Chapter 10

7K 271 52
                                    

"Mga tauhan ng kalaban mo?" Sarkastiko kong sabi, habang nakatikom ang mga kamao ko.

Tinignan niya lang ako na parang pinag-aaralan ang buo kong pagkatao.

"Kung ganon, Izmael Maksimillian Kinsley... Kung kalaban mo sila bakit pati kami nadamay? Tangina bakit ka kasi lapit ng lapit sa akin? Pati tuloy kami pinag-iinitan ng mga kaaway mo! Kasalanan mo 'to! Kasalanan mo 'tong lahat!" Sigaw ko at napatayo na, tsaka tumalikod sa kanya.

Umuusbong na naman ang galit ko sa lalaking 'to.

Mabilis akong naglakad papunta sa hagdan pero nahuli niya ang braso ko.

"Wait..."

Iniwas ko ang braso ko at tumingin sa kanya.

"Ano? Iuwi mo na ako. Dahil ayokong mas mapahamak pa ang pamilya ko sa paglapit sayo."

"You're right. Pwedeng nadamay ka nang dahil sa akin. Pero pwede ring ikaw talaga ang target nila dahil sa isang rason."

"At ano naman 'yon, putangina."

"I don't know, Mawi. I don't know. Kaya nga kita dinala dito baka sakaling mabigyan mo ako ng impormasyon. And yes, hindi sila titigil hanggat hindi ka pa isang malamig na bangkay."

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Paano mo nasabi?"

"I knew you were their target. They want you killed obviously. One of the reasons why I brought you here is to keep you safe as well. "

"Bakit?"

"May mga taong naghahanap sayo at sa pamilya mo when you were still in the hospital."

"Baka asawa lang ng nga kuya ko!"

"No! They were armed. Okay?"

"At paano mo nalaman?"

"I told you. I have my ways."

Napabuga ako ng hangin at sinabutan ko ang sarili kong buhok.

"Sino ang mga hinayupak na 'yon? Anong kailangan nila?"

"I'll help you. But you have to help me as well."

Sumisikat na ang araw sa likuran niya at namangha ako sa ganda non. Pero tumingin ako sa mga mata niyang kasing kulay ng papasikat na araw.

"Bakit naman kita pagkakatiwalaan? Iuwi mi na ako Kinsley! Mag-aalala ang pamilya ko, kailangan ko pang magtrabaho!" Sigaw kong muli.

"No." Matigas niyabg sagot.

I gritted my teeth, bwiset talaga ang lalaking 'to.

"Seryoso ako!"

"So am I."

"Ahhh nakakainis ka! Bwiset!" Sigaw ko pa rin at tuluyan ng umalis sa harap niya at bumaba.

Imbes na bumalik ako sa kwarto, gumala nalang ako sa loob at labas ng yate niya.

Maghahanap ako ng masasakyan ko pauwi. Motor boat, jet ski, basta kahit bangkang di sagwan okay na. Magsasagwan ako pabalik sa amin.

Pero nalibot ko na ata ang buong yate wala akong nakita. Kaming dalawa lang din ang nandito.

Tangina naman, planado talaga ang pag-kidnap sa akin eh. Sinigurado ring hindi ako makakatakas!

Bakit ba niya ginagawa 'to eh wala naman akong alam sa mga nangyayari.

Ang sabi niya pino-protektahan ako? Bakit kailangan pang dalhin ako sa lugar na hindi ko alam?!

Ang gulo gulo, tangina. Simula talaga ng mag-krus ang landas nanin ng hinayupak na 'to eh, mas gumulo ang mundo ko.

Mafia Boss 4: Captured By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon