Kahapon matapos ang nangyari ay tahimik kaming bumalik ng hotel. Tila akong lantang gulay dahil sa mga nalaman. Pinipilit kong panaginip lang ang mga sinabi niya pero hindi eh, totong totoo. Imbes na matuwa ako, kabaliktaran ang naramdaman ko.
Buong gabi ata akong umiyak ng umiyak. Hanggang sa makatulog ako kakaiyak. Hindi naman ako mag-iinarte ng ganon kung wala lang 'yon.
Kaninang umaga ay parang wala kami sa sarili ni Maksimillian na tahimik lang. Ipinagtaka naman ng dalawa ngunit hindi naman nag-usisa pa.
Nagmeeting ulit kami dahil ipinatawag ko sila.
Hindi man ako personal na makakasama sa pagbalik at paghuli kay Trevor ay kailangan ko namang magbigay kahit papaano ng tulong sa pamamagitan ng mga lugar na alam kong pagmamay-ari niya.
Sa ilang taon naming magkasama ni Trevor ay totoong nakapunta na ako sa iba't ibang lugar na sinasabi niyang sa kanya. Ngunit hindi ko naman napansin na may ginagawa pala siyang kasamaan.
Hindi man ako sigurado kung makakatulong ang mga lugar na 'yon ay sinabi ko pa rin ito sa kanila.
Mabilis na hinanap ni Green ang mga locations, may mga iba ring naghahanap at may mga tao silang kinakausap. Iniisip ko nga baka mga secret agents sila dahil ang galing nilang magtrabaho. Hindi naman na ako nagtanong.
Pagkatapos ng meeting na 'yon ay bumalik ako sa kwarto. At doon ulit natulala. Napagtanto ang mga bagay bagay.
Nalaman kong iyong naramdaman ko pala kay Trevor walang katumbas sa nararamdaman ko para kay Maksimillian mas matindi at malakas. Hindi ko alam kung kailan iyon nagsimula. Maaaring noong umagang sinabihan niya akong bumalik na sa bahay, niyakap ko siya at sinabing huwag muna dahil ayokong malayo sa kanya kasi nasanay na ako. Natakot akong hindi ko na siya makikita.
Pero hindi ko pinansin ang nararamdaman kong 'yon dahil ayoko namang magmahal pa. Wala na akong karapatang magmahal pa dahil maaiiwan ko ang taong 'yon sa huli. At ayokong makasakit.
Kaya hindi ko pwedeng sabihin iyon sa kanya. Hindi ko pwedeng parehas kami ng nararamdaman dahil ayokong umasa siyang magiging masaya siya sa akin. At hanggat may oras pa kailangang tumigil siya, itigil ang nararamdaman niya para sa akin.
At iyon ang masakit.
Ito na 'yon eh. Ito na sana. Kaso mas pipiliin ko nalang na masaktan siya ng kaunti sa pamamagitan ng pagtanggi ko sa pagmamahal niya sa akin kaysa masaktan siya ng sobra sa paglisan ko ano mang oras.
Kung may makakarinig siguro sa iniisip ko sasabihan ako na ang tanga ko, na ang tanga-tanga ko. Siguro nga, pero kasalanan ko bang nagkaganito ang lahat? Hindi ko naman ginusto eh.
Hindi ko naman gustong may magmamahal sa akin na lalaki tapos sasabihin kong hindi niya ako pwedeng mahalin.
Kasi kung nasa ibang sitwasyon siguro kami na okay ang lahat, na wala akong problema, na wala akong sakit gustong-gusto kong sabihin na mahal ko rin siya.
Ang sama-sama sa akin ng buhay, ng tadhana.
Bakit ako binibigyan ng ganitong pagsubok na naman. Ang bigat. Ang sakit.
Four months ago tinanggap ko na kung anong mangyayari sa akin. I fully accepted that my days are numbered.
Pero ngayon, bakit gusto kong humiling ng isa pang pagkakataon na bigyan pa ako ng mahabang oras.
Na bigyan pa ako ng maraming maraming araw para makasama ko si Maksimillian.
Ngunit huli na ang lahat. Kahit humingi ako ng tulong ngayon, walang kasiguraduhan ang bukas. Baka sa huli masasaktan ko lang din siya. Ayokong maging selfish. Hindi ko gustong ipagpilitan ang hindi na pwede.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss 4: Captured By Him
ActionNot all mafias are heartless, they deserve to love and to be loved. Started: January 2021 Highest Rank Achieved: #1 in Comedy