GELA'S POV
From: Gela
Good evening team Barbie.
We will have a meeting about our
case presentation on September
15, 2013 at Sese's Building sa
tapat ng Starmall. 9am sharp.
Don't be late .
×~×~×~×~×~×~×
At Sese's Building
" Ok team Barbie before I discuss, kumpleto na ba tayo?" tanong ko habang tinitingnan lahat ng classmates ko.
" Gela wait lang wala pa si Samson pero on the way na daw siya. Na-stuck lang sa traffic jam." Jek (bibo kid)
" Gela sila Moody and Ellene din on the way na" pagkatapos ay lumapit sakin si Chicks at bumulong, " medyo na late daw kasi sila ng gising"
"Kung sino pang pinakamalapit dito sila pa ang late.tsk!" mahinang salita ni Kasy.
Palibhasa kasi siya ay laging maaga o kung hindi naman mas maaga pa siya sa meeting time sa kahit anong meeting o gala.
Maya maya lang. . .
" Sorry Gela nalate ako. Ang traffic kasi sa Alabang. Big time.!" pagpapaliwanag ni Samson na hinahabol pa ang hininga dahil sa pagtakbo paakyat dito sa building namin.
" Whatever!"
" Present! Sorry Gels nalate kami ni Moody." na halos kasunod lang ni Samson dumating.
Naku talaga 'tong sina Moody at Ellene naiipit tuloy ako eh. Sanay na kasi akong naghihintay sa kanila dahil lagi naman silang late. Puro chismisan kasi sa dorm eh kaya nalelate.
Napailing na lang ako.
" Ok let's start now."
SAMSON'S POV
Pagkarating ko ng meeting place nagsorry kaagad ako lay Gela.
" Sorry Gela nalate ako.Ang traffic kasi sa Alabang. Big time.! " halos habol habol ko ang aking hininga dahil sa pagtakbo ko paakyat.
" Whatever!" malakas na pagkakasabi ni Gela.
Biglang may boses na nagsalita sa likod ko habang papunta sa harapan.
" Present! Sorry Gels nalate kami ni Moody."
" Ok let's start now." Gela
0______0 Ha?!? Ganun lang un?!?
" Medyo unfair un ah. Pag ako late, Whatever! pero pag sila wala lang??" inis na sambit ko.
"Ui baka may makarinig sayo, baka magsumbong pa sa 99ers" saway ni Austin sakin na may kasama pang siko.
Makasiko naman 'tong si Austin.
" Totoo naman kasi tol. Pero maiba ako. Sino ung kasama ni Moody maglakad paharap? Ang sexy nun ah! " nagchange topic na ako kasi baka mabadtrip pa ako lalo.
" Sino pa ba? Si Ellene! Sira ka talaga 2 sems na tayong magkakaklase hindi mo pa din siya kilala? Sige nga. Sino pang hindi mo kilala dyan para maipakilala ko na sayo.hahaha! "
" Gags! " iniyuko ko ang ulo ko at nilagay ang dalawang kamay sa likod ko at mahinang nagsalita "syempre shy type kasi ako eh."
Shet! panis kayo sa acting skills ko.
"Lul! Lokohin mo lelang mong panot. Kung makatawa ka nga minsan parang walang bukas"
Hindi ko talaga nakilala si Ellene. Ang sexy kasi niya ngayon. Pink sleeveless with matching small flower sa right side at leggings na black. Sumunod talaga sa korte ng katawan niya ung suot niya. ~~sizzling hot~~ wooohh!!
Ibang-iba itsura niya pagnakauniform. Mukang mataray at hindi naman ganun ang hubog ng katawan niya. Palibhasa'y medyo maluwag ang school uniform niya.
Hindi nga malaman kung nagtitipid o sadyang nangangarap pa siyang lalaki pa kaya may allowance ang uniform niya.
