutan ko pala si Moody. Nasa van pa pala at baka hanggang ngayon ay mahimbing pa ang tulog.
Geh puntahan ko muna ha! (*^﹏^*)
BINABASA MO ANG
Anyare Love Story
HumorEllene, isang kolehiyalang ninais o mas sabihin na nating pinangarap makahanap ng mamahalin at mag magmamahal. Nagpacute, umasa, nahulog, nagmahal, nasaktan, naTRAUMA Nagsawa, natakot pero nagmamahal ulit. Pero ang akala niyang perfect at forever...