Lumabas na si Doc at sinabing sasabihin kay Nanay ang result tapos babalik nalang daw siya rito kapag pwede na akong i-discharged.
Napako ang tingin ko kay Izmael Maksimillian Kinsley. Naikuyom ko ang kamao ko.
"Anong karapatan mong magpakita pa sa akin na parang wala lang pagkatapos mong gawin 'to sa pamilya ko ha? Izmael Maksimillian Kinsley?"
"Ano namang napala mo? Masaya ka na ba? O nakaka-tangina kasi buhay pa rin kaming lahat hanggang ngayon at pumalpak ang plano mong patayin kaming lahat?"
"Sinabi ko sayong huwag na huwag mong idadamay ang pamilya ko. Sinabi ko sayong ako ang kausapin mo pero bakit? Bakit pati sila dinamay mo?!"
Sigaw ko. Nakatitig lang siya sa akin habang kunot ang noo.
"Ano bang kasalanan namin sayo? Ano bang kasalanan ko sayo?!"
Sinipa ko ang upuan. Galit ako, galit na galit. Hindi ko kakayanin na may isang miyembro sa pamilya ko ang mawala.
"Sumagot ka!!! Ano?!" Patuloy ko pa ring paninigaw. Gustong gusto ko siyang sapakin.
Sinubukan niyang lumapit sa akin pero tumayo ako.
"Huwag...huwag kang lalapit." Napatigil siya, "Demonyo ka! Demonyo!"
"Hindi ako mananahimik Kinsley. Hinding hindi. Pagbabayaran mo lahat ng ito!"
Tinawid niya ang espasyo namin sa isa't isa. At hinawakan ang braso ko. Naglumiglas naman ako pero mas malakas siya kaysa sa akin.
Hanggang sa niyakap niya ako ng mahigpit sa ikalawang pagkakataon.
"Hey... Calm down. Calm down..." Mahina niyang sabi.
"Bitawan mo ako! Lumayo ka! Hayop ka!"
"Shhh, calm down Mawi. Hindi... hindi ako ang may gawa non. Hindi rin ako ang nag-utos."
Humiwalay siya sa yakap. Binitawan niya ang braso ko. Kung akala niyang maniniwala ako pwes nagkakamali siya.
Sinampal ko siya ng sobrang lakas. Kaliwa't kanan at pinaghahampas ko siya pero pinigilan na naman niya ako.
"Damn it!" Mura niya sa mukha ko.
"Ano sa tingin mo maniniwala ako sayo? Binantaan mo ako hindi ba?! Kaya sino pa ang gagawa non kundi ikaw?!"
"Fuck, your hand is bleeding!"
Wala akong pakialam kung nahugot ulit yung dextrose.
"Tangina mo, Kinsley. Hindi ako nakikipagbiruan. Ipapakulong kita!"
"You're still in shock. Calm down, damn it!"
Magsasalita pa sana ako hanggang sa sobrang nanakit ang ulo ko. Tangina huwag naman muna ngayon.
Nanlabo ang mga mata ko, nawala ang pandinig ko at napalitan ng isang matinis at nakakabinging tunog. Sobra akong nahihilo na parang gusto kong sumuka.
Tinatawag ako ni Maksimillian pero hindi ko siya maintindihan. Ang sakit. Ang sakit sakit ng ulo ko. Ilang minuto pa ang hinintay ko hanggang sa umayos na ulit ang pandinig ko, pati luminaw na rin ang mga mata ko.
Nakaupo ako sa kama at hingal na hingal.
Ngayon lang ulit sumakit ng sobra ang ulo ko.
"Mawi... Maria Marian Mariana... How are you feeling?"
Doon ulit ako napatingin sa kanya. Hindi ako nakapagsalita.
Nasa likod niya na rin si Dr. Martin at inalalayan akong humiga. May kung anong ginawa sa akin.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss 4: Captured By Him
ActionNot all mafias are heartless, they deserve to love and to be loved. Started: January 2021 Highest Rank Achieved: #1 in Comedy