"Simula nung nagbreak kami ni Cathy wala pa akong balak na maghanap ng iba. Pero iba ung naramdaman ko nung nakita ko si Ellene." sabi ko kila Austin
"Asus.. . . baka libog lang yan! Hahaha! sabi ni Ace pagkatapos ay ngumiti ng nakakaloko.
" G*go ka talaga no??! Hinaan mo nga yang boses mo baka kung sino ang makarinig sayo at kung ano pa ang isipin." sabay batok kay Ace
" Baka nabibigla ka lang Samson. Yang si Ellene ang pinakamalakas mambara sa kanilang apat at siya din ang pinaka mapang-asar. Baka lumalapit ka pa lang eh busted ka na." sabi ni Rel
"Rel alam ko namang babae ka. Huwag mong sabihin na kaya ko siya gustong ligawan eh iniisip mong gagawin ko lang siyang panakip butas. Saka hindi ko pa naman balak manligaw ngayon. Papakiramdaman ko muna ang sarili ko kung totoo ba tong nararamdaman ko at kung kaya ko na ulit pumasok sa isang relasyon."
Napalingon ako kay Ellene habang nag-iisip tungkol sa sinabi ni Rel. Di ko namalayang ___
" Hi Samson! Mukang sa dami ng ideas mo natulala ka na. Naghang na ata utak mo eh."
Oh shet! Hindi ko napansing nakalapit na sakin si Ellene at kasalukuyang nasa harap ko kaya bigla akong napaatras nung nagsalita siya.
"Hala ka?" sabi ni Ellene habang nakakunot ang noo niya. " Para kang nakakita ng multo,napaatras ka pa dyan. Take note: magandang multo. Siguraduhin mong maayos ang powerpoint kung hindi ikaw ang gagawin kong multo." dugtong niya sabay talikod.
Dugdugdugdugdugdugdugdugdug
Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi na ako nakapagsalita at tumango na lang ako.
Engot ko talaga! Baka isipin niyang isnabero ako o kaya mayabang dahil sa naging reaksyon ko.
" Naparami ba ang lagay ko ng pulbos kaya nagulat ang unggoy na un? Kaya nga indi na ako nagamit ng presspowder dahil maliban sa nangangati ang mukha ko ay baka sumobra sa puti ang apply ko." Narinig ko pang sabi ni Ellene sa sarili habang tila tinatanggal ang pulbos niya sa mukha.
Nang makabalik ako mula sa pagkagulat ay pinagbabatukan ko sila Austin at Ace.
"Ano kayo dyan, display? Wala man lang sa inyo ang nangalabit sa akin para sabihing papalapit na si Ellene! Putek nagmuka akong tanga dun ah! " inis kong sabi sakanila
" Wow tol hanep sa bintang ah.Malay ba naming napatulala ka na diyan. Kala namin nag - iisip ka lang." depensa ni Austin habang nakahawak sa batok.
"Hahaha! Nakakatawa talaga ung reaksyon mo Samson. Epic! You look like someone who's hypnotized by a witch and all of a sudden nagising sa spell. hahhha." natatawang sabi ni Rel.
" Naman Rel oh nakita mo pala ung buong pangyayari."
" Kalimutan mo muna yan tol. Baka lalo kang mabad shot pag hindi maganda ang kinalabasan ng powerpoint. " Austin
"Tama ka Austin. Pero sure akong maganda un kasi from now on may inspirasyon na ako." nakangiting sagot ko kay Austin.
" SI ELLENE! " sabi nila Austin, Ace at Rel in unison.
" Nak ng puts! sige sigaw nyo pa. Kulang pa eh!" . Sarap busalan ng mga bunganga ng kaibigan ko. haist.. .. ..
BINABASA MO ANG
Anyare Love Story
HumorEllene, isang kolehiyalang ninais o mas sabihin na nating pinangarap makahanap ng mamahalin at mag magmamahal. Nagpacute, umasa, nahulog, nagmahal, nasaktan, naTRAUMA Nagsawa, natakot pero nagmamahal ulit. Pero ang akala niyang perfect at forever...