Hinintay ko ang magiging reaksyon niya pero nakatingin lang ito sa akin. Ngumiti ako at pinisil ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
"Sabi ni Dr. Martin, kailangan ko ng marami pang mga tests at biopsy kung cancerous o hindi ang tumor ko sa utak. Pinakita niya sa akin ang naunang tests at kasing laki iyon ng orange sa right lobe ng brain ko. Kakailangan ko rin daw ng surgery para tanggalin ang tumor."
"And you didn't do anything." Seryoso at may pait niyang sabi.
Tumango lang ako.
"Hindi ako mayaman para bayaran ang lahat ng treatments para gumaling ako. Yung lima kong kuya may mga pamilya na at ayokong maging pabigat sa kanila. Sila Nanay at Tatay wala ng trabaho at negosyo, si Aga nag-aaral pa. Kaya tumanggi ako sa lahat ng sinabi ni Doc. Ako nalang din ang bumubuhay sa kanila, kaya sabi ko hindi ko na kailangan magpagamot kasi walang wala rin kami non. Kaya imbes na magpagamot, inilaan ko nalang sa pagtatrabaho ang natitira kong mga araw para hindi na sila mamroblema sa pera kapag wala na ako."
"Don't say that." Sabi niya dahil siguro sa huling sinabi ko ko. But that is the truth Maksimillian, bilang nalang siguro ang araw ko.
"Mahirap man tanungin ang tanong na kinatatakutan ko pero tinanong ko pa rin kay Doc kung ilang taon o buwan o linggo pa ako mabubuhay pero hindi niya masabi dahil tumor palang ang nakikita sa tests. Pero sabi niya kapag hindi ko ipapagamot posibleng magka-komplikasyon pa dahil sa patuloy na paglaki ng tumor na possible ko ring ikamatay. May chances na makakaranas ako ng severe symptoms kapag hindi naagapan." At sa tingin ko ay itong mga symptoms na nararanasan ko ay nasa pinakahuling level na? Hindi ko alam, kung dati kaya ko pa ang sakit ng ulo ko ngayon hindi na at nahihimatay nalang ako bigla. Naranasan ko na ring magsuka dahil dito.
Napatayo siya at inihilamos ang kamay sa mukha pagkatapos ay pinasadahan ng kaniyang daliri ang buhok. Pulang-pula ang kaniyang mukha at igting ang mga panga.
"Noong unang buwan pagkatapos kung malaman iyon wala naman akong maramdamang kakaiba, para ngang wala akong sakit. Pero may mga times na sumasakit ang ulo ko. Noong pangalawang pagkikita namin ni Dr. Martin, sabi niya kailangan ko nang maoperahan pero—"
"You declined again." Pagpapatuloy niya.
"Iyong naipon ko ay para sa pamilya ko Maksimillian." Dahil gusto ko na kapag lilisanin ko na ang mundo ay wala na silang problema sa pagpapaaral kay Aga, pwede na rin silang magpatayo ng negosyo sa perang naipon ko. Kaya nga nagtrabaho ako, tumigil sa pag-aaral dahil para iyon sa kanila. Ayoko na silang mahirapan pa. At least nagkaroon man lang ng purpose ang natitira kong mga araw sa mundong ito.
"Pero walang sinabi sa akin si Dr. Martin about it."
Tumango ako.
"Huwag mo siyang pagalitan please. Dahil pinakiusapan ko siyang huwag munang sabihin at hayaan niya akong ako ang magsasabi."
Napapikit siya ng mariin at ang kamao ay mariin ding nakapatong sa ibabaw ng sidetable. Kung pwede lang siguro niyang gawin na suntukin ako ay sasapakin niya ako.
Wala naman akong pinagsisisihan sa ginawa ko dahil para sa akin ay para iyon sa ikabubuti ng lahat, kahit hindi na para sa akin. Mali man sa tingin ng iba pero para sa akim iyon ang tama. Kung hindi lang sana problema ang pera, gugustuhin ko rin namang magpagamot. Pero wala eh, hindi naman kami mayaman para magkaroon ng pribilehiyo pagdating sa gamutan.
"Huwag mo akong pagalitan Maksimillian." Inunahan ko na siya, para na kasi siyang sasabog dahil sa sinabi ko.
"Fuck!" Sigaw nito. Paroon at parito siya sa kwarto hindi mapakali parang nag-iisip pero masyado ata siyang nagulantang. Alam ko namang mangayayri ang ganito, kung hindi iyakan ganitong-ganito ang magiging sitwasyon.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss 4: Captured By Him
ActionNot all mafias are heartless, they deserve to love and to be loved. Started: January 2021 Highest Rank Achieved: #1 in Comedy