Chapter 22

5.7K 240 50
                                    

Isang linggo na ang nakakaraan nang inuwi ako ni Maksimillian sa pamilya ko.

Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko ngayon. Nakatulala lang ako pagkagising ko sa umaga.

Marami akong nalaman pagkabalik.

Napagawa na ang dati naming nasunog na bahay. Dito na ulit kami tumira, ito pala ang tinutukoy nila Nanay na bagong bahay. Medyo lumaki iyon at nagkaroon ng second floor.

At ramdam ko rin ang mga tagabantay na nasa malayo pero tanaw pa rin kami.

Ilang araw din akong tumambay sa sementeryo nang malaman kong hindi na pala kinaya ni Trevor. Iniwan niya na ako. Comatose kasi siya ng dalawang buwan, pero pagbalik ko sa hospital sinabi sa akin na matagal na pala siyang wala.

Para akong namnhid sa narinig. Hindi ko man lang siya nadalaw ulit. Tapos malalaman ko nalang na wala na pala siya.

Ang sakit. Ang lungkot. Nauna pa siya sa akin.

Pumunta rin ako sa opisina ni Ma'am Ray, humingi ako ng pasensya dahil hindi ako nakapag-paalam ng maayos. Tapos nagulat ako sa sinabi niya.

"It's okay Ria, pinagpaalam ka naman sa akin ni Zam."

Zam.

Si Izmael Maksimillian Kinsley ay si Zam na matagal nang mahal ni Ma'am Ray.

Tangina diba? Kaya pala nandoon si Maksimillian sa kaarawan ni Zam dahil siya pala ang may birthday.

Kaya pala tinatawag siya nila Daryl at Green ng Zam dahil iyon ang nickname niya.

Ang layo naman sa Izmael Maksimillian!

Sinabi ko rin pala kay Ma'am Ray na kailangan ko ng magresign. Tinanong niya kung bakit, sinabi kong may aayusin lang.

Pero ang totoo, ayokong mapahamak siya nang dahil sa akin. Hindi ko alam kung kailan ako aatakehin ng sakit sa ulo at bigla bigla nalang mawawalan ng malay. Delikado kapag driver niya pa ako.

Binigyan niya ako ng last salary at malaki iyon. Hindi ko na sana tatanggapin pero hindi niya ako hinayaan.

Kaya tinanggap ko nalang at idinagdag sa ipon ko sa bangko para sa pamilya ko.

"Umagang-umaga, Tol. Tulala ka diyan?"

Umirap ako kay Agapito. "Pangit mo."

"Pangit ka rin."

"Pumasok ka na nga. Ako'y naalibadbaran sa pagmumukha mo. Layas!"

Pantataboy ko sa kanya.

"Maria Marian Mariana, bakit ang lungkot mo? Dahil ba kay Kuya Trevor o dahil sa ibang lalaki? Ayieee inlove na ba ang Maria ng Mariano?"

Binato ko siya ng unan at tumatawang lumayas sa harapan ko.

Dahil kay Trevor? Siguro.

In love? Kanino naman? Eh patay na nga iyong natitipuhan ko. Hindi man lang siya nabigyan ng katarungan bago nawala.

Hinampas ko ang dibdib ko dahil ang sakit na naman ng nararamdaman ko. Pero hindi ako iiyak.

"Hayaan mo Trevor, isa pang ebisensya pupunta na akong pulis pagkatapos. Mabibigyan na kita ng hustisya."

Ganon na nga ang ginawa pagsapit ng gabi. Humiram ulit ako ng motor. Nakasuot ulit ng hoodie na itim at pumunta sa dati kong pinupuntahan.

May nakasunod sa akin na mga sasakyan at mga bantay ata iyon kaya mabilis kong pinaandar ang motor at niligaw sila. Baka kasi mahalata pa ako ng mga minaman mananan ko at mahuli pa ako dahil sa mga sasakyan nila.

Mafia Boss 4: Captured By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon