AUTHOR'S POV
" Gosh ang gaganda ng mga case presentation ng mga naunang sections. It is not totally formal dahil may ice breakers at medyo nakakatawa din. What an idea. The pannels and the other students didn't feel bored." nanlaki ang mga mata ni Gela na tila may naisip na maganda. " Oh no! I think I have to call for an emergency meeting." sabi ni Gela habang nakatingin kay Kasy.
" Don't worry Gela. I'll send them text about it."
" Just tell them that it will be held at Slee's house tonight"
" Ok, copy "
Dahil sa emergency meeting nga ito ay hindi maiiwasang may malelate ng dating sa kadahilanang ang iba ay may duty pa.
×~×~×~×~×~×~×
Slee's House
"Para saan ang biglaang meeting na 'to Gela?" tanong ng isang classmate nila.
"I have talked to the leaders of both teams and we decided to change the whole presentation" Gela said with conviction
" Whole as in buo, lahat?"
" Oo. From. super formal presentation lalagyan na din natin ng more funny side in a creative way. Just like what the other section did. Hindi lang naman siguro ako ako bumilib sa kanila. I must say pati kayo rin." paliwanag ni Gela
"Yeah tama ka Gela ang ganda nga ng presentation nila pero kakayanin ba natin un eh 2 days from now tayo na ang magpepresent." sabi ni Aika na parang nag-aalala na hindi nila matapos ang presentation kung babaguhin pa nila.
" Kaya natin yan basta lahat kikilos at walang magpapasaway. Kaya nga tayo tinawag na 'cram babies' diba Aika? as Gela winked.
Kaya 'cram babies' kasi ang group nila Gela, Aika,Lor,Chelle,Ellene at Kasy ay sanay gumawa ng mga projects o any activities day before ng pasahan. Yung tipong kulang na kulang na sa oras pero sa huli ay matatapos din naman nila ng maayos ung pinapagawa sa kanila.
"Tomorrow will be our last day for the revisions kaya dito ulit tayo magkikita kila Slee. Samson make sure makakapunta ka tomorrow after ng duty nyo. Your powerpoint will give the whole presentation its life." ma-awtoridad na sabi ni Gela kay Samson.
" S-sure Gela makakarating ako bukas." sagot ni Samson na halatang kinabahan.
" Sige na . Simulan na ang revisions."
Matapos noon ay sinimulan ng banggitin ni Gela ang mga idadagdag at ibabawas sa presentation nila. Sinabi na rin niya ang flow ng presentation.
SAMSON'S POV
" Damn! Nakakapressure naman ung sinabi ni Gela. I really don't know where to start." sabi ko kay Austin habang hinihimas ko ang batok ko.
" Yeah right sinabi mo pa" tugon ni Austin
" Pakiramdam ko tuloy kasalanan ko kapag hindi maganda ang kinalabasan ng case pres. natin."
" Kaya nga eh. Ako din eh. Ako kasi nagvolunteer para sayo. hehehe"
" Ugok ka kasi eh. Tingnan mo tuloy nasa gagawin pa nga daw natin ang life ng presentation. Kapag 'to talaga hindi maganda lagot tayo."
" Don't worry tol. Kaya yan. lahat naman tutulong sayo eh." sabi ni Austin sabay tapik sa balikat ko.
×~×~×~×~×~×~×
BINABASA MO ANG
Anyare Love Story
HumorEllene, isang kolehiyalang ninais o mas sabihin na nating pinangarap makahanap ng mamahalin at mag magmamahal. Nagpacute, umasa, nahulog, nagmahal, nasaktan, naTRAUMA Nagsawa, natakot pero nagmamahal ulit. Pero ang akala niyang perfect at forever...