Pagkatapos kong umiyak habang yakap ni Izmael Maksimillian Kinsley ay bigla akong nahiya.
Sa buong buhay ko kanina lang ata ako umiyak sa harap ng ibang tao. Hindi rin naman kasi ako iyakin. Pero ang bigat-bigat kasi ng nararamdaman ko kanina pagkatapos kong kausapin ang pamilya ko. Alam ko namang maikli lang ang pag-uusap na iyon pero hindi pa rin sapat.
Nasa loob na kami ng private plane niya at hindi ako dumaldal kahit isang salita. Gustong-gusto kong magtanong kung saan kami pupunta pero itinikom ko nalang ang bibig ko.
At dahil ito ang pinaka-unang sakay ko sa eroplano, nang nagsimula itong lumipad kanina ay napiga ko na ata ang braso ni Green. Sobra akong kinabahan.
Nang tahimik at maayos naman ang lipad, napahikab ako dahil sa pagod at antok. Anong oras na rin.
Napatingin sa akin si Green na katabi ko.
"Are you sleepy, Tol?" Tumango ako.
"Itulog mo muna, tatlong oras at mahigit ang byahe."
Ang tagal pala ng byahe, saan kaya kami pupunta?
Sa kabilang banda naman si Maksimillian na nakatingin din sa amin ngayon. Tapos nasa harap si Daryl. Nag-offer ng upuan si Maksimillian katabi niya pero hindi ako doon umupo. Mas pinili ko nalang na tabihan si Green. Nahihiya pa rin kasi ako tangina.
Dumating ang mga nagse-serve ng pagkain, pero hindi ko na napigilan ang antok at ipinatong ko nalang ang ulo ko sa balikat ni Green. Mamaya nalang ako kakain.
Nagising ako dahil sa mahinang pagtapik sa pisngi ko. Kumurap ako ng ilang beses pa dahil inaantok pa rin ako.
"You drooled a lot. The hell?"
Doon ako napaupo ng tuwid at kinapa ang bibig ko. May laway nga sa gilid ng labi ko at napatingin nalang ako sa balikat ng katabi ko.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang nakatitig sa basang manggas ng kanyang polo shirt. Tumingin ako sa mukha at mas nanlaki ang mata ko nang hindi si Green iyon kundi si Maksimillian!
Huh? Hindi ba ang katabi ko kanina ay si Green?
Tumingin ako sa paligid at wala ng tao kundi kaming dalawa lang ni Maksimillian.
"A-anong... B-bakit..." Hindi ko mahanap ang sasabihin ko. Pakiramdam ko mas lalong nadagdagan ang hiyang nararamdaman ko. Paano kung mabaho yung laway ko?!
"Tsk. Nandito na tayo."
"Saan?"
Sinenyasan niya akong tumayo at naglakad na palabas. Iyon naman ang ginawa ko.
"Singapore."
Muntik na akong mapatid nang marinig iyon? Ano raw?!
"Tangina? Bakit ako nandito?!" Gulat na gulat kong tanong. Singapore?!
Nagkibit balikat lang siya.
"Hoy?!"
Nakatungo siya sa akin habang ako naman ay nakaangat ang ulo dahil sa tangkad niya. Ang magkabilang kamay ay nakahawak sa magkabilang upuan. Inilapit niya ang mukha at tumitig sa akin. Ako naman ay pilit na inilalayo ang mukha ko, pero hindi ko na kaya, mababalian na ata ako ng buto sa likod. Para na akong nagbe-bending sa ginagawa ko.
"Just because, Mawi."
"Pwede ba 'yon?! Wala akong passport. Wala akong pera, wala akong mga damit, wala--" Akala ko kasi kung sa Pilipinas lang, akala ko babalik kami ng isla tapos paggising ko malalaman kong sa ibang bansa niya ako dinala?
"Baka nakakalimutan mo, paalala ko lang. Kasama mo ako. You'll be fine."
Umirap ako.
"Paano pag nahuli ako?!"
BINABASA MO ANG
Mafia Boss 4: Captured By Him
ActionNot all mafias are heartless, they deserve to love and to be loved. Started: January 2021 Highest Rank Achieved: #1 in Comedy