Chapter 3

8.7K 300 28
                                    

"Ems, nandito ka lang pala. I was looking for you." Napalingon ako sa tumawag sa akin. It's Ma'am Ray.

Ems ang tawag sa akin kasi puro M daw ang pangalan ko. At hindi ko rin alam kung anong pangalan ang gusto kong itawag nila sa akin. Kasi naman, ayoko ng pangalan ko masyadong babaeng babae. Masyadong dalagang Pilipina. Masyadong banal. Kabaliktaran naman ng ugali ko ang lahat ng 'yon.

"Oh, bakit ka namumutla? Kumain ka na ba?" Tanong niya ulit.

Huminga ako ng malalim. Kinabahan kasi ako doon kay Izmael Maksimillian Kinsley. Paano kung totohanin niya ang sinabi niya?!

"Hindi pa po Ma'am."

"Why?"

"Ah nagpahangin lang."

"Okay. Let's go inside na, at kumain ka na rin. We're going home after."

Tumango ako at sumunod sa kanya. Inilibot ko ang mga mata ko at hindi ko siya makita.

Tanginang 'yon, ako pa binantaan.

Dumeretso ako sa gilid na may mga lamang sari-saring pagkain. Pangsosyal lahat. Masasarap kahit tingin palang.

Kumuha ako ng mga gusto ko kahit hindi pamilyar ang halos lahat. Tapos ay umupo ako sa isang table. Ako lang mag-isa kasi may kumausap kay Ma'am Ray, si Ma'am Ithalia ata.

Tinignan ko ang dekorasyon ng buong restaurant. Tsaka ko lang napansin ang projector na nasa gitna at may nakasulat na Happy 32nd Birthday, Zam.

Nabilaukan ako.

Agad akong humanap ng tubig pero hindi pala ako nakakuha, tatayo na sana pero may umabot sa akin ng isang basong tubig. Nang tignan ko ay si Izmael Maksimillian Kinsley!

Hinayupak na 'to hindi niya ako tinatantanan.

Hindi ko ininom iyong tubig.

Nilunok ko na muna yung pagkaing nasa bunganga ko bago nagsalita.

"Gusto mo ba ako?" Deretso kong tanong. Tumawa siya.

Naiinis na naman ako sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya. Manyak! Lintik lang ang walang ganti. May araw ka rin sa 'kin.

"Yes." Sagot niya.

"Well sorry, hindi kita gus--"

"Gusto kita. Gusto kitang ibalibag."

"Same here, asshole." Hanggang ngayon gustong gusto ko siyang ibalibag at sapakin dahil naaalala ko ang paghawak niya sa dibdib ko sinasadya man o hindi!

Inirapan ko siya at hindi na pinansin. Bumalik ako doon sa Zam. Siya pala ang may birthday ngayon. Kaya pala bihis na bihis si Ma'am Ray.

Napailing-iling ako, hindi ko siya masisisi kung tanga.

"So driver ka pala ni Arabella."

Muntik na naman akong mabilaukan. Paano niya nalalaman ang nga bagay bagay na 'yan?!

Pinaimbestigahan niya ba ako?

Hindi ako sumagot.

"Tito Maksimillian!" Tawag ng cute na bata at hinihila ang damit ni Izmael Maksimillian Kinsley. Napangiti rin tuloy ako ang ganda ganda. Blue ang kulay ng mga mata niya.

"Hey..." Binuhat siya ni Izmael Maksimillian Kinsley at pinaupo sa lap niya. "I have a gift fow you." Sabay abot niya ng bracelet na itim.

"Wow. Thank you, baby Israela." Hinalikan niya ang bata sa pisngi.

Tapos napatingin sa akin 'yong bata, Israela ang pangalan. Ngumiti siya sa akin.

"Who's she, Tito Maksimillian?" Tanong niya. "Is she youw cwush? Just like kuya po?"

Mafia Boss 4: Captured By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon